DADDY: Sean's POV

23.7K 474 54
                                    

Hindi naman sa ayaw kong umalis si Ron. Ang akin lang naman, gabi na tsaka ang lakas ng ulan.

"Bahala ka nga jan.. Napaka immature mo talaga!" Yan yung huling sinabi niya sa akin bago siya umalis ng bahay.

Sinasadya ko talagang hindi siya pansinin. Ako immature? Hindi lang kase maitindihan ni Ron yung side ko. Hindi naman sa ayaw ko siyang nakikisalamuha sa iba, kundi sana ilagay naman niya sa tamang oras ang paglalakwatsa.

Kahit masakit sa loob ko, tiniis ko lang. Wala eh, mahal ko si Ron. Ewan ko ba, sa kanya bigla tumibok puso ko. Kahit na wala naman kaming pormal na relasyon, masaya na ako kase nakakasama ko siya araw araw.

Hindi na ako babalik dun sa bahay. Puro stress lang ang aabutin ko kasama si Daddy.  Hindi ko nga alam kung bakit ako pa din ang sinisisi niya sa pagka wala ni Christian. Hindi ko naman ginusto na mangyari iyon sa kapatid ko.

Sa sama ng loob ko, tinext ko si Justin na kabanda ko. Balak kong magpakalasing. Buti naman at pwede sa lugar niya.

"Saan ka pupunta iho?" Tanong ni Tita. Nanay ni Ron.

"Jan lang ho, Tita sa kabanda ko."

"Sean, iho, pagpasensyahan mo na si Ron ha. Ganyan talaga yang bata na yan. Kapag naaya ng barkada mabilis pa sa alas kwartong lumayas. Pasensya ka na."

"Ayos lang po yun. Matanda na po si Ron. Kaya na niya sarili niya. Sige po mauuna na po ako."

"Ay, teka Sean, anak kapag nakita mo jan si Ron isabay mo na paguwi mo ha. Daanan mo siya kela Jun. Okay lang ba? Pasuyo nalang ha."

"Okay po Tita. Kapag nakita ko po."

Sumakay na ako sa kotse ko dala ang sama ng loob kay Ron. Tinawagan ako ni Justin sinabi ko na on the way na ako. Dumaan ako saglit sa 7 eleven at bumili ng dalawang bote ng red label. Malakas sa whiskey si Justin kaya siya ang tinawagan ko sa mga kabanda ko. Tahimik pati siya kaya sigurado hindi niya ako kakantyawan.

Nang makarating ako sa bahay nila medyo mahina na ang ulan at ambon nalang yun. Nag doorbel ako at bumukas din agad yung pinto. Sumalubong sa akin si Justin na naka sando at boxer brief lang ang suot. Natigilan ako sa kanya kase naalala ko si Ron.

"O Putang ina men! Buhay ka pa." Bungad ni Justin. Nagkamayan kami tas bro hug.

"Ano? Session tayo." Inangat ko yung dala kong red label.

"Puta ano to? Patayan? Whiskey tapos one on one?" Natatawang sabi ni Justin

"Eh ikaw lang naman sa banda yung mahilig sa whiskey. Please, samahan mo ako uminom."

"May problema ka ba? Let me guess, babae yan no?"

"Could you please let me in first?"

"Okay. Tara sa kwarto nalang tayo. Una ka na kuha lang ako ng ice tsaka baso natin."

"Okay."

Nauna na ako sa room ni Justin. At umupo ako sa sahig tas tinangal ang suot na jacket.

Maya maya dumating na din si Justin.

"Don't tell me break na kayo ni Loisa?"

"Hindi ko siya girlfriend. Hindi naging kami."

"Ah putang ina. Pogi!" Umapir sa akin si Justin. "Balita ko, hinahabol habol ka daw nun ah."

"Sino may sabi?"

"Si Emman. Sa kanya ko nalaman."

"Tangina. Maniwala ka dun. Isang beses lang yun."

"Ulol!"

"Gago, totoo men!"

"Walang nangyari sa inyo?"

"Wala. Loko."

"Weh?"

"Itulad mo naman ako sayo."

"Mana lang ako sayo brad."

"Mana san? Sa pagiging lasenggo? Hahaha."

Kahit papano, nawala sa isip ko si Ron habang nag iinuman kami ni Justin.

Etong si Justin, drummer ko minsan pero keyboard talaga ang hawak niya. May itsura din siya tulad ko. Gwapo, moreno, matangos ang ilong, talented, pogi, cute, angas ng dating, tahimik, malibog, babaero, adik sa mobile legends at sa pangongolekta ng gundam tulad ko.

"Eh, hindi pala si Loisa ang dahilan kaya ka nag-aya uminom. Tell me, who is it?"  Tanong ni Justin.

Huminga ako ng malalim bago ako sumagot.

"Wala. Isang taong espeyal lang sa akin."

"Ahh.. Tao. So sino?"

"Kaibigan ko."

"Kaibigan mo o ka-IBIGan mo?"

"Mahal ko."

"Ah, mahal mo?"

"Oo."

"Mahal ka?"

"Siguro."

"Nako mahirap yan. Alam mo, let me give you an advice. Sobrang hirap masanay sa mga bagay na alam mong pwedeng mawala sayo anytime. Yung di ka siguradong magtatagal."

"Alam ko."

"Alam mo pala eh. Bakit di mo sure kung mahal ka din ba niya?"

"Isang beses ko lang siya tinanong."

"Ano sabi?"

"Hindi na daw namin kailangan yun."

"Bat di ka nalang kase magseryoso. Find a girlfriend. Tawagan mo si Emman expert sa chicks yun eh."

"Hindi na baleng wala akong girlfriend. At least may isang taong nagpapasaya sa akin kahit wala kaming relasyon."

"Kaya nga masaya ako dahil single ka pa hanggang ngayon."

"Ha?"

"Kase plan kong ligawan ka. I like you, Sean. Matagal na."

Dala lang ba ng kalasingan kaya nasabi to ni Justin?

Daddy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon