#KATUKAYO

1K 26 4
                                    

Copyright © Grace Lang, 2013

 

GRACE’S POV

“ONE WAY JESUS!”

Ito ang sigawang bumungad sa amin matapos naming pumasok sa isang pintuan, pagbaba namin sa taxi.

May slum-an pala sa center stage ng pinuntahan namin. Almost youths and professionals ang nandon.  Ang sasaya nilang tignan. Gusto ko ang ginagawa nila Rock n’ Roll... yeah!

^_______^

Nang tumingin ako kay Jonas at Irene, nganga din ang dalawa, hindi rin nila inakala na party nga ang pupuntahan namin. Maraming sumasayaw, mga nagwawala kagaya rin sa Pady’s Point. Maraming nasa mga table at nakukuwentuhan, maraming kumakain at nagtatawanan. 

“Grace mali ka hindi naman church tong pinuntahan natin e”. Si Jonas na parang atat ng makipagsabayang sumayaw din sa mga nasa unahan. If i know mana-nyansing lang siya.

Umismid lang ako. Hindi kaya familiar ang tinugtugtog ng mga nasa stage, lyrics palang pangsimbahan na. One way Jesus kaya ang narinig ko. Wala pa ata akong naririnig ng One Way Jesus sa Padys’, My way meron pa.

“Sikat ba yan?” Ang bulong ko na narinig naman ni Ivan.

“Sikat yan sa mga Christian”, ang sabi niya.

Yung totoo ang lakas lang ng pandinig niya. Ang ingay kaya sa paligid narinig pa niya yung sinabi ko. Napangiti na lang ako. MA at PA. Malay ko at Paki ko. Sabi ko sa isip ko. Hmf!

Dinala kami ni Ivan sa isang table para may maupuan. At bago kami makaupo, napansin kong mukhang masaya at friendly ang mga tao. At karamihan sa kanila halata mong professionals.

Bakit ko nasabing friendly sila?

Eh ikaw ba naman ngitian nila at kamayan pagbungad mo palang sa pintuan ng disco bar e. Oo disco bar, mukha kasing disco bar yung church sa dami ng ilaw at mga table, at may mga bartender pa ha.

“Hi Good evening!” Sabi nung isang babae na wagas kung makangiti sabay kamay sa akin. Nagulat ako dahil bigla niya akong binati. Yung totoo gandang-ganda lang sa akin si ate? Well.

0______________0

Ngumiti naman ako baka sabihin ang suplada ko. Feeling close na rin di ba.

“Hi”. Ako sabay nakipagkamay na rin.

Sa totoo lang muntik ng mangawit ang kamay ko sa dami ng kinamayan at ang panga ko sa dami ng nginitian namin bago makarating sa uupuan namin.

Yung totoo kakandidato ba kami?

>_______<

Ang layo naman kasi ng upuan na pinagdalhan sa amin netong Ivan na ito. At halos lahat ng dinaanan namin kakilala niya. Baka naman siya ang may-ari ng disco bar na ito. O kaya siya ang may pakana ng kalokohang disco bar na ito.

Hanggang sa may isang magandang babae na sumalubong sa amin. Na caught niya ang atensiyon ko... maganda e.

Matangkad, morena, mahaba ang itim na buhok, slim, basta maganda sa paningin ko.

Nakipag beso siya kay Ivan. Naningkit ang mga mata ko.

“Sino tong hukluban na to na bumebeso sa Ivan ko?!” Ang sigaw ko sa utak ko.

“Hi, Dave, sila ba ang invite mo?”  ang sabi niya sabay ngiti sa amin.

“Hi, I’am Grace Dela Cruz, tonight’s coordinator,” ang narinig kong sabi niya. Ano raw nabingi ata ako...

Loading.....

90%...

70%

50%...

20%...

“Hi, I’am Grace De la Cruz....

“Hi, I’am GRACE De la Cruz...

Anak ng tokwa... ano raw pangalan GRACE?! Pota naman magkapangalan pa kami.

Tignan mo nga naman! BV!

Anw, kaya pala maganda.

Pero anak ng teteng, kaya pala bet na bet din tong si Ivan. Pa- Dave Dave pa tong Ivan nato!

“Grace, this is Jonas, Irene, and Grace”. Ang sabi naman ni Ivan na nakangiti. Hindi nakalagpas sa akin ang wagas niyang ngiti sa babaing kaharap namin. Parang napaka-espesyal naman ng trato niya sa Grace na to, kung makatingin ang lagkit. E mas maganda naman ako dito. BV na ako!

>_____<

Yung dalawa todo ngiti lang naman. Si Jonas abala sa pagsulyap-sulyap sa mga alam na... guwapo sa paningin niya.

At si Irene naman ... alam ko na ang nili-lingon-lingon nya kanina pa... pagkain. Kaya lalong nagiging lumba-lumba e.

“Hi Grace”. Ang sabi ni Jonas na feeling close. “Meet our Grace”. Dagdag pa niya sabay akbay sa akin.

“Wow. Katukayo.” Sabay niyakap niya ako. Nakakainis wala akong nagawa kundi yakapin din siya kunwari. BV na talaga ako!

“You are blessed Grace, youre here”, ang sabi niya sabay ngiti sa akin na parang ang tagal tagal na naming magkakilala.

Ang nakakainis pa napakasincere ng pagkakasabi niya. Naiinis ako!

In short siya ang babaeng version ni Ivan. Weird.

Ang saklap lang, kasi bagay sila.

Napangiti nalang din ako.

 Ano ba tong pinasok ko.

#Katukayo

 

# Scandal of GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon