Chapter 17

190K 2K 76
                                    

Chapter 17

Magsasalita sana siya nang may humawak sa braso niya na ikinagulat niya. “Hey, let’s talk” sabi ni Nick sa kanya. Ipapakilala sana niya si Lucas ngunit hinila na siya ni Nick palayo, hindi man lang siya nakapagpaalam kay Lucas.

Dinala siya ni Nick sa lugar na walang gaanong tao. “Bakit ba?” naiinis niyang tanong. “Puwede ba, bigyan mo naman ako ng kahihiyan dito, most of the people here knew that we were just married but look at you, flirting with other guys” galit na sabi sa kanya ni Nick.

Napikon na siya, “Hey, look who’s talking? Alam mo naman pala yung word na kahihiyan, eh bakit ikaw, di ba’t mas lalong nakakahiya ang ginagawa mo” sagot niya.

“And what am I doing?” iniharap siya ni Nick.

“Gusto mo pa talagang sabihin ko ha, sige, pagdating palang natin, pumulupot na agad sayo ang sawa este si Mia. Ikaw naman, para kang walang kasama, sumama ka agad sa kanya tapos ikaw pa ang may ganang magsabi na bigyan kita ng kahihiyan, okay ka lang?” sita niya kay Nick.

“Yung mga kinausap ko, official business yun, para yun sa hospital, hindi ako nakikipagflirt” mariing sabi ni Nick sa kanya.

“Yun naman pala eh official business eh bakit siya kailangang pumulupot sa’yo” sabi niya. “at kung ayaw mong bigyan kita ng kahihiyan, wag kang lumayo sakin” dagdag pa niya at saka niya tinalikuran si Nick.

Nainis siya sa pagsita sa kanya ni Nick samantalang siya nga ang ipinapahiya nito dahil parang si Mia ang kasama nito sa party at hindi siya. Tama namang tinawag siya ni Lucas para kumanta. Ibinuhos na lamang niya sa pagkanta ang inis niya sa dalawa. Pagkatapos nilang kumanta at tumuloy na siya sa table kung saan nakapuwesto si Nick. Hindi pa sila nagtatagal na nakaupo ay lumapit na naman si Mia at bumulong kay Nick, tatayo sana si Nick pero hinawakan niya sa kamay ang asawa niya at sinabing “Honey, the vocalist is requesting every couple to dance, let’s go”. Parang nagulat naman si Nick  sa sinabi niya kaya di na rin ito nakatanggi sa pagyaya niya.

Parang nakukuryente naman siya sa pagkakahawak nila ng kamay ni Nick. Lalo na nang mag-umpisa silang magsayaw, halos magdikit ang mga katawan nila. Naamoy niya ang hininga ng lalaki na may halong amoy ng alak kaya naman para din siyang nalalasing sa nararamdaman niya. Nakayuko siya, ayaw niyang tumingala dahil alam niyang di niya mapipigilan ang sariling halikan ang lalaki.

Your votes and comments are my inspiration in writing this story. Thank you so much.

Then came...YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon