Chapter 28

207K 2.4K 75
                                    

Chapter 28

Nick’s POV

          Sa restaurant na sila nagkita nila Jenna, papasok siya nang mapansin niyang nakatitig sa kanya ang asawa na parang kinikilala siya. Tinukso ito pa nga ito ni Marcy, mukha ngang nanibago ang asawa niya sa hitsura niya lalo na at naka cap pa siya.

          Sabi na nga ba niya eh hindi makakaligtas si Jenna sa mga mata ng mga lalaki, tama nga lang talagang sumunod siya sa Davao.

          Pagdating nila sa hotelroom  ay nagpahinga siya agad. Ayaw naman magpahatid ni Marcy kaya ipinagpatuloy na lang niya ang pagpapahinga habang may ginagawa pa si Jenna. Hindi na siya makatulog nang umalis si Marcy, nasasabik na siya sa asawa, gusto niya itong halikan at yakapin mula pa kaninang nakita niya ito sa restaurant. Kaya nang maramdaman niya nahiga ito sa kabilang kama ay pinalipat niya ito sa tabi niya. Niyakap niya ito pero nang humarap ito sa kanya ay hindi na niya napigilan ang sarili, hinalikan niya ito sa labi na sinalubong naman din ni Jenna ng buong init. Ramdam nila ang pananabik nila sa isa’isa na humantong sa kanilang pagiging isa.

          Nang magising siya ay nakita niyang nakaharap na uli si Jenna sa laptop nito. Bumangon siya at di na nag-atubili pang magsuot ng damit, tumuloy siya sa banyo. Sinadya niya ang ginawa, titingnan niya kung ano ang magiging reaksiyon ng asawa. Nakita niya sa gilid ng kanyang mga paningin ang panlalaki ng mga mata nito pero hindi naman iniaalis ang tingin sa hubad niyang katawan. Napangiti na lamang siya, akala niya ay di siya nito mapapansin dahil naka concentrate ito sa ginagawa.

          Paglabas niya ng banyo ay nakabihis na siya, tinanong niya ito kung ano ang gustong kainin, siya na lamang ang lalabas para di na ito maabala sa ginagawa. Nagbibilin na ito nang matingin sa kanya, tiningnan siya ng asawa ng ilang segundo at saka nagsabing sasama na siya. Nagtaka siya, ang bilis talagang magbago ng isip ng mga babae, sabi na lang niya.

         

Jenna’s POV

Sa fastfood store na lang sila nagpunta, nakapila sila nang mapansin niyang nagbubulungan ang mga teenagers na katapat nila sa linya, alam niyang si Nick ang pinag-uusapan ng mga ito at hantarang tinititigan nila ang asawa niya. Paglingon niya kay Nick ay nakita niyang nakipag-ngitian ito. Kung kanina ay nasa harapan siya ni Nick, ngayon ay lumipat siya ng puwesto tumabi siya sa lalaki at kumapit sa baywang nito, napatingin si Nick sa kanya, nagtataka.         

          Tumingin ulit siya sa mga teenagers, nakatitig pa rin ang mga ito sa asawa niya. Naiinis  siya, hihilahin n asana niya si Nick palabas ng fastfood kaya lang ay sila na pala ang sisilbihan ng crew. Um-order na si Nick ng pagkain nila. Pag-upo nila ay napansin ni Nick na nakasimangot siya, “why?what’s the problem?” tanong nito.

“Wala, nakakainis ang mga kabataan ngayon, mga kerengkeng” sagot niya. “Nakayakap na nga ako sa’yo eh di pa rin nila tinigilan ang pagtitig sa’yo, ikaw naman kasi nginitian mo pa” dagdag pa niya.

“Ano ka ba, they are just kids” koment nito.

“Kahit na, para ka nilang kakainin kung makatingin” sabi pa niya.

“Parang di mo naman pinagdaanan yun” sabi pa ni Nick.

Napatigil siya sa pagsubo “Nick, sa’yo lang ako kumerengkeng noh” sabi niya “na tinganggihan mo naman” dagdag niya pero hininaan na niya ang huling sinabi na malamang ay di na naintindihan ni Nick. 

“What? Are you jealous?” nakatitig si Nick sa kanya.

“No, I’m not kasi wala naman akong karapatan, di ba” malamig niyang sagot. “Good, you know where you stand” sabi lang ni Nick na tuloy pa rin sa pagkain.

Then came...YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon