Epilogue

175K 3.3K 300
                                    

EPILOGUE

One year later....

Pagkatapos ng wedding ceremony at reception ay umalis na agad sila ni Jenna patungong Batangas kung saan sila magha-honeymoon. Ang kanilang 4 month-old baby girl na si Jennicka ay nasa pangangalaga naman ng kanyang mommy at mg biyenan. Habang nagbibiyahe sila ay nakatulog si Jenna. Pinagmasdan ni Nick ang asawa, naisip niya ang mga nangyari sa kanilang mag-asawa.Nang masaktan siya nito at magkaroon na ng boyfriend ay hindi na siya umasa pa na sila pa rin ang magkakatuluyan kahit na sumasagi pa rin sa isip niya ang asawa kahit may karelasyon na siyang iba. Matagal din niyang ininda ang nangyari sa kanila ni at nang maging sila ni Mia ay inakala na niyang nakalimutan na niya si Jenna. He was living his life peacefully at that time though Mia was out of his life temporarily since she was abroad. He is single, a successful doctor, he is living his life to the fullest then came...Jenna again and turned his life upside down.  Si Jenna lang ang nakakagawa ng ganun sa kanya, ang baligtarin ang buhay niya. Napangiti siya sa naalala. Ngayon ay naibigay din niya ang kasal na nararapat para sa asawa.

**********

Nang marating nila ang resort sa Batangas ay halos mag alas 10 na ng gabi. Ginising niya ang asawa na mahimbing pa ring natutulog "Wake up hon, we're here".

***********

Pagkatapos ng isang matamis at mainit na pagniniig ay nakatulog agad si Nick. Alam niyang napagod ito dahil sa buong araw na celebration tapos ay nagdrive pa ito habang siya naman ay masarap na natutulog, nakonsensiya tuloy siya. Ayaw naman nitong walang mangyari sa kanila nang gabing iyon dahil honeymoon nga naman nila. Tinitigan niya ang mukha ng asawa, alam niyang di niya iyon pagsasawaang pagmasdan hanggang sa pagtanda nila.

Naalala niya ang lahat ng nangyari sa kanila ni Nick, akala niya ay hindi na sila magkakatuluyan ng asawa pero para pala talaga sila sa isa't-isa. She has a boyfriend at the time and a practicing lawyer, she is having the time of her life then came...Nick again. Heaven has its own way of letting former lovers become lovers again. Napangiti na siya sa naalala. Ang dami na pala nilang pinagdaanan ni Nick, ngayon ay may isa na silang baby girl, pinaghalo daw ang mukha nila pero kapag tinitingnan niya ang anak ay parang mas malamang na si Nick ang kamukha nito.

Sa buhay nila ni Nick ay wala na siyang mahihiling pa, hinigpitan niya ang yakap sa asawa hanggang sa makatulog na rin siya.

Thank you very much for patiently waiting for my updates. I have let you waited for almost three months for these update. I just hope it's worth the wait. Happy reading J

Then came...YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon