Chapter 37

183K 2.3K 277
                                    

Chapter 37

Jenna’s POV

Masama ang loob niya kay Nick, mabuti na lamang at na-postpone ang hearing nila kung hindi lagot na naman siya kay Judge Ancheta.

Naiinis siya dahil bakit ba kailangan pang magdinner sila nila Mia, at talagang hindi man lang siya niyaya kahit kunwari lang dahil hindi naman siya talaga sasama. Asar siya kay Mia dahil lagi itong sumisingit sa eksena, alam na nga nitong may asawa na si Nick ay nagsususmiksik pa rin.

Bandang alas 4 nang magring ang cellphone niya, tiningnan niya ang caller, si Nick. Sinabi nitong susunduin siya sa office, na-excite siyang bigla. Hindi niya ipapahalata kay Nick na excited siya sa pagsundo nito sa kanya sa halip ay ipaparamdam niyang inis siya sa asawa niya.    

Alas 5 nang pumasok ang secretary niya kasama si Nick, kinuha niya agad ang bag niya at sinalubong ito. Nagulat siya nang hawakan nito ang kamay niya at saka siya hinalikan  nito sa pisngi kaharap si Marcy.

Sa kotse  nito sila sumakay. Ipinaiwan ni Nick ang kotse niya. Niyaya niyang mag-grocery muna si Nick dahil maaga pa naman. Si Nick ang nagtutulak ng cart, lagay lamang siya ng lagay. Natutuwa siya dahil kasama niya si Nick na nag-go-grocery, kadalasan kasi ay mag-isa lang siya. Para bang normal ang pagsasama nila, first time niyang nakasama si Nick na mamili mula noong ikinasal sila. Nang tinanong siya nito  kung gusto niyang mag-shopping ay muntik na siyang sumagot ng oo, mabuti na lamang at nakapagpigil pa siya pero sa totoo lang ay gustung-gusto niya sana kaya lang ay gusto rin naman niyang maramdaman ni Nick na naiinis siya.  Iyon ang pangarap niya noon pa, ang makasama si Nick sa pamamasyal, pagsho-shopping kaya lamang ay paninidigan niya ang pagiging cold niya sa asawa niya.

Hanggang sa makarating sila sa resto-bar ay tahimik siya. Alam niyang pinakikiramdaman siya nito pero hindi siya nagpapahalata na naiilang siya sa mga titig nito.  Um-order pa nga siya agad para kunwari ay nagmamadali siyang maka-uwi. Napangiti siya nang mag-ring ang cellphone niya, si Elvin, sinagot niya ito. “Hello Elvin”  bati niya. “Hello Jen, nasaan ka?” tanong nito at sinagot naman niya. “Kasama mo ba si Nick?” si Elvin. “Yes” sagot niya at saka siya tumawa dahil diniinan nito ang pagkakabigkas ng pangalan ni Nick. “Nakaka-appreciate ba yan ng music? Anyway, ire-refer ko sana sa’yo yun pinsan ko” sabi ni Elvin, sinadya pa niyang tumawa ng mahina para mapansin ni Nick, nakita kasi niya sa sulok ng mga mata niya na nakatitig ito sa kanya.

“Sige, papuntahin mo na lang sa office tomorrow” sabi niya. Sinulyapan niya ang mukha ni Nick, hindi ito maipinta, alam niyang naiinis ito. Tama lang sa kanya para naman maramdaman niya ang mainis.

Mabilis namang dumating ang order nila ni Nick. Kunwari ay wala siyang gana sa pagkain.

Nick’s POV

Pinapakiramdaman niya ang mood ni Jenna. Bigla itong napangiti nang magring ang cellphone nito. Parang umakyat ang dugo niya sa ulo nang binaggit nito kung sino ang kausap. Gusto niyang hablutin ang cellphone nito at itapon sa selos na nararamdaman.  Pero hindi nito puwedeng malaman na nagseselos siya dahil baka paglaruan lang siya ni Jenna  katulad ng ginawa nito noon sa kanya.

Masakit sa kanyang makita na si Elvin pa rin ang nakapagpapasaya sa asawa niya, di pa rin ba nito nakakalimutan si Elvin. Naitanong nga niya sa sarili niya, meron ba siyang ginagawa para makalimutan ng asawa niya ang dating kasintahan? Habang kumakain sila ay sumasakit ang ulo niya, di niya alam kung ano ba ang gusto niyang gawin, alam niyang mahal pa rin niya si Jenna at gusto niya ang pakiramdam na sinusuyo at nilalambing nito pero ayaw naman niyang ipakita sa asawa na mahal pa rin niya ito sa kabila ng sakit na idinulot sa kanya ni Jenna dahil may pride din naman siya. Basta sa mga oras na iyon ay hindi siya papayag na mawala sa kanya si Jenna kahit walang siyang kasiguruhan sa nararamdaman nito para sa kanya.  

“What’s the matter? Di ba masarap ang pagkain?” tanong niya sa asawa na nilalaro lang ang pagkain.

“Okay naman” matabang na sabi nito.

“Okay,then why are you not eating?” siya.

“Wala akong gana” si Jenna.

“Ano ba ang gusto mong kainin? Gusto mong lumipat tayo ng ibang restaurant?” tanong niya.

“No need, kasi kahit saan tayo kumain wala pa rin akong gana” sagot sa kanya nito.

Tinitigan niya ito sa mata, nakatitig din ito sa kanya, “what am I going to do with you?” tanong niya sa isip niya.

Tinapos niya agad ang pagkain niya, tinawag niya ang waiter at saka siya nagbayad. Tumayo na siya “let’s go” yaya niya kay Jenna.

Tumingala ito sa kanya, nagatataka “Di ka pa naman tapos kumain ah”.

“Walang ganang kumain ang kaharap ko sa palagay mo gaganahan pa akong kumain” sagot niya. Tumayo na rin ito at nauna nang naglakad palabas ng resto-bar.

Habang nagbibiyahe sila ay tinanong niya si Jenna “Sino ba yun tumawag sa’yo kanina?”

“Si Elvin” maikling sagot nito.

“Kaya pala masaya ka” komento niya.

“Of course masaya ako, si Elvin yun e” sarkastikong sagot nito sa kanya.

Napadiin ang tapak niya sa gas, bumilis ang takbo nila.

“Ano bang problema mo?!” sigaw ni Jenna sa kanya pero di niya ito pinansin, mabilis pa rin niyang pinatakbo ang kotse. Pagdating nila sa condo ay agad siyang bumaba ng kotse at agad na pumunta sa unit nila, naiwan na nga si Jenna sa bilis niyang maglakad. Naiinis siya kay Jenna pero mas lalo sa sarili niya.

Akmang papasok siya sa kuwarto nila nang pasigaw siyang tinawag ni Jenna “Nick! Ano ba? what’s wrong with you! Muntik mo na akong patayin sa nerbiyos!”

“What’s wrong with me?! Nothing’s wrong with me! Ako dapat ang magtanong sa’yo niyan, what’s wrong with you?! May asawa ka na, nakikipaglandian ka pa!” sigaw niya kay Jenna.

“Nakipag-usap lang ako, nakipag-landian na, ang bilis mo namang mag-conclude!   Usap lang nagalit ka na eh ikaw nga nagdinner pa kayo nila Mama, di ba dapat ako ang magalit?!” sigaw nito sa kanya. Hindi niya namalayang lumapit sila sa isa’t isa, ngayon ay ilang inches na lang ang layo ng mukha nila sa isa’t isa. Tinitigan niya ito sa mga mata pagkatapos ay bumaba ang tingin niya sa mga labi nito, nanunuyo na ang lalamunan pero pinilit pa rin niyang magsalita “that dinner was requested by Mia, gusto daw niyang makasama si Mama bago siya umalis, nakakahiya naman di siya pagbigyan. Di na kita niyaya because it will be awkward”.

Lalo pang silang nagkalapit, parang may magnet naman ang bawat isa sa kanila, nagsalita si Jenna, nakatingin sa mga mata niya “At bakit naman awkward, asawa mo naman ako, ex mo siya, unless may nangyayari pa rin sa inyo”.

That’s it, di niya na kayang pigilin pa ang nararamdaman niya, siniil niya ito ng halik na buong init namang tinugon nito.

Jenna’s POV

Paninindigan niya talaga ang pagiging wala niya sa mood dahil mukha namang effective. Lalo na nung kausap niya si Elvin, di maipinta ang mukha nito. Nagulat siya nang bigla na lang itong magyayang umuwi na.

Akala niya ay hindi na siya nito kakausapin pero nung nagbibiyahe na sila pauwi ay tinanong siya nito kung sino ang kausap niya sa cellphone kanina, pinag-diinan niya ang pangalan ni Elvin. Pinabilis nito ang patakbo, halos malaglag ang puso niya sa kaba kaya naman pagdating nila sa unit nila sinita niya ito. Habang nagsisigawan sila ay papalapit naman sila ng papalapit sa isa’t isa, nanunuot ang amoy nito sa ilong niya, nag-iiba na ang pakiramdam niya, umiinit na. Napatingin siya sa mga labi ni Nick, napalunok siya. Nang hinalikan siya ay buong init niya itong tinugon, sabik na sabik sila sa isa’t isa. Parang bang napakatagal na nilang hindi naghalikan at nagyakapan, halos di na sila umabot sa kuwarto kahit napakalapit lamang ng pintuan sa kanila. Hindi naghihiwalay ang mga labi nila.

Pagpasok nila sa kuwarto ay doon lamang sila naghiwalay sandali para tanggalin ang mga damit nila. Pagkatapos ay naghinang ulit ang mga labi nila hanggang sa mahiga sila sa kama at doon nila lalong ipinadama sa isa’isa ang kanilang pananabik hanggang sila’y maging isa. Nakatulog silang magkayakap.

 Your votes and comments are my inspiration in writing this story. Thank you so much.

Then came...YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon