Chapter 2

285K 3.7K 182
                                    

Chapter 2

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig pagkarinig sa pangalang Nick. Hindi iyon nakaligtas sa kanyang daddy, “kung hindi si Nick ang mag-oopera sa akin hindi na lang ako magpapa-opera, sa kanya lang ako may tiwala”.

“Sige na anak, kausapin mo na si Nick para sa daddy mo” pakiusap naman ng kanyang ina.

Lumabas siya ng ICU na nanlulumo. Pinuntahan niya ang doctor ng daddy niya. “Doc, sino pa po bang doctor ang pwedeng mag operate sa daddy ko?” tanong niya.

“Hija, alam niya ang lagay ng puso niya bago pa man siya ipasok sa ICU, sinabi na niya sa akin na si Nick ang gusto niyang mag-opera sa kanya. I can’t blame him, magaling naman talaga si Nick, protégée pa niya. Kaya hija, kausapin mo na si Nick kaya lang ngayon pa lang ang dating niya galing ng convention sa US” advice sa kanya ng doctor.

Nang magkita ulit sila ng mommy niya sa lobby, sinalubong siya agad “Nakausap mo na bas i Nick?”

“Mommy, ngayon pa lang daw ang dating niya from US, um-attend daw ng convention. I’ll talk to him tomorrow” sagot niya sa mommy niya.

Kinabukasan, maaga siyang nagpunta sa clinic ng lalaki dahil sabi ng secretary nito ay maaga daw ang doctor na pumupunta sa clinic. Tama nga ang secretary, andun na si Nick. Nang makita siya ng secretary ay sinenyasan na siya nitong pumasok sa cubicle ni Nick.

Parang bigla naman siyang kinabahan nang makita niya ang doctor. May binabasa ito at parang di nito alam na may tao na sa harap niya. Pag-angat  nito ng ulo ay parehas silang nagulat.   Ang doctor ang unang nagsalita “What a surprise,  Atty. Jenna Rodriguez, what can I do for you?”

Ewan ba niya at kinakabahan siya sa paghaharap nila ng lalaki. Halos 3 taon na silang di nagkikita ng lalaki, lalo yata itong gumwapo.

“My father is ill. He needs to be operated asap and he wants you to do the operation” sabi niya sa doctor na kaharap.

“Are you asking me or just informing me?” walang emosyong tanong sa kanya ng lalaki pero di pa siya nakakasagot ay nagsalita ito muli “anyway, my answer is no”.

Nagulat siya sa sagot nito, hindi niya akalain na tatanggi itong operahan ang daddy niya. “What did you say?” tanong niya.

 “I think I said it loud and clear but if you have hearing problem, I’ll say it again, NO, I won’t do it” matigas na sagot nito.

“You can’t say no!” napasigaw na siya .

“And why not, I’m not the only surgeon who can do the operation” matabang na sagot nito.

“Because he wanted only you!” sigaw na naman niya.

“Will you stop shouting. You are making a scene. Marami akong pasyente, nabubulabog mo” pilit nitong hinihinaan ang boses.

“I can’t perform the operation, your dad is very close to me. I don’t think I can do it. Find another doctor. Tell it to him” paliwanag sa kanya ni Nick.

“Okay, I’ll tell it to him but if he still wants you, I’ll be back” malumanay na rin niyang sagot saka siya tumalikod.

Pinuntahan niya agad ang daddy niya na nakalipat na ng room. Naroroon din ang mommy niya.

Kahit mukhang hirap ay nagsalita ang daddy niya “Did you already talk to Nick?”

“Yes Dad, but he doesn’t want to do it” malungkot niyang balita sa daddy niya.

Nakatingin sa kanyang pareho ang mga magulang, naghihintay pa sa sasabihin niya. “Well, sabi niya he can’t do it daw kasi close ka sa kanya. He wants me to find another surgeon” kuwento niya.

“Hindi ako magpapa-opera kung di si Nick ang surgeon” sabi ng dad niya pagkatapos ay pumikit na ito.

Niyaya siya ng mommy niya na lumabas ng kuwarto. “Anak, talk to Nick again, narinig mo ang dad mo ayaw niyang magpa-opera kung di si Nick ang surgeon. Alam mo din kung ano ang sitwasyon niya, kailangan na niyang maoperahan” naiiyak na paki-usap sa kanya ng ina.

“Mom, I tried pero ayaw nga ng hambog na Nick na ‘yon. Siguro Mom mas maganda kung kayo naman ang makipag-usap sa kanya baka sakaling pumayag pa’yon” paliwanag niya sa mommy niya.

“I better go, may kausap akong client Mom, let me know kung pumayag na siya. Bye Mom” paalam niya.

**********************

Mag 5 pm na nang matapos siyang makipag usap sa mga kliyente niya. Pumunta siya agad sa hospital para dalawin ang daddy niya. Nadatnan niya ang mommy niya umiiyak habang nakatitig sa daddy na sa palagay niya ay natutulog.

“Mommy, what happened?” kinakabahang tanong niya.

“Dumalaw kanina si Nick, sinabi na ng daddy mo sa kanya kaya lang tinaggihan niya ang daddy mo. Jenna, anak, natatakot ako para sa daddy mo” umiyak na ang mommy niya.

Isa lang ang nararamdaman niya ng oras na iyon, galit na galit siya kay Nick. Paano niya nakayang tanggihan ang daddy niya samantalang tinuring na si Nick na anak ng daddy niya. Nagpasya siyang puntahan ang lalaki sa clinic nito ngunit nakaalis na daw sabi ng secretary. Tinanong niya kung lumipat na ito ng tirahan, hindi naman daw sagot ng secretary. Nagmamadali siyang sumakay sa kotse, alam niya kung saan nakatira ang binata, pupuntahan niya ang lalaki.

Narating niya agad ang condominium kung saan nakatira ang doctor. Tinanong niya kung dumating na ang doctor, sabi naman ng receptionist ay kadarating lamang. Pagdating niya sa tapat ng unit nito ay di niya tinigilan ang pagdoorbell. Pagkaraan ng ilang minuto ay binuksan ng lalaki ang pinto.

“What the hell! Di mo na tinigilan ang pagdoorbell…” galit na galit ang lalaki sa harap niya na nakatapi lang ng tuwalya. Nagulat siya sa hitsura nito sanhi para uminit ang pakiramdam niya. “What?!” tanong sa kanya ni Nick. Nakabawi naman siya agad, “How could you do that?! Tinanggihan mo ang daddy ko. Eh kung inatake siya ulit dahil sa ginawa mo, hinding-hindi kita mapapatawad!”

Hinila siya ng lalaki papasok ng unit nito dahil naglalabasan na ang ibang occupants saka niya isinara ang pinto. “What are you saying?!”tanong nito sa kanya.

“Bakit mo tinanggihan ang daddy ko?! Doctor ka, alam mo kung gaano kadelikado ang kalagayan niya, tapos tinanggihan mo siya. Ikaw lang ang gusto niyang mag-opera sa kanya. It’s you or no operation, ganon ka kaimportante sa buhay niya ngayon!” galit na sabi niya kay Nick.

“Bakit ba hindi mo maintindihan ang sagot ko, hindi ko siya kayang operahan. Marami namang ibang surgeon, let us say mas magaling pa sa’kin, mamili ka na lang sa kanila. Huwag lang ako, he’s like a father to me” paliwanag sa kanya ng lalaki.

“Eh ikaw pala ang di makaintindi, sinabi na nga niyang it’s you or no operation at all!  Sigaw niya sa lalaki pero alam niyang di siya maaaring magalit o magmalaki dito kaya nagbago siya ng tono. “ Please, don’t let my father die, I beg you” nagmamaka-awa na siya kay Nick.

Tinitigan siya ni Nick na pakiramdam niya ay tagos sa kaluluwa niya saka ito nagsalita “Sige, in one condition……. marry me”.

 Your votes and comments are my inspiration in writing this story. Thank you so much.

 

Then came...YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon