Chapter 16

192K 1.9K 13
                                    

Chapter 16

Jenna’s POV

Saturday. 4 pm pa lamang ay nagsimula na siyang gumayak. Siya na lamang ang nag-make-up sa sarili niya. Natural namang maganda ang buhok niya kaya di na kailangan pang ayusan, hinayaan na lang niyang nakalugay ang hanggang balikat niyang buhok.

Nick’s POV

Nagkita sila ni Dr. Luis Sandoval, isa sa mga sponsors nila nung kasal nila ni Jenna paglabas niya ng operating room. “Doc Nick, don’t forget my birthday party tonight at 6 pm, pumunta talaga ako dito sa ospital to remind my guests. I also called Doc Rey, di nga daw siya puwedeng magpuyat, next time daw sabi ng biyenan mo” kuwento sa kanya ng matandang doctor.

Tinawagan niya agad si Jenna dahil sa totoo lang ay nakalimutan nga niya ang birthday party ng ninong nila.

************  

Nauna siyang gumayak kay Jenna, hinayaan niyang mag-ayos itong mag-isa sa kuwarto. Nag long sleeves siya ng color mint green at coat  na dark gray. Nanood siya ng tv habang naghihintay kay Jenna.

Paglabas ni Jenna ay napatulala na naman siya. Bumagay rito ang suot nitong dark green na gown, kitang-kita ang pagiging flawless nito. Simple pero elegante ang ayos ng misis niya. Parang nagulat pa siya nang magsalita ito “Shall we go?” tanong nito sa kanya. “Yeah” mabilis niyang sagot.

              

Jenna’s POV

Habang papunta sila sa bahay nila Doc Luis ay hindi sila nagkikibuan, mabuti na lamang at ilang minuto lamang ang biyahe.

Pagdating nila sa venue ng party ay sinalubong na agad ni Mia si Nick. Hinawakan na nito si Nick sa kamay at dinala sa kung saan, ni hindi man lang siya nilingon ni Nick. Naiinis siya kay Nick pero mas naiinis siya kay Mia. Luminga-linga siya, kailangan niyang  makakita ng kakilala kung hindi ay magmumuka siyang tanga. Tama namang nakita niya si Dr. Corine, anak ito ng head nurse ng hospital kung saan affiliated ang daddy niya, kababata at kalaro niya ito. Nakita rin naman siya nito.

“Jenna! Hello!” masayang lumapit ito sa kanya at nakipagbeso-beso. “Corine, kumusta na?” bati  niya.

“Ikaw ang kukumustahin ko, I heard kakakasal niyo lang ni Nick. Eh asan pala si Nick?” tanong nito habang  palinga-linga.

“Ayun pala si Nick, kasama ni Mia” sabi nito sa kanya. “Jenna, wag kang magtiwala kay Mia ano ka ba, wag mo siyang pinapalapit kay Nick. Before you know it sila na naman. I heard di niya matanggap na hindi siya ang pinakasalan ni Nick” dagdag pa ni Corine. Magtatanong sana siya ngunit may tumawag na kay Corine. “I’ll be back, kuwentuhan pa tayo, tinatawag lang ako ni mommy” paalam nito sa kanya.

Hinanap ng paningin niya si Nick at nakita niya itong may kausap. Kung kanina ay sa kamay nakahawak si Mia ngayon naman ay nakakapit na ito sa braso  ng asawa niya. Pupuntahan sana niya ang dalawa nang may biglang humarang sa kanya. “Jenna, kumusta na?” bati sa kanya ng lalaki.

Tiningnan niya ito at nakilala. Si Lucas, dating kabanda ni Elvin. “Lucas! eto mabuti, ikaw?” masayang sagot niya.

“Okay naman, may banda na akong sarili. Banda namin ang performer dito sa party” sabi nito sa kanya.

“Talaga, nakakatuwa naman, maririnig ulit kitang kumanta” sabi naman niya.

“OO naman, mamaya i-request kitang kumanta, wag kang tatanggi ha” sabi pa nito.

“I heard break na kayo ni Elvin. Wag ka nang magtaka kung pano ko nalaman, sayang din kayo ha, ang tagal nyo rin” si  Lucas.

Your votes and comments are my inspiration in writing this story. Thank you so much.

Then came...YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon