Chapter 33

147K 625 11
                                    

Chapter 33

Nick’s POV

Nang nakapaghanda na ng dinner ay nagyaya na ang biyenan niyang lalaki na kumain. “Nick, tawagin mo na si Jenna, tatawagin ko na rin ang mommy at mama mo, nagugutom na’ko” sabi nito sa kanya.

Nagtuloy siya sa kuwarto ni Jenna, napansin kasi niya na pumanhik ito kanina at hindi na bumaba. Kumatok siya ng ilang beses pero walang nagbukas, pinihit niya ang doorknob, hindi ito nakalock kaya tuluyan na siyang pumasok. Nakita niya ang asawa niya na tulog na tulog, nakatagilid ito, yakap-yakap ang stuffed toy na hello kitty. Regalo niya iyon kay Jenna nung 13th birthday nito.

 Naalala pa niya…. bandang alas 6 ng gabi noon, Biyernes, kinabukasan ang birthday ni Jenna. Habang siya ay nanonood ng t.v. ay may kumatok sa kuwarto niya, binuksan niya iyon, si Jenna, nakangiti sa kanya. “Hey, what brings you here? Di ba dapat beauty rest ka ngayon, bukas na ang birthday party mo, hindi ba?” tanong niya kay Jenna.

“Yes, iko-confirm ko lang kung natanggap mo yong invitation” sabi nito sa kanya.

“Yeah, natanggap ko. Ano ba ang gusto mong regalo?” tanong niya.

“Bahala ka, basta pumunta ka bukas” sabi nito sa kanya.

“Yun nga ang problema ko kasi may duty ako ng 4 pm to 12 mn, pero pupunta na ako before akong magduty” paliwanag niya.

“Ha?wala ka sa birthday ko” malungkot ito.

“Wala lang ako sa celebration pero pupunta ako ng maaga sa inyo para tikman lahat ng handa mo \kasi nga may duty ako” siya.

Pagkarinig sa sinabi niya ay tinalikuran na siya nito at saka mabilis na umalis, hindi na niya ito napigilan.

Kinabukasan, maaga siyang umalis ng bahay para bumili ng regalo. Pagkabili niya ay tumuloy siya sa bahay nila Jenna.

“Tita, si Jenna po?” tanong niya sa mommy ni Jenna.

“Nasa kuwarto pa niya, tulog pa yata, hindi pa nga bumababa, ikaw na nga ang gumising, lunch na eh” sabi ni Tita Lora.

Pumanhik siya at tinungo ang kuwarto ni Jenna. Kumatok siya  ng ilang beses saka ito nagbukas ng pinto.

“Happy birthday” pa lang ang nasasabi niya ay pinagsaraduhan na siya nito ng pinto. “Go away” sab pai nito.

“Jenna, please open the door. Huwag ka nang magtampo, may gift ako sa’yo” kinakausap niya ito kahit na sarado ang pinto.

“I told you go away, I don’t need your gift!” malakas ang boses nito.

“Okay, wag ka nang magalit, I’ll leave, iiwan ko na lang ang gift ko sa’yo, happy birthday”nagsusumamo siya sa batang si Jenna. Gusto niyang matawa sa sarili niya dahil heto siya na 19 years old ay inaamo ang isang 13 year-old girl.

Tatalikod na sana siya nang biglang bumukas ang pinto. Nakatitig sa kanya si Jenna. Nilapitan niya ito, iniabot  niya and regalo niya, kinuha naman iyon ng dalagita. “Happy birthday” sabi niya. “Thank you pero ang daya mo naman”malungkot na sabi nito sa kanya.

Lalo siyang lumapit sa dalagita parang nakonsensiya siya, iyon kasi ang first time na wala siya sa celebration ng birthday nito. Niyakap niya ito at saka hinalikan sa noo “Sorry sweetheart, wala ako mamaya sa celebration mo pero andito naman ako ngayon hindi ba” sabi na lang niya.

Kumalas si Jenna sa pagkakayakap sa kanya “ano itong gift mo?” curious na tanong nito. “Open it” sabi niya.

Pagkabukas ay nakita niyang kumislap ang mga mata nito, “thank you” sabi nito at saka niyakap ang  malaking stuffed toy na hello kitty.

Then came...YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon