DADDY: 6

44.7K 729 19
                                    

"Oh nanjan ka na pala, lika na anak, kumain ka na."

Bungad ni mama sa akin. Punong puno yung mesa namin ng pagkain. Partikular sa saging, orange, mansanas, may isang buong manok na bawas na yung kabilang hita, may coke at dalawang box ng pizza.

"Lika, kain ka na, Ron." Unang beses na tinawag niya ako sa pangalan ko. Yung lalaki na madalas kausap ni mama. Andito nanaman siya, may dala pang pagkain. Ano to? Suhol?

Anong akala ng mamang to? Porke mahirap kami, hikahos na kami sa pagkain? Nakakakain naman kami ng tatlong beses isang araw ah. Yun nga lang, swertihan. Ang totoo niyan, swerte na kapag tatlong beses kaming kumain sa isang araw. Minsan nga wala pa eh. Sa totoo lang, dumadating kami sa punto na ultimo tubig na inumin wala kaming pambili. Nakakahiya mang amimin pero eto ang realidad. Eto ang buhay ko.

"Ron, nakalimutan ko palang ipakilala sayo si Edward. Sa kanya lahat galing ang mga yan." Sabi ni mama nung naka upo na ako sa mesa. Kahit napipilitan ako, gutom na ako eh. Kanina padin ako walang kain, kaya no choice.

Ngumiti yung lalaki sa akin na ang pangalan pala ay Edward. Magkatabi kami. Nag offer pa ito ng shake hands. Yung kamay niya, mahahaba yung daliri at maputi. Mayaman talaga. Nag isip ako kung ilan beses kaya 'tong magpamanicure? Ang linis ng kamay niya eh. Nakakahiyang hawakan.

Pinunas ko muna yung kamay ko sa pantalon na suot ko tapos tinanggap ko ang pakikipagkamay niya.

"Nice to meet you, Ron. Finally."

Inalog niya iyon ng tatlong beses habang may kasamang ngiti. Hindi niya binabaling sa iba yung titig niya habang nagshake hands kami. Agad ko rin naman iyong binawi at umiwas ng tingin.

"Naku ganyan talaga yan si Ron, mahiyain. Pero, bilib ako sa batang yan kase siya ang nagtatrabaho sa amin. Siya yung bumubuhay sa amin ngayon Edward." Buong pagmamalaki ni mama.

Agad akong nahiya sa pagkukwento ni mama sa sitwasyon namin. Baka isipin ng lalaking 'to, pera lang habol ni mama sa kanya.

"Masipag ka palang bata, Ron. Bilib ako sayo dahil sa mura mong edad, ikaw na ang inaasahan ng mga magulang mo." Pinuri ako ni Edward. Ewan ko ba kung pinaplastik lang kami nito o talagang pinupuri niya talaga ako.

Isang simpleng ngiti lang ang naisagot ko. At salu-salo kaming kumain nung gabing iyon.

"Asan pala yung asawa mo Edward? Parang wala kapang nakukwento sa akin tungkol sa kanya?" Tanong ni mama. Andito sila sa salas at kasalukuyang namamahinga.

"Ron, buksan mo nga yung electric fan. Ang init. Nakakahiya sa bisita natin. Baka isipin niya, nagtitipid tayo." Utos ni mama. Agad kong sinunod yung sinabi niya.

Halata naman na hindi sanay yung Edward sa maiinit na lugar. Kase pinagpapawisan na siya. Tumulo na yung pawis niya sa noo at patilya. Pinunasan niya iyon ng panyo niya.

Naka suot siya ng kulay puting body fit na polo. Hapit iyon sa muscles niya sa braso. Kaya kitang kita ang malalaking muscles nito. Bigla akong nag imagine sa dibdib niya. Iniisip ko kung anong itsura nun kapag basang basa iyon ng pawis.

"Ron, Ron!" Tawag ni mama sa akin. Bumalik ako sa kasalukuyan.

"Bakit po, ma?"

"Tinatanong ka ni tito Edward mo. Sumagot ka ng maayos."

"Ayos lang baka pagod na si Ron. Sige aalis nadin ako. Hindi na ako magtatagal." Biglang tumayo si Edward. Nagmamadali.

Ang buong akala ko, iyon na ang huling beses na magdadala si Edward ng pagkain sa amin. Ang buong akala ko, hindi na siya muling babalik pa. Pero nasundan iyon ng nasundan. Hanggang sa diko namamalayan, kasundo ko na pala siya.

Daddy (COMPLETED)Where stories live. Discover now