#DEAL

627 21 6
                                    

Copyright © Grace Lang, 2014

 GRACE’S POV

Nganga...

Heto ako matapos magkuwento ni Jonas ng struggles niya.

Ang bakla ang haba pala ng hair, akalain mong binabalikan ng ex. Taray!

Samantalang ako, lahat ng ex boy friend ko dini-deadma na ako, kapag nakasalubong ako parang hindi kami nagkakilala.

Samantalang nung kami pa kung makapulupot parang sawa. Asar di ba!

Well, originally ako naman talaga ang hindi pumapansin sa kanila, bakit pa?

Tsk.. Mga Manloloko!!!

Pero, pinatawad ko na naman ang sarili ko sa ginawa ko sa kanila. At pinatawad ko na rin sila sa ginawa nila sa akin. Hindi lang halata. Chos!

“What will I do Sister?”, ang sabi bigla ni Jonas sabay sipsip sa prapuchino niya.

Halos dalawang oras na kami sa starbucks. Sa oras na ito wala akong ginawa kundi makinig lang sa kanya. This is his moment kaya pinagbigyan ko na.

Kahihinga lang namin galing sa nakakamatay naming deadline sa work e’ sinabakan na niya ako ng struggles niya, hindi pa ako nakakapagpahinga neto a’.

Hindi na raw kasi niya mapigilan. Baka bumigay na raw siya.

Ako naman wala ng masipsip sa prapuchino ko dahil habang nagkuwkuwento siya, todo sipsip ako. Ayun naubos na. Nilalaro ko nalang yung straw.

“Friend, bakit hindi mo na lang kaya balikan? Sayang e’”, ang sabi ko.

Napatingin naman bigla sa akin si Jonas. Tinitignan niya kung seryoso ba ako sa sinabi ko.

“Uy! Babae, ano ka ba? Kakampi ka ba o kaaway?”, ang sabi niya sabay hampas sa akin.

Naniwala naman ang loko. Nagbibiro lang ‘e. Siyempre kakampi ako.

“Ano ka ba joke lang iyon no! Friend, isa lang ang dapat mong gawin e’”

“Sige nga, ano ang dapat kong gawin aber?”

“Sabihin mong hindi ka makikipagbalikan, kasi hindi kayo talo’ gano’n lang iyon! Tapos invite mo sa church, solve ang problema mo!”

“Friend madali lang sabihin yan pero ang hirap niyan gawin, natatakot ako, kasi alam ko na alam niya kung saan ako mahina, ayokong mag-give-in sa temptation friend”, ang worried namang sabi ni Jonas.

“E’ di gayahin mo si Joseph, nung dinedma niya yung asawa ni Potipar yung malandi na yung gumawa ng way para ma corner niya si Joseph, kaso dahil si Joseph ayaw niyang mag-give-in sa temptation, ang ginawa niya tumakbo siya, so, do likewise, huwag mo na lang pansinin, huwag mong replyan, kung kinakailangang magpalit ka ng number, magpalit ka. Deadmahin mo friend.”

“E’ kaso friend...”, ang sabi niya.

“Yan tayo e ’, ang hirap talaga Sa atin, lagi tayong may kaso..., may pero..., may kaya lang..., may pwede bang..., e’ akala ko ba ayaw mong mag-give in? Hindi ba ikaw na rin ang nagsabi alam niya ang kahinaan mo, ibig sabihin kapag kayong dalawa nalang at dinala ka niya sa lugar na walang nakakakita sa inyo, malaki ang posibilidad na mapasakamay ka na naman niya, ang ending mo magui-guilty ka, kaya kung nakikini-kinita mo na ang mangyayari, wala ng pero pero, wala ng kaya lang, itigil mo na agad period.”

# Scandal of GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon