DADDY: 44

9K 267 20
                                    

Maaga akong nagising at nag ayos ng aking sarili kase ngayong araw ko na makukuha yung driver's license ko at ngayon din ang unang araw ko sa kompanya ni Edward.

Huminga ako ng malalim sa harap ng salamin dito sa kwarto ko. Hindi ako sanay sa suot kong long sleeves polo at black pants. Pero ayon kay Edward, dapat na daw ako masanay kase eto na daw ang magiging kasuotan ko araw araw.

May tatlong katok tapos bumukas ang pinto nakita ko doon si Mama. Hinarap ko si Mama.

"Aba ang gwapo gwapo naman talaga ng anak ko!" Nilapitan ako ni Mama at niyakap ako.

"Asan si Edward?" Hindi pa din ako handang tawagin siyang "Daddy" o "Papa."

Sumimangot si Mama. "Bakit hanggang ngayon Edward padin tawag mo sa kanya? Hindi ba napag usapan na natin to?"

"Ma, hindi mo ako pwedeng pwersahin at madaliin sa pagtawag ko sa kanyang "Daddy" syempre Ma,  nag aadjust pa ako at medyo nangangapa pa sa kanya."

"Ano pa ba ang pangangapang ginagawa mo? Hindi ba obvious nak? Binibilhan ka niya ng mga gamit at mamahaling damit tapos binigyan ka pa ng lisensya tapos may magarang kotse ka pa. Mabait si Edward dahil hindi ka niya pinipwersa na tawagin siyang "Daddy" kaya dapat anak, magpasalamat ka sa kanya."

"Yun nga eh hindi niya ako pinipwersa kaya sana ganun din kayo."

Humarap ako sa salamin para tignan pa ang itsura ko. Nakakapanibago kase. Ang layo layo ko na sa dati kong itsura.

Hinawakan ako ni Mama sa balikat. "Ibang iba ka na kaya sana ayusin mo yang buhay mo Tyrone. Dahil ikaw ang magmamana ng lahat ng ito balang araw."

Hinarap ako ni Mama sa kanya. Inayos niya ang kwelyo ng polo ko.

"Dapat mong gawin, magpasalamat ka sa Diyos at hindi niya tayo pinababayaan. Lahat ng ginagawa mo samahan mo lagi ng effort at dasal."

"Opo Mama."

Kumatok si Edward. "Handa ka na ba?"

Pumasok siya at naging parehas yung reaction ng mukha niya sa mukha ni Mama.

"Bagay na bagay sayo, Ron. Ang gwapo mo sa suot mo."

Kitang kita ko na proud na proud talaga si Edward sa nakikita niya.

"Lahat ng ito ginagawa ko para sa future mo Tyrone. Masaya ako at nakilala kita at ang Mama mo."

Nahiya ako kay Edward kaya niyakap ko nalang siya bilang pasasalamat.

Una muna kaming dumaan sa LTO. Mga thirty minutes din kami doon at naging maayos at successful dahil nakuha ko na ang lisensya ko.

Matapos ang halos siyam na oras sa opisina ni Edward, halos mamatay matay ako sa dami ng taong nakilala ko at sa mga bagay na dapat kong tandaan at kabisaduhin.

Sa Bangko nagtatrabaho si Edward bilang manager. Wala ako ginawa kundi sumunod sa kanya at mag take down ng notes. Tapos nung miryenda puro memorizasion ang inatupag ko kaya hindi rin ako nakakain ng maayos. Sineryoso ko ang unang araw ko dahil malaki ang utang na loob ko sa kanya.

May meeting si Edward kaya ako nalang ang umuwi mag isa. Halos hindi mawala sa paningin ko yung hawak kong drivers license. Tinititigan ko yun kase sobrang proud ako dahil naka pro ako agad. Salamat sa pasensya ni Edward sa pagtuturo niya sa aking magmaneho.

Bumangga ako sa tao at nalaglag yung lisensya ko.

"Sorry hindi ako tumitingin sa daan." Sabi ko habang pinupulot yung lisensya ko. Pag angat ko ng tingin, si Teron pala ang nabunggo ko.

Daddy (COMPLETED)Where stories live. Discover now