DADDY: 7

43.1K 702 52
                                    

"Etong kanta na kakantahin ko ay para sa isang taong, sabihin na natin na mahalaga sa akin. Sana maramdaman ng taong yun na handa akong maghihintay para sa kanya."

Nag eecho yung boses ni Sean sa mikropono. Malamig iyon at lalaking lalaki. Maganda yung boses ni Sean. Naghiyawan bigla yung mga tao na nanood sa kanila.

"1, 2, 3.." Bilang ni Justin.

Nagsimulang kumanta si Sean...

Langit na muli
Sa sandaling makita ang kislap ng iyong ngiti
May pag-asa kaya
Kung aking sasabihin ang laman ng damdamin

Pinipilit mang pigilin
Na ika'y aking isipin
Wala na yatang magagawa

Sana'y hindi ipagkait sa 'kin ang sandali
Na masilayan ka at marinig man lang ang tinig
Laging bukas ang puso ko upang ibigin ka
Laging wagas ang aking pagtingin at aking pagsinta

Pinapangarap ka
Tinatanaw sa ulap ang iyong mga mata
Dinarasal kita
Hinihiling na sana ay lagi kang masaya

Pinipilit mang pigilin
Na ika'y aking ibigin
Wala na yatang magagawa

Sana'y hindi ipagkait sa 'kin ang sandali
Na masilayan ka at marinig man lang ang tinig
Laging bukas ang puso ko upang ibigin ka
Laging wagas ang aking pagtingin at aking pagsinta

Pinipilit mang pigilin
Na ika'y aking ibigin
Wala na yatang magagawa

Sana'y hindi ipagkait sa 'kin ang sandali
Na masilayan ka at marinig man lang ang tinig
Laging bukas ang puso ko upang ibigin ka
Laging wagas ang aking pagtingin at aking pagsinta

Sa buong pagkanta ni Sean, hindi ko maipaliwanag ang dahilan pero nakatitig ako sa kanya. Sa tuwing nagtatama ang paningin naming dalawa ni Sean, biglang tumitibok ng malakas yung puso ko.

Si Sean ang kumakanta habang si Justin naman ang nagpi-piano. Parang may nais iparating sa akin si Sean sa pagkanta niya ng "Sana".

Aaminin ko, bakla ako. Pero di ako masyadong more on feminine part. Sakto lang. Discreet kung baga. Nagkakagusto ako sa babae at lalaki. Nakahalik na ako ng babae. Nakahalik na ako ng lalaki at nagustuhan ko iyon. Nakipag date nadin ako sa parehas na kasarian.

Ang totoo, hindi ako naniniwala sa salitang "Bi" pero isa na akong "Bi" technically. Ang kaso lang karamihan sa atin iba ang pananaw sa salitang "Bi", para sa akin ang "Bi" ay kapag gusto mo parehas na babae at lalaki. Hindi yung mukha ka ngang lalaki. No trace. Pero you only suck dick, never licked a pussy. Alam mo yon?

Dumating ako sa punto na wala na akong pakelam sa kasarian ng taong mamahalin ko. Ang iniisip ko lang ay kung paano ka magbigay ng respeto sa ibang tao lalo na sa mga kagaya kong membro ng third sex. Masaya na ako sa kung ano man ako.

Alam ko na si Sean din ay isang discreet gay. Madali ko namang maamoy iyon. Madalas kaming nagkakasama nitong ni Sean. At alam ko, bakla din siya tulad ko. Hindi lang siguro siya out sa kung ano man ang tunay niyang pagkatao. Mabait si Sean at gusto ko siya bilang kaibigan.

.
.
.

Matapos ang ilang set ng banda nila Sean, nagkayayaan kaming mag inuman sa bahay ni Emman. Malapit lang iyon sa bar kung saan kumanta sila Sean. Shembot ang napagkasunduan naming tirahin.

Malamig ang lugar nila Emman. Nasa may labas kasi kami nag inom may mesa kaming pwesto doon. Mahangin ang paligid kaya lahat kami naka jacket. Lalong nakakaganang mag shot pampawala ng lamig.

Daddy (COMPLETED)Where stories live. Discover now