DADDY: 17

23.6K 527 38
                                    

"Ano, Ron! Labas mo tapang mo! Tangina ka!"

Nagpantig yung tenga ko sa pagmumura ni Sean. Hindi porke na siya yung gumagastos ng pagkain dito, pwede na niya kong murahin.

"Putang ina mo ren! Anong drama mo? Ang kapal ng mukha mong murahin ako ha!" Sigaw ko.

"Mas makapal yang mukha mo! Hindi ka nandidiri sa sarili mo, pumayag kang makipag sex sa ibang lalaki kapalit lang ng Jolibee at cellphone!"

Tinulak ko siya sa dibdib.

Putang ina netong si Sean. Nakakalalaki na!

"Ano bang gusto mo ha?" Tinulak ko ulit siya sa dibdib. "Ganun ba kababa tingin mo saken! Ano! Puta, magsalita ka! Baket, may pruweba ka ba na nangolboy ako? Baket, may pruweba ka ba na nag sex kami ni Edward? Tangina mo, ayus ayusin mo yang pananalita mo!"

Dinuro ko si Sean sa mukha. "Baka nalilimutan mong nasa balwarte kita!"

Eh kung isigaw ko kaya sa pagmumukha niya na pumapayag siyang magpachupa sa bakla dito samen. Ano kaya mararamdan niya? Lokong to.

"Anong gagawin mo? Papakuyog mo ko sa mga tambay dito!" Matapang na sabi ni Sean.

"Eh pano nga kung ganon nga gawin ko!"

Pinipilit talaga ni Sean na ilabas ko yung ugaling iskwater ko.

"Hindi ako natatakot!"

Yan yung mayabang na sabi ni mokong na si Sean. Hindi ko nalang siya pinansin kahit na kating kati na din akong patulan siya. Nagtatangis bagang na din ako at pinipigilan ko lang ang gigil ko.

"Dapat sayo matutong mag MOMOL!" Sigaw ko.

"Fuck! And how the hell would I do that MOMOL na yan! Do you think papayag pa akong makipag MOMOL sayo matapos mokong saktan!"

Inismiran ko siya. Akala ni kupal na ang tinutukoy ko na MOMOL ay Make Out, Make Out Lang.

"Bobo! Tanga! Akala ko pa naman lahat ng mayayaman matatalino, ang ibig sabihin ng MOMOL, Move On, Move On Lang. Dapat yan gawin mo, tanga! Dahil wala namang kwenta yang pag-eemote mo. Tinalo mo pa babae! para kang dinudugo!"

Tinalikuran ko nalang siya. Naglakad ako papasok sa bahay.

"Hoy! Ron! Wag mokong tatalikuran! Kinakausap pa kita! Hoy!"

Pero di ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad papasok sa loob ng bahay.

"Hoy! Pag di ka bumalik dito babasagin ko tong bote!"

Edi basagin mo.. Sa isip isip ko.

Ayaw kong patulan yung ugali ni Sean. Ang kitid niya. Napakakitid niyang mag isip. Nagseselos ng walang dahilan. Tangina, anong drama meron si Sean? Ano nanaman bang pakulo to?

Putangna, bente dos anyos na pero immature padin kung mag isip. Asal bata kung topakin, lakas ng toyo.

Bago pa man ako makapasok sa loob narinig kong may nabasag nga na bote. Tumigil ako at hinarap si Sean. Inismiran ko lang siya kase talagang binasag nga niya yung bote ng red horse.

"Lakas ng toyo mo. Kupal!" Sabi ko.

Tinalikuran ko ulit siya.

"HOY!"

"HOY!"

"RON!"

"HOY, TYRONE!"

Bahala ka mamaos jan kakasigaw. Hindi naman ako yung magmumukang engot sa aming dalawa.

Daddy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon