DADDY: 18 #MOMOL

26K 503 25
                                    

"Sex tayo Ron pagkatulog ng mama mo. MOMOL tayo.." Bulong ni Sean sa tainga ko.

Namumula na si Sean. Alam ko lasing na siya. Mabilis pala siyang tamaan kapag gin ang iniinom. Hindi katulad ko, sanay na kahit anong painom mo hindi moko basta basta malalasing.

"Ubusin na natin tong gin, masarap timpla ni mama." Sabi ko. Naglagay ako ng tagay sa shot glass tapos inistraight ko yun. Ahh.. Humahagod.

Tinagayan ko si mokong.

"Lasing ka na ba? Shatin mo muna to." Binigay ko sa kanya yung shot glass na may lamang gin-pineapple.

"Lasing na ako eh."

Napakamot ako sa ulo.

"Ano ba naman yan! Ang arte mo. Konti na nga yang tagay mo. Inumin mo na." Angal ko.

"Lasing na nga ako."

"Sige ka kapag hindi mo yan shinat, di ako makikipag MOMOL sayo."

"Oo eto na, eto na." Kinuha ni Sean yung shot glass at shinat yun ng diretso. Nakita ko na medyo naduwal pa si drama king habang iniinom yung gin-pineapple.

"Ahhhhhh!! Tapang!" Komento niya. Hindi maipinta yung itsura ng kanyang mukha.

Natatawa ako.

"Puta, lasing ka na?"

"Eh pano ba naman ang tataas ng tagay ng mama mo sa akin. Akala mo may lakad. Nahihiya akong tumanggi."

Tinawanan ko lang si Sean.

Nakaramdam ako ng init. Wala kasing kahangin hangin na pumapasok sa loob ng bahay. Sumipol ako para magtawag ng hangin. Grabe! Pinagpapawisan na ako!

"Maghubad ka na kase. Kahit anong sipol mo, walang hangin ang papasok dito. Grabe ang alinsangan pala sa inyo, no?"

"Yan kase, hindi ba sinabihan na kita. Mainit dito samen. Wala kaming aircon at electric fan. Pinaayos ko pa yung electric fan. Gang ngayon di ko pa nakukuha. Bulok na yata yun sa pagawaan."

Sumipol pa ako. Tangina ang init naman!

"Maghubad ka na kase."

"Yoko."

"Sus, arte mo."

"Ayokong maghubad mamaya pagnasahan mo pa katawan ko tapos reypin mo pa ako." Biro ko.

Nangingiti si drama king sa sinabi ko.

"Ano naman kung reypin kita, papalag ka?"

"Sa tingin mo papayag ako makipag sex sayo ng ganung kadali?"

"Oo." Confident niyang sagot.

Natawa ako sa lakas ng self confidence ni drama king. Bilib ako sa tapang at tiwala niya sa sarili.

"O shatin mo na to, nang matapos na. Hindi yung dinadaan moko sa kwentong la wenta." Nilagyan ko yung shot glass ni kupal tapos inabot ko yun sa kanya.

"O ako nanaman?"

"Bakit, umaangal ka? Tayo na nga lang dalawa dito."

"Sabi ko na nga ba eh, nilalasing mo ako kase balak mo talaga akong gahasahin."

"Tangina kapal."

Ngumuso nanaman si Sean. I-kiss ko daw siya.

"Shatin mo muna." Sabi ko sa hawak kong shot glass.

"Pag ininom ko to ha kiss moko. Torrid."

Kinuha ni Sean yung shot glass tsaka inimon yun ng diretso. Hahaha. Natatawa ako sa itsura ng mukha niya. Hindi maipinta. Halatang pinipilit nalang niyang inumin yung mga binibigay ko na tagay sa kanya.

Daddy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon