Chapter 50

198K 2.1K 41
                                    

CHAPTER 50

Dedication:

Srendiza

Chelseeyaa

RichielPaduraSaludo

LizaBillanes

Gina814

SENSITIVEfreak

Mistica04

Ays_krim

Rica11anne27

LizaBillanes

Nick’s POV

Natatakot siya sa magiging sagot ni Jenna pero gusto niyang matapos na ang ganoong sitwasyon nila. Umaasa pa rin naman siya na maayos ang pagsasama nila. Kahit galit si Jenna sa pagsagot ay masaya siya sa narinig niya mula rito. “Let’s leave Mia out of this. Hindi siya kasama sa relasyon natin” sabi niya. “Ganon, kung di siya kasali, why is she acting as if she is the wife? Kung makasita sa akin parang siya ang asawa” si Jenna.

“What are you talking about? Wala na kaming relasyon ni Mia. Just answer my question, do you still love me?”  tanong niya pero kinakabahan siya sa magiging sagot nito.

“Ano ba namang tanong yan, ang importante para sa akin ngayon ay lalaking may ama ang anak ko” si Jenna. Lumapit siya sa asawa at saka nagtanong “Yun lang ba ang papel ko sa buhay mo ngayon ha? I’m asking you for the nth time, do you still love me?”   Pinaghahampas siya ni Jenna sa dibdib, umiiyak “I hate you, I hate you! Palagi mo na lang akong sinasaktan!  Sobrang parusa ang binigay mo sa akin, kung alam mo lang kung gaano ako nasaktan, na walang araw na di ako nagsisi kung bakit nagawa sa’yo yun. Alam mo, naiinis ako sa sarili ko kasi kahit sobra mo na akong sinaktan, wala pa ring mabago, yun pa rin ang nararamdaman ko para sa’yo!”

“Hey, hey, tahan na”  sabi niya kay Jenna saka niya ito niyakap, tumigil na rin ito sa paghampas sa dibdib niya. “I did not punish you ‘coz if I did I also punished myself, do you understand me?” nagsusumamong tanong niya kay Jenna. “Eh bakit mo ako tinatanong ng ganyan?” tanong ni Jenna. “Kasi nahihirapan na’ko sa sitwasyon natin, gusto kitang mayakap, makatabi sa pagtulog, ayaw mo naman, iwas ka ng iwas. Gusto kitang alagaan, kayo ng baby natin, tinatanggihan mo naman ako palagi, it really hurts, alam mo ba ‘yun?” paliwanag niya. “I love you so much Jenna, when you left me, my world fell apart” sabi niya, bahagyang natawa si Jenna. “What’s funny? Nagda-drama ako, tumatawa ka naman” sita niya s asawa.

“Kasi may pagka-corny na yung sinasabi mo eh.” Sagot naman nito na natatawa pa rin. “Ano ba Jenna, do you still love me or not?” naiinis na siya dahil hindi pa rin nito sinasagot ang tanong niya. “Do I need to answer that?Isn’t it obvious? Nandito ako, yakap mo, buntis pa, san ka pa?” inaasar na siya ni Jenna. “I want it to hear from you” seryoso na siya. Tinitigan siya ni Jenna, saka sinabing “I love you Nick from the bottom of my heart”.  Ramdam niya kung gaano katotoo ang sinabi nito kaya hinalikan niya ito sa labi ng maalab. Lumalim ang mga halik na pinagsaluhan nila, gumapang na ang mga kamay niya hanggang sa maihiga na niya sa kama si Jenna. Nang maramdaman ni Jenna ang bigat niya ay bahagyang naitulak siya nito “wait, baka makasama kay baby”.

“Hinde, don’t worry” sagot niya at saka itinuloy ang paghalik sa asawa.  “Nick naman, baka di puwede” nag-aalala si Jenna. “Sige na nga, for your peace of mind, I asked your OB-Gyne kanina, she said our baby is as strong as the mother. And sabi pa niya, we can make love whenever we want” saka niya hinalikan ang asawa sa leeg sabay haplos sa dibdib nito. “What?! Tinanong mo sa kanya yun” gulat na tanong nito, napatigil siya sa ginagawa at tiningnan niya si Jenna na parang hiyang-hiya sa nalaman. Napangiti siya, “I asked her about our baby, but about the lovemaking, she informed me voluntarily coz she knows that it’s important to us”. “Nakakahiya naman, bakit naman sasabihin  ni doktora  sa’yo yun kung di ka nagtanong” sita sa kanya ni Jenna. Natawa sa reaksiyon nito “don’t bother yourself, we’re doctors, wala lang yun and it’s natural”  hinalikan niya muli si Jenna sa labi, gumanti naman ito. Bigla itong tumigil “bakit mo pala tinanong, may balak ka talaga ngayon noh?” akusa sa kanya ng asawa.  Natawa siya kasi ayaw talagang maniwala nito na hindi niya tinanong, tama naman si Jenna, talagang tinanong niya, di lang niya aaminin at kukulitin lang siya,“sobrang abala na yang topic na yan, enough na” natawa si Jenna sa sinabi niya kaya ito na ang humalik sa kanya sa labi na sinalubong naman niya ng buong init. Sinulit nila ang magdamag, binawi nila ang mga panahong di sila magkasama.

Then came...YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon