Chapter 9 - When you really like something so much

12.6K 290 74
                                    

"Can we meet?" Type ko sa celphone ko at sinend ko sa taong hindi ko lubos maisip na papadalhan ko noon at isa pa ako pa ang nag-initiate na makipagkita sa kanya.

Tiningnan ko kung magrereply ba siya pero ilang minuto na ang lumipas ay wala pa rin akong nakitang reply. Napabuntong-hininga na lang ako. Busy siya Niel at sa posisyon niya sa kumpanya hindi siya iyon readily available na tao.

"Sino na bang pwede kong kausapin?" Dapat ay kasama ako sa seminar ngayon sa school pero sinabi ko na hindi ako makakasama dahil may sakit ako. Wala naman talaga akong sakit sa katawan, sakit sa puso lang. At di ko na kaya. Sobrang sakit na.

Napapitlag ako ng tumunog ang celphone ko. Nakita kong nagflash ang pangalan niya. Si Ezekiel.

"Danielle." Narinig kong boses niya sa kabilang linya. Hindi ko alam kung galit ba siya o ano pero hindi iyon ang malimit na tono niya kapag kausap niya ako.

"Ezekiel, ano, may ginagawa ka ba? Ano…ahm…pwede ba tayong ---"

"I am currently having a discussion with my managers, Danielle."

Napalunok ako. Strict ang boses niya at seryoso. Natawagan ko pa siya sa maling pagkakataon.

"So-sorry. Kalimutan mo na lang. Sorry." Binaba ko na ang telepono ko. Nagsimula na ulit akong maglakad pero hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Nasa mall ako at kanina pa ako palakad-lakad. Ayokong umuwi.

Nagulat na lang ulit ako ng mag-ring ang telepono ko at nakita kong tumatawag siya.

"Why did you hang up on me?"

"You said you were busy talking to your managers."

"I was just informing you so that you can make your statement brief."

"Ah ganoon ba. Hindi ko naintindihan. Sorry."

"Okay so what about?"

Always The Second BestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon