DADDY: 30 (PRE-SPG PRT. 1)

26.3K 437 27
                                    

Inantay ko si Sean na pumasok habang nagkakape ako sa likod bahay. Maya-maya din naramdam ko na yung yapak ng mga paa niya na papalapit sa akin.

"Gising ka na pala, pag-ibig ko, goodmorning!" sabay niyakap at hinalikan niya ako mula sa likuran.

Hindi ako sumagot.

"Naku, pasensya na hindi kita napag timpla ng kape." sabi ni Sean nang makita niya yung hawak kong mug.

"Bakit nga ba?" mahinang sabi ko. Ayaw kong pahalata na naiinis ako sa kanya.

"Maaga ako nagising, nagpatulong kase si Tita mamalengke.." sabi ni Sean pero parang may ninilihim siya sa akin.

Humiwalay ako sa yakap niya at nagtungo sa mesa at naupo.

"Galit ka ba, pag-ibig ko?"

Galit nga ba ako? ano bang karapatan ko? naiinis lang ako kase pakiramdam ko, pinagkakait ko kay drama king yung mga bagay na dati niyang natatamasa. Alam ko hindi sanay si Sean sa ganitong klaseng pamumuhay kaya pakiramdam ko, sa parte ko, natatali at nasasakal siya sa akin.

Nag-isip ako habang iniinom ang mainit ko pang kape. Umupo si Sean sa tabi ko. Hinawakan niya kamay ko.

"May problema ba, Ron?"

Kailangan kong i-open kay Sean ang saloobin ko. Ayaw kong magkimkim ng kahit na ano sa kanya. Mahal ko si Sean at ayaw ko din namang mawala siya dito sa bahay pero nakokonsensya ako.

Tinitigan ko siya. Pilit kong pinapaintindi sa sarili ko kung bakit minahal ko si drama king. Nginitian ko siya.

"Nakangiti ka naman ngayon, ano ba talagang iniisip mo, Ron?"

"Yung mga oras na masaya ako kapag kasama ko yung mga taong mahal ko. Wala kaming ginagawa kundi magtawan."

"Eh, paano kapag tayo naman ang magkasama? tulad ngayon."

"Hindi pa tayo tumatawa, masaya na." sagot ko sabay lumapit at hinalikan si Sean sa labi.

Wala eh, mahal ko siya. Hindi ko siya matiis.

Imbes na magdrama ako, inilayo ko nalang ang isipin ko sa mga ganoong bagay. Baka naman ako lang ang nag-iisip sa amin ni Sean ng ganun kaya binalewala ko nalang.

Ang halik namin ni Sean ay naging mapusok. Kapwa kaming sabik sa laway ng isa't-isa. As if, ang tagal naming hindi nagkita. Wala na akong pakelam kung may makita kami nila mama o papa sa oras na ito.

Ang tanging alam ko lang, kailangang mairaos ko ito.

"Wow, pag-ibig ko, ano meron sa halikan natin?" hingal na sabi ni Sean nang sandaling naghiwalay ang labi naming dalawa.

Hingal din ako habang tinitigan ko siya. Hinawakan ko siya sa mukha at hinaplos haplos iyon.

"Masaya ka ba sa akin, Sean?" tanong ko. Hindi ko inaalis ang pagkakatitig ko sa kanya.

"Oo naman bakit mo naitanong?"

"Pakiramdam ko kase.. dahil sa akin, hindi mo na nagagawa yung mga bagay na ginagawa mo dati. Tulad kahapon, yung kay Justin. Nakita ko yung reaksyon ng mukha mo dahil hindi mo alam na may bagong labas na yung nilalaro mo. Tapos kanina, nakita kita, may kaaway ka. Alam ko kung sino man yun, pinapabalik ka na niya sa inyo. Kaya feeling ko kasalanan ko at pinagkakait ko ang kaligayahan mo." Sinserong sabi ko sa kanya.

Huminga ng malalim si Sean.

"Yun lang ba? Sus. Sigurado ako sayo, Ron. Mas lalo mong pinaparamdam sa akin na mahal mo talaga ako dahil nagkakaganyan ka. Alam mo ba, Hindi pa ako nakaramdam ng ganitong klaseng saya simula nang nakilala kita. Ron, kahit ilang beses tayong mag-away kahit oras oras akong sinasaltik, at minuminuto naman ako pabago-bago ng mood, alam ko nanjan ka padin sa akin. Pakatandaan mo na sayo lang ako masaya, gets mo?" sinsero din siya sa part nato.

Imbes na sumagot, muli ko nalang hinalikan si drama king. Na miss ko yung ganito. Kissing Sean makes my day complete.

"Mahal kita, pag-ibig ko lagi mong tatandaan yan." sabi ni Sean.

"Mahal din kita Sean kahit na malakas ang toyo mo. Kahit adobo ang ulam natin araw araw hindi ako magsasawa."

Dinala ko si Sean sa kwarto at doon namin tinuloy ang halikan. Unti unti kong hinubad ang kanyang suot na damit. Habang naghahalikan kami, unti unti ko din siyang hinihiga.

"Ano bang meron ba't ang lambing mo yata?" takang tanong ni Sean habang nakapaibabaw ako sa kanya at nagtatanggal ng damit.

"Ako yung lalake na kapag nilibog mo, ihanda mo na yang sarili mo, dahil ibang pwersa ang madadama mo." sabi ko.

Muli ko siyang pinaghahalikan sa labi, leeg, tapos babalik nanaman sa labi. Mapusok at masarap ang halikan namin ni Sean. Hahanap hanapin ko at hindi nakakasawa.

"Alam mo ba kahapon, galit ako sayo?" sabi ko sa kanya habang patuloy padin kami sa halikan.

"Bakit naman?" hingal na sabi niya habang gumaganti din sa halik ko. Maya't-maya, sinisipsip-sipsip din namin ang ibabang labi ng isa't-isa.

"Pero wag mo nang isipin yon. Dahil sa sobrang galit ko sayo." Tinanggal ko sa harap niya ang suot kong boxers, Pinakita ko sa kanya yung matigas ko nang titi. "Gusto kong iputok sayo ang laman nito."

itutuloy...

Daddy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon