#Party Party!

1.3K 26 2
                                    

Copyright © Grace Lang, 2013

GRACE’S POV

“Hindi ako sasama”

 

As usual eto na naman ang narinig kong sinabi ni Ivan sa amin nina Irene at Jonas nang yayain namin siya na sumama sa amin sa Pady’s Point.

Hindi na ako nagtaka.

Kung hindi magpa-practice ng Praise and Worship, may activity raw sila sa simbahan nila kaya hindi siya makakasama. BV!

Shemai naman wala bang ka-kasala-kasalanan ang taong to.

Nakakairita! Baka lumagpas na siya sa langit.

Hindi na siya naubusan ng activity, fellowship, may small group pa siyang tinatatawag. Peste!

Nakaka-stress lang.

Hindi ko nga siya pinapansin.

Wala akong panahon sa mga banal. Niyaya ko na sina Jonas at Irene.

“Tara na nga bakit kasi niyaya niyo pa si Ivan e may sarili namang lakad yan”. Ako na halatang hindi komportable. Wala akong pakiaalam.

Nagulat na lang ako nang magsalita siya.

“Kayo na lang ang sumama sa akin”

 

Napatingin ako sa kanya. At take note hindi nakaligtas sa akin ang mga ngiti niya.

Naalala niyo naman siguro kung gaano ako natutunaw sa ngiti niya. Nyemas! Dapat hindi ako magpahalata.

“At bakit naman kami sasama saiyo e mag-iinom nga kami”. Ang sabi ko na nagsusungit. Nang maramdaman naman niya yung nire-reject paminsan-minsan. Belat!

“Uy Grace ba’t ganyan ka?” Si Irene na napansin na ang harsh ko. Bakit ba!

“Anong problema sa sinabi ko di ba mag-iinom naman talaga tayo”. Ang maangas ko pang sagot. Bitter bitterr-an lang.

Mas lalo namang ngumiti si Ivan. Nakakainis talaga. Ang malala pa inakbayan pa ako. Pakshet neto ginulat ako.

“A-anong problem mo?” ang nauutal kong sabi.

“Para naman maiba ang ambiance niyo ngayon sumama na kayo sa akin, hindi yung lagi kayong nasa party. Ibang klaseng party naman ang pupuntahan natin.” Siya na ayaw tantanan ang pagkakakbay sa akin. Tunaw na ata ako. Pero hindi pa rin ako nagpatinag.

“Bakit Ivan saan bang party naman tayo pupunta?” Irene.

Ang slow naman netong si Irene. Malamang sa simbahan siguro kami pupunta.

Mas lalo akong matutunaw don e. Asar kasi kating-kati na ako sa chongkie e’

“Party rin siya don’t worry”. Si Ivan na hindi ko alam kung bakit hindi pa rin inaalis yung pagkakaabay sa akin. Yung totoo!

-_____-

“O’ sige sasama kami saiyo Ivan, para naman maiba.” Ang sabi naman ni Jonas sabay hawak sa braso niya.

Whaaaaaat! Bakit kayo pumayag. Anak ng...  naman tong baklang to’ o.

"Hindi ako sasama". Ang sabi ko naman. Aba! paghirapan niya ang pag-OO ko ano! Hehe.

"Sasama rin ako kay Ivan, Grace." Ang sabi naman ni Irene. Inasahan ko nang hindi nila ako sasamahan. Ang galing talaga nilang mga kaibigan.

"Hindi pa rin ako sasama. Ako na lang mag-isa ang pupunta kung ayaw niyo". Ang pagmamatigas ko pa rin. Bahala sila.

"Sumama ka na Grace, minsan lang naman e. Pagbigyan mo na ako". Si Ivan na nakatingin sa akin. Nakangiti at nakaakbay sa akin.

Shet! Ang sarap pakinggan binanggit niya ang pangalan ko... Grace.

"Ha - a- sige na nga. Pasalamat ka malakas ka sa akin". Gumuho ang pride ko sa untouchable na to. Kainis!

Hindi ko akalain na ang lakas din pala ng convincing power netong untouchable na to. Napapayag niya sina Irene at Jonas. At ang pinakamasaklap, napapayag niya rin ako.

Hindi pa siya nakuntento hanggang makasakay kami ng taxi papunta sa venue e inaakbayan niya ako. Yung tototo talaga!

@___@

Ayoko namang alisin, minsan lang naman sabi niya e. Chos!

Paano pa ako makakapagdahilan. Nawala na yung paglalaway ko sa Marlboro dahil napunta na ang atensyon ko sa kanya. Peste!

Dahil akbay niya ako, magkatabi din kami sa upuan

Eto ang ayos namin. Si Jonas sa tabi ng driver. Si Irene, Ivan, at ako sa likod.

 Super awkward sa feeling. Ang heavy!Amoy na amoy ko ang bango niya te’, kung makakatalon lang ako, tumalon na ako sa kilig.

Habang nasa loob kami ng taxi pakiramdam ko naririnig niya ang kabog ng dibdib ko. Ang lakas te. Pakiramdam ko pa nga abot hanggang kay Irene.

“Marami bang gwapong katulad mo sa pupuntahan natin Ivan?”, si Jonas ang nagtanong na nakaupo sa tabi ng driver.

Ang harot talaga ng baklang to. Nakakainis!

Mapapangiti lang naman si Ivan. Hay tunaw na naman si ako. Shemai!

Sa isip-isip ko lang, puro kagaya din niya ang nasa loob ng simbahan nila.Ibig sabihin lahat ng mga lalaki don untouchable. Walang kaligayahan ang peg ko don sa lugar na iyon.

“Malapit na tayo”. Ang narinig kong sabi niya.

Me gulay! Handa na ba akong kumanta ng Lord Patawad Neto? Nyemas!

#PartyParty!

# Scandal of GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon