Chapter 12

224K 2.3K 134
                                    

Chapter 12

Jenna’s POV

Pagkatapos ng lunch ay nilapitan sila ni Marcy, “Friend, eh di lilipat ka na sa place ni Nick”. Nagulat siya sa sinabi ni Marcy, yun ang di pa nila napag-usapan ni Nick. Nakisabad naman ang mommy niya na narinig ang tinuran ni Marcy “Oo nga Jenna, nakapag-impake ka na ba?”

Natawa na lamang siya sa tanong ng mommy niya “Mom, di naman halata na you want to get rid of me na”.

“Anak, nakakahiya naman kasi sa asawa mo kung pipigilan ka namin, besides siya na ang nagmamay-ari sayo ngayon” nakangiting sabi ng mommy niya.

“Dadaanan na lang po namin mamaya yun ibang gamit ni Jenna” sabi ni Nick.

“Pare, ala bang honeymoon?” tukso ni Raffy sa kanila.

“As I said, delayed ang honeymoon pero kung all expenses will be paid by you, pwede na kaming maghoneymoon ngayon” hamon ni Nick sa kaibigan.

“Call. Ipapabook ko na kayo sa Tagaytay. May kaibigan si mrs. Na travel agent. Kung ayaw nyo sa Tagaytay, san nyo gusto?”  offer ni Raffy kay Nick.

“Sige, ipabook mo next week” sabi ni Nick.

“Hindi pwede next week, my offer only stands for today” si Raffy.

“Wala! Ayaw mo lang talaga” tukso ni Nick kay Raffy.

 Tumuloy sila ni Nick sa bahay nila para kunin ang gamit niya. Nagtagal sila sa bahay nila dahil nag ayos pa siya ng gamit niya at doon na rin sila naghapunan.

Pagdating nila sa condo unit ni Nick, “there’s the guest room” turo sa kanya ng lalake.

Nadismaya siya dahil hindi pala sila magkakuwarto ni Nick. Iniisip niya na kung magkasama sila ni Nick sa isang silid ay baka sakaling maging maayos ang pagsasama nila. Inayos niya ang silid niya. Napangiti siya sa naisip na gagawin niya kinabukasan, ipagluluto niya ng almusal si Nick.

Maaga siyang gumising para magluto. Nagprito siya ng itlog, bacon at sinangag. Pagkatapos niyang maghain ay tamang lumabas naman si Nick galing sa kuwarto nito.

“Kain na” yaya niya sa lalaki. “Sige, kumain ka na, I’ll go ahead” sabi naman nito.

“Ha? ikaw nga ang ipinagluto ko tapos hindi ka kakain” nagtatampo niyang sabi kay Nick.

“Jenna, you don’t have to cook for me, don’t mind me, I can take care of myself”  matabang na komento ni Nick at saka ito umalis.

Pumasok siya sa office na malungkot. Nadatnan niya na roon si Marcy. “Hoy Jenna, bakit sambakol mukha mo?” tanong nito sa kanya. Ikinuwento niya sa kaibigan ang nangyari sa umagang iyon.

“Teka nga, bakit ba concern ka sa kanya kung kumain na siya o hindi?” si Marcy.

“Siyempre, asawa ko siya” siya naman.

“Lokohin mo ang lelang mo! Concerned ka, kasi love mo siya” pang-aassar sa kanya ni Marcy.

“Hindi ganun, gusto ko lang makabawi sa mga kasalanan ko sa kanya” depensa niya pero di niya sigurado kung tama nga ang sinasabi niya kay Marcy.

“Hay naku Jenna, wag na tayong maglokohan. Hindi mo talaga mahal si Elvin dahil ang talagang love mo ay si Nick, wag ka nang magdeny” sabi ni Marcy sa kanya.

Hindi siya nakasagot sa sinabi ni Marcy.

Pauwi siya sa condo ni Nick nang maalala niyang tawagan ang daddy niya para kamustahin “Dad, how are you? And mom?”

Then came...YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon