Chapter 29

194K 1.9K 30
                                    

Chapter 29

Nick’s POV

Masarap ang tulog niya nang nakaraang gabi dahil kaya kayakap niya si Jenna? Wala na si Jenna sa tabi niya, narinig niyang sumara ang pinto ng banyo. Nanatili siyang nakahiga, nakapikit. Narinig  niyang bumukas na ang banyo, hindi pa rin siya dumilat. Naramdaman niyang may nakatitig sa kanya, nalalanghap niya bagong ligong amoy ng asawa niya a at nang dumampi ang labi nito sa labi niya ay hindi niya hinayaan pang humiwalay pa ito, niyakap niya si Jenna at pumaibabaw siya. Napatili ito sa gulat, akala ay tulog pa siya. Bumaba ang mga labi niya sa leeg nito, bumalik muli sa mga labi ni Jenna. Napakasarap halikan ng asawa niya, nakakalasing, nakaka-adik. Napakaganda naman ng umpisa ng araw na iyon, isang masarap na agahan ang nakahain sa kanya ngayon at wala siyang planong pakawalan pa iyon.

Bago siya pumasok sa banyo ay sinabi na niya kay Jenna na sa resort na sila tutuloy.

Dahil male-late na si Jenna sa appointment nito ay di na sila nakapag breakfast. Okay lang naman sa kanya dahil nakapag “breakfast” na sila ni Jenna sa hotel, napangiti siya sa naisip.

Pagdating nila sa mansion ng kliyente ni Jenna ay  inalok sila ng breakfast. Napangiti siya nang sinabi nito na mukha namang nagbreakfast na nga sila. Sinadya niyang bigyan ng ibang kahulugan ang “breakfast” nila ni Jenna. Nakita niyang namula ang asawa.

Ngiti lamang ang naisagot niya sa sinabi at bilin ni Mr. Dela Serna sa kanya tungkol sa kanyang asawa.

 Pagkatapos nilang mag lunch sa mansion ay nagtaxi na sila papunta ng resort. Nakita niyang nagustuhan ni Jenna ang lugar.

“Ang ganda naman dito, pa’no mo ‘to nalaman?” tanong ni Jenna sa kanya habang papunta sila sa room nila.

“Ininvite kami nung medrep, nagandahan ko kaya sabi ko babalik ako dito” sabi niya.

“Ang suwerte ko naman, ako ang napili mong isama dito” sabi pa nito na sinadya niyang deadmahin.

Pagpasok nila ng room nila ay tumakbo agad papunta si Jenna sa terrace, overlooking kasi iyon sa dagat “Nick, come here, ang ganda ng view” yaya sa kanya ng asawa. Pagkababa niya ng gamit nila ay sumunod siya sa asawa. Pagkalapit niya kay Jenna ay  yumakap ito agad sa kanya, niyakap din niya ito. Nang dumako ang mga mata niya sa mga labi nito ay para namang nag-aaya na hindi niya kayang tanggihan. Ramdam naman din niya ang init ng pagtugon ni Jenna. Nang maghiwalay ang kanilang mga labi ay hingal na hingal sila.

Jenna’s POV

Pagkatapos ng mainit na paghihinang ng kanilang mga labi ay naisipan niyang tuksuhin ang asawa “you can’t get enough of me ha”. Nagsisi siya sa sinabi niya dahil sa nakita niyang pag-iiba ng anyo ni Nick tapos ay bumitaw pa ito agad sa pagkakayakap sa kanya na para bang napaso. Ang masayang mukha nito ay dumilim, “What do you mean by that? I’m smitten by you again?” tanong nito na parang nang-iinsulto.

“Jenna, before we got married, I am a very sexually active man. It does not mean that when we got married I will change because of our abnormal situation. Since you are my wife it is your duty to fulfill my “needs” but if you do not want, a lot of women are very much willing to take your place. Besides, we can’t deny the fact that we lust each other. Hindi lang naman ako ang nag-eenjoy when we are having sex, right? It’s just sex Jenna, do not mistake it with something else” sabi ni Nick sa kanya at saka ito tumalikod at pumunta sa banyo.

Siya naman ay parang napako sa kinatatayuan. Para siyang sinampal sa mga sinabi nito sa kanya. Tuwing may nangyayari sa kanila ni Nick sa kama ay hindi lang katawan niya ang binibigay niya, kasama ang puso at isip niya. Kay Nick pala ay plain sex lamang iyon. Hindi niya namalayang tumulo ang luha niya, pinahid niya ang sunod-sunod na patak. Hindi niya ipapakita kay Nick na apektado siya sa mga sinabi nito. Isa lang ang nasa isip niya ng oras na iyon gagawin niya ang lahat maibalik lamang ang pagmamahal ni Nick kahit gawin niyang puhunan ang sinasabi nitong “lust” at “sex” sa pagitan nila.

Nick’s POV

Parang siyang binuhusan ng malamig na tubig nang biruin siya ni Jenna na you can’t get enough of me. Bumaba na ba ang defenses niya nang hindi niya namamalayan, yun ang iniiwasan niyang mangyari. Ayaw na niyang mahalin muli si Jenna pero kahit anong gawin niya ay kusang bumabalik ang pakiramdam na pinipilit niyang huwag nang mabuhay sa puso niya. Pero di niya papayagan ang damdamin niya na muling mahulog kay Jenna, tama na ang minsan sabi niya sa sarili niya. I-e-enjoy na lang niya kung ano ang meron sa kanila ngayon pero titiyakin niya na walang feelings na involve.

Paglabas niya ng banyo ay narinig niyang may kausap ito sa cellphone. Nang makita siya nitong nasa labas na ay nagpaalam na ito sa kausap. “Si Vida, yun secretary ko” sabi nito sa kanya na hindi niya naman pinansin. “Let’s go, sayang ang oras, mamasyal na tayo. Kaya lang di mo naman ako pinagdala ng swimsuit balak mo palang pumunta dito, sana may tinda sila sa labas” si Jenna. Kung makipag-usap ito ay parang walang nangyari, mukang ok naman ito. Kumapit ito sa braso niya at saka siya inaya palabas ng room nila. 

Niyaya siya nitong pumasok sa souvenir shop, nakakita naman ito ng swimsuit, kumuha si Jenna ng isang nakahanger, itinapat sa may dibdib at saka humarap sa kanya “puwede na ba ito?” tanong sa kanya ng asawa.

“Bahala ka” sabi niya at saka siya tumalikod.  “May dala ka bang shorts na pampaligo?” tanong ni Jenna sa kanya. “Wala” sagot niya. Maya-maya ay lumapit na ito sa kanya, may ipinapakitang shorts “Ok na ba sa’yo ito?”

“Ok na yan” sagot niya.

Pagkagaling nila sa shop ay niyaya siya nitong magmeryenda. Napansin niyang marami itong in-order “gutom ka? ngayon lang kita nakitang kumain ng ganyan kadami” pansin niya kay Jenna.

“Sabi mo di ba payat ako, wala kang mahawakan sa akin kundi buto kaya magpapataba ako ng konti lang kasi pag sumobra naman ako ng taba baka masuya ka  naman, di ba” sagot sa kanya ni Jenna at saka nito itinuloy ang pagkain.  Naninibago siya sa mga sagot ni Jenna sa kanya.

Pagkatapos magmeryenda ay namasyal pa sila. Bandang hapon na nang yayain siya ni Jenna na magpalit ng pampaligo, gusto raw nitong magswimming sa dagat.

Pagdating nila sa hotelroom nila ay nauna itong nagpunta sa banyo, paglabas nito ay suot na nito ang biniling bathing suit.Umikot ito sa harapan niya at saka nagtanong “Okay ba?”

Talaga namang okay dahil bagay sa asawa niya ang kulay, yun nga lang masyadong mataas ang cut, kitang-kita ang magaganda at makikinis na  hita nito, ayaw niyang may makakitang iba non “magshorts ka” utos niya. “okay” sabi lang nito. Nagtataka siya at sumusunod agad ito sa kanya.

Pagpunta nila sa beach ay maraming naliligo. Napansin niyang maraming lalaki ang nagpipiyesta sa asawa niya, ayaw niya iyon, magpapalipas lang siya ng ilang minuto ay yayain na niya itong bumalik sa hotel.

Naligo sila ni Jenna, nagbabad naman sila sa tubig. Pakiramdam niya ay inaabangan ang asawa niya na umahon, maraming mata ng mga lalaki ang nakatitig sa asawa niya. Sinulyapan niya ito habang naglalakad sila.  Di niya masisi ang mga lalaking nakatingin kay Jenna, masarap itong pagmasdan, maamo ang mukha, makinis na kutis, seksing katawan kaya lang ay maramot siya, di niya kayang magbigay ng matagal. “Tara na sa hotel” yaya niya sa asawa. “Ha? maaga pa naman ah, maligo pa tayo” protesta nito.

“Nakita mo ba yun mga lalaki na nakatitig sayo? Para kang hinuhubaran, nag-e-enjoy ka ba na pinagpipiyestahan ang katawan mo kaya ayaw mo pang pumunta sa hotel?” naiiritang tanong nito sa kanya.

“Ano ba ang problema? Di lang naman ako ang naka bathing suit dito, sila nga ay naka two-piece pa, ako nga ay nakashorts pa” sagot nito sa kanya.

“So, gusto mo pang maligo, maiwan ka dito at babalik na ako sa hotel” sabi niya at binilisan niya ang lakad. Humabol naman si Jenna sa kanya. “Akala ko ba gusto mo pang maligo?” tanong niya habang papunta sila sa hotel. “Ayaw mo na eh” sagot nito.

Pagdating nila sa hotel ay naunang nagshower si Jenna. Paglabas nito ay pumasok na siya agad ng banyo.

Your votes and comments are my inspiration in writing this story. Thank you so much.

Then came...YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon