#Ouch! Ansaket!!!

293 26 5
                                    

G.L. Copyright 2015

BASAG!!!!

Heto ako nang maalala ko ang nagsusumigaw na

"WE'LL HAVE A DATE!!!", kagabi sa chat namen ni Ivan.

Sana panaginip nalang lahat. Tulaley ako pagbangon ko.

Lumapit ako sa harap ng salamin nang wala sa sarili.

"E di wow!"

ang gusto ko sanang sabihin sa kanya. Sinaktan niya na naman ng bongga ang puso ko. Grabe siya.

Hindi ko alam kung saan pa ako nakakuha ng lakas sa reply ko sa kanya kagabi.

Amplastik ko.

Papsi grabe ka sa'ken.

Ano kayang pag~uusapan nila kapag nag date na sila?

I smirk. Sira ka Grace. E' ano pa bang pag~uusapan nila, e' di yung tungkol sa kanila.

Nakakainis ka talaga Untouchable. Nakakainis ka talaga!!!!!

Maya~maya nararamdaman ko nalang na umiiyak na naman ako.

Yung totoo? Seryoso na ba talaga ako na gusto ko si Ivan? Hindi nga? Pero paano nga diba?

Papsi, anong gagawin mo ngayon? May date sila, pa'no naman ako?

Hihinga ako ng malalim.

Nakakahiya umiiyak na naman ako nang wala namang dahilan. E' kung sabihin ko na kaya? E' di eeksena naman ako sa love life nilang dalawa ni Gracelyn.

Papsi, ang sakit sakit naman neto. Ito na ba ang parusa ko sa lahat ng pananakit na ginawa ko dati? Grabe, parang di ko kakayanin.

Mapapatingin ako sa sa salamin at makikita ang sarili ko.

"Huh? May gulay!!! Whaaaaatttt????", agad akong mapapalapit sa salamin.

Yung totoo?! Ba't ang laki ng eyebags ko at magang maga ang mata ko? Haist! Untouchable ikaw ang may kasalanan neto. Sinaktan mo na nga ako pinapangit mo pa ako. Kaynis ka talaga!!!! Mapapadyak ako.

"Hindi puwede to' hindi puwedeng pumasok ako ng ganito!"

Agad akong nag~ayos at nagpaganda. Hindi dapat mahalata ni Ivan na apektado ako.

At nag~ayos nga ako ng bongga, sinubukan kong itago sa pamamagitan ng make~up ang pamamaga ng mata ko kaso hindi ata kinaya.

Ayoko ng ngang lokohin ang sarili ko.

Kaya pagpasok ko sa opisina, tulaley pa rin ako. Bahala na!

Pakiramdam ko dinaig ko pa naka~drugs. Napuyat ako kakaiyak nang wala manlang kalaban~laban.

Kasalukuyan na akong nakaharap sa computer ko. Wala akong kinakausap mula ng pumasok ako. Ayokong magdisclose ng pinagdadaanan ko ngayon. Kami nalang ni Papsi ang mag~uusap.

Tahimik lang ako at wala akong ganang magsalita. BH ako inaamin ko. (Broken Hearted) Kailangan ko ng comfort food. Mamaya sisibak ako ng sangkaterbang ice cream pramis!

Maya~maya dadaan si Irene at mapapahinto siya nang makita ako.

"O' Grace! Kanina kapa ba diyan?" ang gulat na sabi nito.

Ako naman tuloy lang sa ginagawa. Hindi ko kayang tignan si Irene. Nakakahiya ang hitsura ko e.

"Oo"
"Himala! Ang tahimik mo hindi kita napansing dumating" ang may himig pang~aasar pa niya.

# Scandal of GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon