Chapter 32

179K 1.8K 25
                                    

Chapter 32

Jenna’s POV

Hanggang dumating sila sa airport ay hindi sila nagkikibuan ni Nick, naiinis pa rin siya sa asawa.

Nang dumating ang Mama Blessy ni Nick ay niyakap agad  nito si Nick, at saka tinanong si Mia, tamang tama naman na nasa likod siya ni Nick at kinukuha niya ang cellphone sa bag niya.  Masakit marinig na ang akala ng biyenan niya ay si Mia ang manugang nito, sinabi naman agad ni Nick na siya ang napangasawa niya. Halatang nagulat si Tita Blessy niya pero niyakap naman siya agad nito at nanghingi ng paumanhin.

Habang kumakain sila ng dinner ay binanggit nito ang tungkol sa church wedding nila ni Nick, binara agad ito ng lalaki. Talagang pinamumukhasa kanya ng walanghiyang asawa niya na wala itong balak pakasalan siya sa simbahan pagkatapos ay sinadya pa nitong iparinig sa kanya na magpapakasal lang siya sa simbahan kung mahal niya ang babae, kakainis talaga.

Itinulog na lang niya ang inis niya kay Nick.

Nakaluto na siya ng breakfast nang lumabas ng kuwarto ang mama ni Nick, binati niya “goodmorning Tita”.

“Goodmorning pero kahapon ka pa ha tita ang tawag mo sa akin, mama na” nakangiti ang biyenan niya habang kausap siya.

“Sige po Mama” sabi naman niya.

“That’s better. Si Nick, tulog pa ba?” tanong nito .

“Lalabas na din po yun, coffee po, gusto ninyo?” tanong namn niya.

“yes, thank you” sabi ng ginang at saka naupo sa silya.

Habang nagtitimpla siya ay lumabas naman ng kuwarto si Nick.

“Ma, ang aga mo naman gumising” bati ni Nick sa Mama niya at saka ito umupo sa tapat nito.

“Sayang naman kung di ko kayo makakasabay magbreakfast” si Mama Blessy.

“Until when are you going to stay here Ma? Para mai-ayos ko ang sked ko, ipapasyal kita” si Nick.

“Actually, sa Saturday ang flight ko papuntang Cebu, I”ll visit your Tita Elvie, then after 3 days, balik na ako sa US” sabi ni  Mama Blessy.

“What! Ang bilis mo naman, 8 days ka lang bale dito sa Pinas. Pa’no tayo makakapasyal n’yan?” si Nick.

“Kaya lang naman ako nagpunta rito kasi nga nalaman kong nagpakasal ka, gusto ko ngang magtampo sa’yo kasi parang wala ka namang magulang, di mo man lang sinabi sa akin” si Mama Blessy.

“Puntahan n’yo na lang ako ni Jenna sa Amerika at doon tayo mamasyal tuloy honeymoon n’yo na” masayang sabi nito sa kanila ni Nick. Parehas naman silang di nakakibo sa sinabi ng Mama Blessy nila.

 “Jenna, we’ll call your parents later, don tayo magdi-dinner kaya maaga kang umuwi Nick. How about you Jenna, may hearing ka ba ngayon?” tanong naman sa kanya.

“Ngayong umaga lang po Ma, then sa hapon puwede na tayong mamasyal” masayang sabi niya.

“Sige, sasama ako mamaya sa hearing mo, gusto kong makita kung gaano kagaling ang manugang ko sa korte. Ikaw Nick, di ka ba sasama?” tanong nito kay Nick.

“Hindi Ma, mag-clinic ako, maraming naghihintay na pasyente sa’kin” sagot nito. 

“How about tonight? Di puwedeng di ka sumama” sabi ni Mama kay Nick.

“Yeah, I’ll go with you. Magkita na lang tayo dito para isang sasakyan na lang tayo” si Nick.

“Okay” si Mama Blessy. “What time are we going out?” tanong nito sa kanya.

Then came...YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon