PRE-FINALE

11.5K 269 46
                                    

"Mahal mo ba ako?" Tanong saken ni kupal.

Pati simpleng pagtanong niya lalo ako naiinlove. Ang cute talaga ng boses ni drama king.

"Ako ba, mahal mo?" Tanong ko pabalik.

Natawa siya sa kabilang linya. Ang cute lang.

"Ako nauna nagtanong eh."

"Unahan ba dapat? Kase alam mo na sagot ko jan eh." Sabi ko.

"Gusto ko marinig galing sayo ngayon."

Tinitigan ko yung litrato niya sa wallet ko as If eto na yung huling beses na magagawa ko yon.

"Mahal na mahal kita. Kaya kong ipagsigawan yon." Sagot ko.

"Isa pa nga. Mahal mo ba ako?"

"Mahal na mahal kita."

"Bakit mo ko mahal?"

"Kase.. nung akala ko na mawawala ka na saken hindi ko pala kakayanin. Hindi ko pala kaya nang wala ka."

"Paano gagawin mo kapag nawala na nga ako?"

"Hindi ko alam. Baka sumunod ako sayo. Susunod ako sayo."

"Baliw. Susunod ka saken, paano si Tita, si mama mo?"

"Masaya naman siya sa bago niyang kinakasama. Kung ikaw nagawa mong ibuwis ang buhay mo para sa akin, ako din."

"Tangina mo!"

"Tangina mo din." Sagot ko naman.

Napapangiti ako sa tuwing naalala ko yung pag uusap namin ni drama king kupal kagabi sa Skype.

"Oh, Ron hindi mo man lang ba gagalawin yang niluto ko para sayo?"

"Busog ako ma."

"Busog busog ka jan. Kailangan mo ng sabaw tsaka gulay para manumbalik yang lakas mo."

"Ma, ayoko po ng gulay."

"Tyrone! Dyos ko! 2019 na! Kumain ka naman ng gulay lagyan mo namam ng bitamina yang katawan mo hindi puro sigarilyo at alak ang laman nyan!"

"Ma, ayoko nga po. Tsaka aalis po ako ngayon."

"Saan naman ang punta mo? Ang aga pa."

"Magkikita po kami ni Sean."

"Buti naman at nagkakaigihan na uli kayo. Maganda yan. Hindi kase maganda na nag-aaway kayong dalawa."

"Bakit mo naman nasabe?"

"Maigi na at para mas tumibay pa ang samahan ninyong magkapa--"

Naputol sasabihin ni Mama ng tumawag si Edward sa cellphone niya. Parang may iba sa kinikilos ni Mama netong mga huling araw.

"Ano yon ma?" Pero hindi na niya ako narinig.

Agad akong nag ayos at naligo para puntahan si Justin sa bahay nila. Potangina ako naman ang maniningil.

.
.
.
.

"Hoy! Justin! Potangina mo! Lumabas ka jan! Alam kong nanjan ka! Harapin mokong puki ng ina ka! Hayop ka! Tangina mo!" Sigaw ko sa labas ng kanyang pinto.

Malalakas ang katok ko na akala mo gigibain ko tong pintuan nya. Asar na asar ako kaya baka di malabong mandilim ang paningin ko pag nakita ko siya.

"Hoy! Potangina mo! Wag kang duwag! Alam kong anjan ka!"

"Boy! Wala nang nakatira jan."

"Ho? Asan na ho yung nakatira dito?"

"Walang may alam. Basta, tatlong linggo nang walang umuuwi jan."

Tangina naloko na.

"Sige ho, salamat."

.
.
.
.

"Hanggang kelan mo ba balak na tugisin yang si Justin?"

"Hangga't hindi kita nababawian sa kanya."

"Ipasadyos mo nalang yan, Ron."

"Ipasadyos! Tangina, Sean? Anong ipasadyos? Dugo ang binayad ko sa ospital. Naging kritikal ang kondisyon mo dahil sa hayop mong kabanda! Tapos sasabihin mo ipasadyos ko nalang? Pota!"

Inalo ako ni kupal. Hinawakan niya ako sa balikat.

"Relax ka lang. Ako din naman eh gusto ko siyang gantihan sa ginawa niya sayo. Pero pwede naman tayong maghintay sa ibabalita sa atin ng mga pulis."

"Pero hindi na ako makapaghintay eh."

"Doon tayo sa patas at legal na paraan. Baka kapag sinunod mo yang galit mo, baka sa huli, ikaw pa ang madehado imbes na siya."

"Wala naman yatang ginagawa yang mga pulis. Sabi nung kapitbahay ni Justin, tatlong linggo na daw siyang hindi umuuwi sa condo niya."

"Hayaan mo, magkakalat ako ng larawan niya sa social medias. Mahuhuli din yang si Justin."

Hinalikan ako ni kupal. Kaya nawala kahit paano yung galit ko.

"Relax ka lang ha.."

"Salamat Sean.."

"Bottom moko."

Nangiti ako sa binulong nya sa akin.

"Sigurado ka?"

"Oo. Kantot moko hard."

"Di ko matatanggihan yang ganyang alok."

Agad na naghubad sa harapan ko si Sean. Nakatitig siya sa kin habang naghuhubad siya isa isa ng kanyang saplot. Okay na sana eh, kaso biglang may kumatok sa pintuan ko.

"Ron! Dali ka jan at may gusto kaming sabihin sayo ni Edward."

"Galing mo, Ma! Teka." Panira.

"Anjan pala yung stepdad mo?" Bulong ni Sean habang nagmamadaling magsuot ng kanyang hinubad na damit.

"Oo, mabait yon kaya relax ka lang."

Nang nakabihis na si kupal binuksan ko yung pintua  at nakita ko doon si Mama kasama si Edward.

Nagtaka ako sa naging reaksyon ni Edward pagkabukas ko ng pinto. Nanlaki ang mata niya. Para siyang nakakita ng multo.

"Ayos ka lang ba, Edward?" Takang tanong ko.

"Dad?"

Napatingin ako kay Sean. Nagtataka ako sa sinabi niya. Litong binalik ko ang tingin ko kay Edward.

"Magkakilala kayo?" Bumalik ang tingin ko kay Sean.

"Dad, what are you doing here?"

Nakita ko si Mama na tuluyan nang naluha kaya lalo akong nahiwagaan.

"Magkakilala na pala kayo ng Anak ko Ron."

"A-anak mo?" Takang sabi ko.

Umiyak na si Mama ng tuluyan.

"Ano to, Dad?" Sabi ni Sean na halatang naguguluhan sa nangyayari.

"Magkapatid kayong dalawa!" Sabi ni Mama.

Parang umikot ang huwisyo ko sa sinabi ni Mama. Pakiramdam ko pwede akong mag collapse ano mang oras sa sahig.

"K-kapatid?" Ang tanging nabanggit ko lang.

Daddy (COMPLETED)Where stories live. Discover now