DADDY: 10

31K 581 21
                                    

"Oh ayan. Habulin mo kami."

Nilapag ni Denver sa tapat ni Sean yung punong shot glass.

"Policy kase sa aming magbabarkada na kapag nahuli ka sa session, hahabulin mo kami." Dagdag ko pa. "Kaya inumin mo na yan."

Tignan ko lang kung hanggang saan ka tatagal.. Sa isip isip ko. Punta punta ka pa ha..

Inistraight ni Sean yung laman nung shot glass. Walang sali salita. Punuri pa niya yung lasa ng timpla ni Denver.

"Ayos tropa mo, Ron. Yan ang gusto ko walang arte. Pag inom, inom na agad." Sabi pa ni Denver.

Iniabot niya sa akin yung shot glass, ako naman ang iinom.

"Namiss ko tong lugar niyo Ron." Sabi ni Sean habang tumitingin tingin sa paligid.

"Bakit bigla ka namang napasugod?" Tanong ko.

Katabi ko si Denver tapos katabi ni Denver si Sean at Mac.

"May mayamang lalaki rin ang nagpupunta dito araw araw kela Ron. Baka kilala mo siya?" Sabi naman ni Mac.

Kumunot ang noo ni Sean.

"Mayamang lalaki?" Sabay tingin na patanong sa akin ni Sean.

"Wala yun. Kaibigan lang yun ni mama. Ambait nga eh, tinulungan niya kami sa gastusing ospital." Sabi ko.

"Ayos din kayong mag-ina no, Ron. Lapitin kayo sa mga mayayamang tao." Napatingin si Denver kay Sean. "Paano mo naging tropa si Ron?"

Nagkatinginan kami ni Sean.

Hindi ko pwedeng sabihin sa kanila na nakilala ko si Sean na chinuchupa siya ni Bebang. Tapos nag inom kami ng redhorse tapos hanggang sa hindi ko na mamalayan na tropa na kami. Basketball sa madaling araw tapos ang inuman namin na one on one. Tapos hanggang sa niyaya na niya ako sa mga gig niya.. Tapos ang isa sa hindi ko malilimutan, yung ginawang pagyakap ni Sean sa likuran ko.

Nag iwas ako ng tingin kay Sean. Tumikhim ako.

"S-sa inuman. Doon ko nakilala si Ron." Ramdam ko na playing safe si Sean sa sagot niya. Nakatingin ito sa akin. Nananantya.

"Oo tama." Pagsasakay ko kay Sean.

Maya maya natapos nadin kami nang saktong 2:34 ng madaling araw. Naka tatlong set din kami. Hilo na ako pero alam ko pa ang ginagawa at sinasabi ko.

"Pareng Sean, salamat ha. Ayos ka. Next time ulit. Sige una na kami." Sabi ni Denver. Namumula na siya at medyo suray na ang paglalakad.

Kinamayan ni Sean si Mac nakaalalay sa lasing na si Denver.

"Ingat kayo, men. Sure kayo na hindi ko na kayo ihahatid?" Tanong ni Sean sa dalawa.

"Wag na. Jan lang kami sa kabila. Salamat, Sean. Oi, Ron!" Paalam sa amin ni Mac.

Nang kami nalang ni Sean ang naiwan, hindi ko napigilan at bigla akong nagtawag ng uwak.

Nilapitan ako ni Sean. Ramdam ko yung mga yabag niya. Nasukaan ko pala yung gilid ng gulong ng sasakyan ni Sean.

"Oh, ikaw pala tong malalasing. Ang yabang mo pa kanina." Sabi ni Sean.

Pinunasan ko yung labi ko.

"Hindi ako lasing. Busog lang ako." Katwiran ko.

Dahil sa maputi si Sean, mahahalata mo naman sa tao kung lasing na siya. Eh kaso, mukhang hindi naman siya tinamaan ng alak. Walangya!

"Namiss kita Ron." Biglang sabi ni Sean. Nakangiti ito sa akin.

Medyo hilo na ako. Pero hindi ako pwedeng mamalikmata na nakangiti nga ito sa akin.

"Ba't nagpakita ka pa?"

"Ayaw mo na ba sa akin?" Tanong ni Sean.

Napaismid ako.

"Hindi ako bakla Sean! Hindi ako bakla! Hindi ako bakla!" Sigaw ko.

Pinigilan ako ni Sean sa pagsisigaw. Pinakalma niya ako.

Hindi ako bakla! Hindi ako bakla!

Napaupo ako sa gater. Nawalan ng balanse tapos nakita ko nalang na nakapatong na si Sean sa ibabaw ko.

Naamoy ko yung amoy mint niyang hininga. Ang bango at ang linis talaga ni Sean. Palibhasa mayaman.

"Umalis ka nga sa ibabaw ko!"

"Sorry."

Umupo ako. Si Sean nasa tabi ko din.

"Galit ka ba sa akin, Ron?"

"Umalis ka nalang Sean." Sabi ko nang hindi ko siya nililingon.

Nagkaron ng katahimikan sa amin ni Sean. Tahol lang ng aso ang maririnig mo. Alam ko na nasa tabi ko lang din siya.

"Patawad Ron." Mahinang sabi niya.

"Pasensya na sinubukan ko naman eh, kaso.. Wala talaga." Sabi ko.

Daddy (COMPLETED)Where stories live. Discover now