DADDY: 31

18.4K 332 20
                                    

Kapag mahal mo ang isang tao, meron kang pakiramdam dito sa loob loob mo na hindi mo maipaliwanag. Isa yong napakalakas na pakiramdam na nagbibigay sayo ng lakas para harapin ang panibagong araw. Yung feeling mo, napakalakas mo. Yun bang parang lahat ng bagay kaya mong gawin. Ang totoo pa nga niyan eh, parang lahat ng bagay na hindi mo kadalasang ginagawa, magagawa mo sa ngalan ng pag-ibig. Nasa punto ako ngayon ng buhay ko kung saan kontento na ako sa kung ano ang meron ako.

Hindi ako pinanganak na mayaman. Hindi ako nakatira sa magarang bahay. Swerte na kung makakain ako ng apat na beses sa isang araw. Pero, lahat ng mga yon balewala simula nang nakilala ko ang taong yakap yakap ko ngayon.

Yung hugis ng kanyang mukha, Perpekto. Mula sa kapal ng kanyang kilay, yung tangos ng kanyang ilong, yung kanyang labi na lagi kong hinahalik halikan. Bonus pa na may dimples siya. Wala na akong hihilingin pa simula nang dumating sa buhay ko si Sean.

Heto siya at nakahiga sa kaliwa kong braso. Hindi ko ramdam ang ngawit, masaya pa nga ako eh. Sana ganito nalang kami palagi. Pero, May pasok pa ako sa shop ni boss Jun. Kaya, kailangan kong putulin ang masayang pagkakataong ito.

"Pag ibig ko, teka, bangon na tayo.. may pasok pa ako." Bulong ko kay Sean.

Ayoko siyang gisingin kase napaka cute niya habang tulog. Wala eh, kailangan nang bumangon.

Gumalaw siya at lalo pa niyang nilapit ang ulo niya sa akin. "Ayoko pa. Tulog pa tayo.."

Napangiti ako sa tunong ng kanyang boses. Paborito kong tunog ng boses niya kapag bagong gising siya. Ang cute lang kasi. Tulad ngayon.

"Hmm.. kailangan ko nang bumangon, para naman to sa future nating dalawa eh." bulong ko sa kanya.

Alam ko na nagpapatawa lang ako doon sa tinutukoy ko na para sa future namin. Masarap lang sa pandinig. Para kasing nagsasama na kami ni Sean sa iisang bubong. Okay. Live in na nga siguro ang tawag dito.

Isang taon na kaming nagsasama ni Sean sa iisang bubong. Wala naman akong narinig na masama sa mga kapitbahay pero alam ko, nakakatunog na sila sa relasyon namin ni Sean. Wala naman akong pakialam sa sasabihin ng iba as long as nasa tabi ko si Sean, masaya na ako doon. That is contentment.

"Mamaya na. Antok pa ako, oh. Tulog pa tayo.."

Nakakatuwa kapag naglalambing sa akin si Sean ng ganito. I can't resist lalo lang akong nate-temp na huwag nalang bumangon at tabihan nalang siya matulog sa maghapon. Pero, kailangan ko na talagang bumangon. May mga utang pa akong kailangang bayaran. At oo nga pala, nandirito nanaman si judith. Asar!

"Sean, huy.. pasok na ako.."

"Ayoko. dito ka lang."

"Ay, tigas naman ng ulo. pasok na kasi ako."

"Pagsinabi kong dito ka lang, dito ka lang."

Niyakap ako ng mas mahigpit pa ni Sean. Sakop ng braso niya yung dibdib ko. Ayaw niya akong pabangunin. Lalo akong nate-temp na sundin ang gusto ng Pag-ibig ko.

Gustuhin ko mang tabihan pa siya, nilabanan ko yung sarili ko kaya tinanggal ko yung braso niya na nakayap sa akin na akala mo kadena. Bumangon ako at walang salitang lumabas sa kwarto. Alam ko nagalit siya sa ginawa ko. Pero, kailangan ko na talagang pumasok.

Lumabas ako at napansin ko na medyo lumalamig na ang hangin. Ganito na talaga kapag "ber months" na. Inamoy ko ang hangin at humikab. Konting streching para magising ang tulog kong katawan.

Nagsimula na akong magsibak ng kahoy para magsalang ng init tubig. Nang nakasalang na ako, inaasahan ko pa naman na babangon si Sean at pupuntahan ako dito. Pero, hindi yon nangyari. Kaya tama ang hinala ko na galit nga siya.

Daddy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon