DADDY: 38

9.3K 290 12
                                    

Kinagabihan, di na pinauwi ni Mama si drama king kupal. Habang kumakain kami kanina nakikiusap sa kanya si Mama na magbati na daw kaming dalawa. Nagpa-inom pa si Mama ng red horse para lang daw may dahilan kami na makapag usap at para na rin daw mahiya si drama king na tanggihan si Mama.

"Oh kayo na dalawa, dapat paggising ko bukas magkabati na kayo ha. Sige mauuna na ako at antok na ako. Hoy, Ron, yung pinto wag mong kalimutang i lock ha! Kayo na bahala jan. Ubusin nyo yan at sayang ang pinambili ko jan."

"Goodnight po, Tita!"

Kumaway si Mama at pumasok na sa kwarto. Naunang nakatulog si Mama at naiwan kami ni drama king dito sa salas.

Nakakandila lang kami ngayon kase pinutulan kami ni Aling Glo ng kuryente dahil lang sa hindi ko naibigay yung kulang namin na 500.

"Pinanghihinayangan mo ba?" Unang nagbasag sa nakakabinging katahimikan si kupal.

Napatingin ako sa kanya.

"I mean, yung ako, yung tayo, pinanghihinayangan mo ba?" Sabi niya.

"Noong una kase tangina ang saket ng ginawa mo sa akin."

"Galit ka ba?"

"Galit ako kase tangina, bakit ako? Bakit sa akin mo pa to ginawa? Bakit ikaw pa ang gumawa sa akin nito? Ang sakit sakit eh. Gusto kitang murahin, sapakin. Gusto kitang isumpa."

"Bat di mo ginawa?"

"Pero.. mas nangingibabaw padin yung mahal kita eh kaya mas lalo akong naiinis. Pakiramdam ko nga ako yung may kulang kase meron siya. Kasi hindi naging sapat yung tayo. Hindi naging sapat yung ako para sayo. Alam mo ba kung gaano kita kamahal tangina ka? Mas pipiliin ko na palayain ka para lang sa ikaliligaya mo. Hahayaan kitang sumama sa nabuntis mo dahil doon ka masaya."

"Ang gago ko lang no? Ako una mo tapos ginago lang kita. Ang sama ko lang."

"Oo. Ang gago mo nga. Pero mas mamahalin pa din kita kahit na ano ang gawin mong mas nakakagago na masasaktan ako mamahalin padin kita. Hindi ko naman to mapipigilan diba? Gaya mo, nakakita ka ng kaligayahan sa iba, nakabuntis ka. Ang di mo napigilan, sarili mo. Kumuha ka ng kasiyahan sa iba na hindi ko maibibigay sayo. Tapos ako, naiwan na nga naloko pa. Di ko mapigilan na patawarin ka parin kahit na hindi ko nararamdaman sayo na nagsisisi ka sa ginawa mong panggagago sa akin. Ayokong maguilty ka sa ginawa mo kahit na para akong hinihiwa ng matulis na itak, titiisin ko kase jan ka masaya sa ginawa mo eh. Gusto ko masaya ka. Yan naman ang sinabi ko sayo nung una diba? Kung di man sa akin, okay lang. Basta masaya ka.."

Napayuko si Sean. Malamang nakakaramdam na siya ng pagka-guilty sa mga sinabi ko.

"Patawarin mo ako.. Aamin na ako sayo. Naalala mo ba nung una mo akong nakita? Hindi ba ang sinabi ko sayo na kaya ako lumayas ng bahay kase nag away kami ni Daddy? Eto yung dahilan kaya niya ako inaway. Naduwag ako. Hindi nagawang panindigan ang ginawa ko. Hindi pa ako handang maging ama. Tumakas ako, hanggang sa napunta ako dito sa lugar niyo. Nine months ako nanirahan dito kasama ka. Totoo lahat ng mga sinabi ko sayo. Mahal kitang talaga, Ron. Simula nang nakilala kita, nalimutan ko na may responsibilidad na pala ako na dapat kong bigyan ng pansin at mas unahin pa sayo. Pero kapag kasama kita, masayang masaya ako. Ayoko nang umuwi sa bahay kase uulit ulitin lang sa akin ng Daddy kung bakit nawala ang kapatid ko noon. Nagiguilty ako sa sama ng loob dahil paulit ulit niya akong sinisisi sa kasalanan ko na hindi ko naman ginusto. Naglasing ako. Loisa called me. She was broken that time kase iniwan siya ng boyfriend niya. I was there for her that night. Hindi ko napigilan ang sarili ko. Lumagpas ako sa limitasyon. Nalaman ko nalang kay Justin noong isang linggo na buntis daw si Loisa at ako ang tinuturong Ama. Kaya tawag ng tawag sa akin si Justin kase kinukulit daw siya ng Daddy ni Loisa na magpakita ako sa pamilya nila. Yan ang totoo, Ron. Wag mong iisipin na hindi kita minahal. Mas wag na wag mong iisipin na panakip butas ka lang dahil hindi yon totoo. Patawarin mo ako, Ron."

"Tangina ka! Pinagmukha mo akong tangang hayop ka.." Bulong ko. Pinipigilan ko na ding maiyak kase ayaw kong ipakita sa kanya na ako ang pinaka apektado sa ginawa niya.

"Patawarin mo ako.."

Tumayo ako at lumayo sa kanya. Sobra sobra na ang nalaman ko. Nagmukha akong tanga. Kahit anong pigil ko sa luha ko, wala na kusa nang tumulo. Lalong bumigat ang damdamin ko.

"Okay ka lang ba? Sige, sapakin mo ako tulad nang dati. Tatanggapin ko lahat kase deserve ko naman yun." Tumayo si Sean. Hinabol ako.

"Patawad ng sobra, Ron. Sana mapatawad mo ako bago ako umalis."

Hinarap ko siya.

"Umalis? Bakit, ano nanamang kasinungalingan yang sasabihin mo?"

"I'm flying to London."

Daddy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon