Chapter 25

190K 2K 33
                                    

Chapter 25

Jenna’s POV     

Pagdating nila sa condo ay gabi na, nakatulog siya agad. Kinabukasan, Monday ay nagleave pa rin siya dahil ihahatid nila sa airport sila Nica. Si Nick naman ay nag clinic ng halfday.

Nasa airport na sila ng 4pm, 6 pm ang flight nila Nica at William. Nag-iiyakan sila ni Nica habang nagpapaalaman. “Basta pag nagpunta si Kuya sa States, sumama ka ha” bilin ni Nica sa kanya.

Habang papauwi sila ni Nick ay wala silang kibuan, talagang malungkot siya, bukod sa umalis na sila Nica ay iniintindi rin niya kung ano ang magiging sitwasyon nila ni Nick.

“Grabe ka naman,   parang di naman na kayo magkikita ni Nica. Ano silbi ng internet?” pagbasag ni Nick sa katahimikan.

“Iba naman yun magkasama kami, ang tagal din kasi naming di nagkasama, tapos wala na din tayong kasama sa condo, malungkot na naman” sabi niya.

“Malungkot kasi ako lang ang kasama mo, ganon ba?” seryosong tanong ni Nick sa kanya.

“Hindi ganon ang ibig kong sabihin, malungkot kasi di mo naman ako kinakausap” sabi na lang niya. Hindi na kumibo ang lalaki. Inihinto ni Nick sa isang restaurant ang kotse. “Let’s eat, baka naman magkasakit ka sa sobrang lungkot” sabi nito.

Tahimik pa rin siya habang kumakain. “Sige, pag may convention kami sa States na malapit lang kay Jenna, isasama kita” sabi ni Nick sa kanya.

“Talaga!Promise yan ha?” sumaya naman siya sa sinabi ni Nick. Tumango lang ang asawa niya.

Pagdating sa condo ay nagshower agad siya, sumunod naman si Nick sa kanya.

 Di niya alam kung pababalikin na siya ni Nick sa dati niyang kuwarto o hindi basta nahiga na siya sa kama ni Nick. Naramdaman niyang tumabi sa kanya si Nick, hinapit siya nito papalapit at saka siya niyakap mula sa likod at hinalikan siya sa balikat. Nakatulog silang magkayakap. Maaga siyang gumising para magluto ng breakfast, back to normal na naman sabi niya,  breakfast at dinner na naman ang niluluto niya.

Naghahain na siya nang lumabas si Nick, kakaligo lang nito, nakapants na ito at naka white na tshirt. “Kakain na ba?” tanong nito at tuloy umupo na. Nakatingin lang siya sa asawa, parang di niya naiintindihan ang sinasabi nito. “Kain na tayo” yaya nito sa kanya. “Sure kang kakain? Ako ang nagluto niyan” tanong niyakay Nick. “Hindi ba ako puwedeng kumain ng luto mo? “ tumingala ito sa kanya at saka ngumiti. Napakasuwerte naman ng umagang iyon at nangitian siya ni Nick at kakain pa ng luto niya.

“What a question” pairap na sinabi niya. Para nga sayo ang mga niluluto ko tapos di ka puwedeng kumain, sira ulo ba itong lalaking to, sabi niya sa isip niya. Napapangiti siya habang tiningtingnan si Nick na kumakain. “Huwag ganito palagi kasarap ang niluluto mo, ayokong tumaba” sabi nito sa kanya. Lumukso naman ang puso niya sa tuwa, first time niyang nakarinig ng compliment mula sa asawa.

********

 Pagdating niya sa office ay naroroon na si Marcy, iniabot niya ang pasalubong niya rito. “Thank you sis. Mukhang maganda ang nangyari sa bakasyon ah, blooming ka eh” pansin nito sa kanya.

“OO naman, lalo na kaninang umaga kasi first time niyang kumain ng niluto kong breakfast. Sa palagay mo sis, napatawad na kaya ako ni Nick?” hinihingi niya ang opinion ni Marcy.

“Sis, paano ka ba niya papatawarin kung di ka naman nanghihingi ng tawad sa kanya?” tanong sa kanya ni Marcy.

“Di ko alam kung pano bubuksan ang topic na yon” nalungkot na naman siya.

Tumawag siya kay Nick para sabihin na gagabihin siya ng uwi dahil pupunta siya sa mommy at daddy niya para ibigay ang pasalubong na binili niya. Sinabi naman nito na magkita na lang sila sa condo at sabay na silang pupunta.

Pagdating nila sa bahay ng mommy at daddy niya ay tamang nagdidinner na ang mga ito, sumalo na rin sila sa pagkain. Tapos na silang kumain nang magkuwento ang daddy niya, “Nick, Jenna, tamang tama may sasabihin ako sa inyo, mas maganda at nandito si Nick, nagpunta kahapon si Elvin dito. Kinausap kami ng mommy niyo, nanghingi siya ng tawad dahil sa nagawa niya sa amin na pambabalewala nung magboyfriend sila ni Jenna na tinanggap naman namin”.

Wala silang kibuan pauwi, halatang bad trip na naman ang asawa niya nang marinig ang pangalan ni Elvin. Sa kabilang banda ay masaya sa ginawa ni Elvin.

Pagdating nila sa condo ay hindi na siya nakatiis, kinausap niya ito, “Nick, may problema ba?”

“May dapat bang maging problema?” balik tanong nito sa kanya na hindi man lang siya tiningnan.

“Wala naman” sagot niya.

“Wala pala eh di wala” si Nick.

Natulog siyang malungkot dahil hindi kagaya ng nakaraang gabi, magkatalikod silang natulog.

Maaga siyang gumising para magluto ng breakfast. Papasok na siya ng kuwarto para tawaging kumain si Nick nang hustong lalabas naman na din ito. Nakabihis na ang lalaki, “aalis na’ko” sabi lang nito. Nalungkot siya dahil hindi ito kumain, mukhang back to normal na naman ang sitwasyon nila.

Your votes and comments are my inspiration in writing this story. Thank you so much.

Then came...YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon