DADDY: 8

36.4K 651 15
                                    

Nandito kami sa may tindahan sa tabi ng piso net nila kuya pete.

"Nice game! Sa susunod galing galingan niyo naman 'tong practice game ninyo!" Mayabang kong pahayag kela Mac at Denver na kasalukuyang nililibre ako ng softdrinks at kwek kwek dito sa kanto matapos matalo sa "duel" namin sa DOTA.

"naka-tyamba ka lang, Ron! wag masyadong mayabang." sabi ni Denver.

siniko naman ako ng isa naming tropa.

"Ano nangyari sayo kanina, Ron? Buti nalang na backup-an kita kanina kundi, tayo ang nanlilibre ngayon sa mga mokong na 'to." Pasimpleng pahayag sakin habang naka akbay ang isa kong tropa.

Medyo na distract kase ako sa bwiset na pop up advertisment kanina. Bwiset, buti nalang mabilis kumilos 'tong tropa ko.

"Wala bwiset kase yung ad kanina biglang nag pop up." Sabi ko nalang.

Kumakain siya ng kwek kwek ng mag aya siya ng inuman mamaya. Mukhang may pera si gago kase nanlilibre. For sure, ilang araw nanaman ang bibilangin, wala nanaman yang pera maski singkong duling sa bulsa wala.

"Ron! Ron! Ang tatay mo!"

Nabuga ko yung kinakain kong kwek kwek at agad na sumakay sa trike ni kuya Teban.

Nadatnan ko si mama na nakaupo habang yakap si papa na nakahadusay sa sahig.

Agad na humingi ako ng tulong tapos maya maya rin sinakay na si papa sa tricicle ni kuya Teban, kapitbahay namin.

"Ma, ano ho bang nangyari?" Tanong ko habang inaantay kong kumalma si mama. Nandito kami ngayon sa lobby ng hospital. Inabutan ko siya ng mineral water. Umupo ako sa tabi niya. Hinahagod ko likuran niya para kumalma siya agad.

"Nagluluto lang ako, tapos pagbalik ko, nakahandusay na tatay mo sa sahig!" Lumuluhang sabi ni mama.

Maya maya dumating yung doktor na umasikaso kay papa.

"Dok, ano ho bang nangyari sa tatay ko?"

"Nagkaroon ng pangalawang atake ang tatay mo. Iho, lagi bang nakakainom ng regular na gamot tatay mo?"

Napayuko ako at napabuntong hininga. Hindi ko lang masabi sabi na matagal na simula nang huling nakainom ng maintenance si papa.

"Mrs. Lagi ho bang naiistress asawa ninyo? Isa rin kasing posibilidad kaya siya inatake kase stress siya."

Tumingin ako kay mama na patuloy lang sa paghagulgol. Umalis muna ako nang naka alis nadin yung doktor. Lumabas ako saglit at nagsindi ng yosi.

May pumaradang itim na sasakyan sa harapan ko.

Bumaba doon yung lalaking laging bumibisita samen.

"Ron! Nabalitaan ko, kamusta tatay mo?" Nakasuot siya ng puting fit na polo tapos naka suot siya ng shades. Ang bango niya at ang linis. Mayaman talaga.

"Kasalana mo 'to eh! Kung hindi ka nagpupunta lagi sa bahay, hindi sana aatakin tatay ko!"

"Akala ko okay kami?"

"Okay? Mukha bang okay ang tatay ko ngayon?!"

"Pasensya na Ron. Tutulong ako sa gagastusin ninyo."

"Hindi na kailangan. Didiskarte nalang ako mamaya. Mag eextra ako kay mang Jose."

Hindi ko dapat tanggapin yung tulong ng mayamang lalaking ito na madalas nagpupunta sa bahay at nagdadala lagi ng pagkain. Baka mamaya isumbat pa niya sa akin 'tong mga ginagastos niya samin.

"E-extra ka? Anong gagawin mo?" Natatawa niyang sabi. Mukhang di siya naniniwala sa kakayahan ko. Aba loko 'to ha.

"Ser maaaring mahirap lang kami. At ganito lang ang buhay namin. E-extra akong barker kela mang Jose. Buhay ng Tatay ko na ang nakasalalay dito. Hindi ako dapat nanghihingi ng limos sa katulad ninyong mayayayaman. Alam mo ser, kasalanan niyo 'to eh! Kung hindi dahil sa inyo, hindi aatakihin tatay ko!" Tuloy tuloy kong pahayag sa kanya.

"Kaya nga I offer you help. Kung perang pang gastos ang problema, ako na bahala doon. Kaibigan ko nanay mo, kaya willing ako tumulong." kalmadong pahayag niya. parang hindi man lang siya nag-aalala sa kalagayan ng tatay ko.

"Salamat nalang po ser! pero kaya ko pong dumiskarte ng pera." sabi ko sabay walk out na sana kaso nahawakan niya ako sa braso dahilan para tumigil ako.

"Sandali lang, Ron!" 

Humarap ako sa kanya. pumunta siya sa kotse niya at binuksan yung front door, may kinuha siya doong itim na notebook. pagkatapos, bumalik siya sa harapan ko at may sinusulat siya sa itim na check book.

"Oh, ayan. tanggapin mo." Iniabot niya saken yung cheke na may nakasulat na halagang one hundred thousand pesos only pagkatapos, may pirma niya. weird pero, nagandahan ako sa penmanship ng lalaking to.

"Ser, hindi ko po kayang tanggapin yan." 

Hinawakan niya ako sa kamay. "Sige na. diba sabi mo kasalanan ko kaya nandirito sa ospital ang tatay mo, kaya heto, kaunting tulong. pag may kulang tawagan mo lang ako," may sinulat siya na numero sa isang maliit na sticky note, "Tawagan mo lang ako jan."

Ayoko talagang tanggapin yung tseke pero, nag-aalala na ako para kay tatay. kahit na hindi ko kasundo gaano yung tatay ko, tatay ko pa din siya.

"Sige na, take it." Sabi ni Edward. nakatitig ito sa akin. 

"Please, Ron." weird pero, kinikilabutan ako everytime na binabanggit niya pangalan ko.

"Utang to ha, Wag kang mag-alala, babayaran ko to sayo. yun nga lang, hindi ko kayang biglaan. Pwede bang hulugan?' Sabi ko. Pero, imbes na sumagot siya, tumawa siya ng malakas.

Nagulat ako sa naging reaksyon niya, for one minute na pinagmamasdan ko kung paano siya tumawa, nawala sa isip ko yung imahe niyang professional at mayaman. kaktwang, nag eenjoy ako panoorin siyang humalakhak.

"Seryoso ka? ginawa mo pa akong bumbay." Tatawa tawa niyang sabi.

"Siguro iniisip mo, Ser na hindi ko to kayang bayran dahil malaking halga ito? pwes, nagkakamali po kayo ser!" medyo napataas na ang boses ko. Nakakapikon to ah!

"No, no, It's not like that," sabi niya habang nagpipigil ng tawa. "alam ko na malakas kang tao Ron, hindi naman kita minamaliit, pero, napatawa mo talaga ako ng sobra!"

"May nakakatawa ba sa sinabi ko Ser?" nakakainsulto kasi yung halakhak niya.

siguro, iniisip nito na porke mahirap lang kami, hindi ko kayang bayaran yung isang daang libo niya. 

"Salamat, Ron. and please, wag mo na akong tawagin Ser, Edward nalang." sabi niya nang humupa na ang halakhak niya.

"Pero, kung gusto mo talagang makabayad, may kondisyon ako sayo." Sabi niya.

Biglang lumiwanag mukha ko, "Ano yon, ser, ah este, Edward pala, sige, kahit ano"

Tumitig ito sa akin. 

"Work for me." 


Daddy (COMPLETED)Where stories live. Discover now