#Don't Quit

367 13 7
                                    

Copyright G.L. 2015

GRACE'S POV

"Tinatamad na ako e... ayoko na... hayaan na lang natin sila...gusto ko ng umalis. Pagod na ako."

Eto yung mga salitang ayaw na ayaw kong maririnig na sinasabi sa akin ng kahit sino, kahit tungkol sa anong bagay, kahit saan. Dahil pakiramdam ko kapag naririnig ko na ang mga salitang ito... Ibig sabihin ending na. Period. Bawal na ang coma, minsan bawal na rin gamitin ang question mark.

Sa espiritwal na aspeto naman. Kapag narininig mo na ang salitang to sa isang kristyano, parang nililimatahan na ang pagkilos ng Panginoon sa buhay nila. Will na nila ang kumikilos. Tapos ang nakakatakot pa kapag narinig mo ang mga salitang ito malakas ang possibility na mahahawa ka na. At kapag nangyari yon. Patay ka na.
Anak ng tokwa.

Parang virus to na hindi mo maiiwasan kapag nahawa ka.

Salita palang selfish na. Tunog palang wala ng pag-asa. Tignan mo palang negative na.

Kaya ayoko nito. Dahil gusto ko laging masaya ang nasa paligid ko.

Well, bilang isang taong hindi perpekto, nararamdaman ko rin naman ang tamarin, ang umayaw, at magpabaya paminsan minsan, pero mabilis naman akong magising sa katotohanan.

Ito yung klase ng daan na ayokong tambayan ng matagal dahil baka hindi na ako makabalik sa normal.

Kapag tipong nagsisimula nang humakbang ang paa ko patungo sa katamaran, o kaya naman tinatawag na ako ng pagiging critical thinker ko, sasabihin ko nalang yung isa sa sikat na linya ni Maricel Soriano... "Erase...Erase...Erase"

Tapos makakaya ko na.
Hindi ako laging nagtatagumpay, madalas nga akong talunan pero at least gumagawa ako ng paraan.

Gustong gusto ko kasi yung napipikon ko ang kalaban e.

O kaya naman iisipin ko nalang si Ivan.... Hindi pa ako nabigo sa strategy nato.

Pero kapag nagawa ko na, tinamad na talaga ako, sumuko na talaga ako, nagpabaya na talaga ako... ang tawag na don nag-give-in ako sa temptation.
Panalo si satan. Kaasar 'yon... Ang sarap mag back slide.

E' pano wala akong devotion, wala akong prayer life, wala akong worship life, wala akong fellowship life, at wala akong witnessing, ano pang aasahan mo e di nganga.

Kaunting activity lang na may responsibility ka o trabaho ka, tatamarin ka. Kaunting utos lang ng lider mo o kaya ng boss mo magdadabog ka na. Reklamo ka ng reklamo. Paano walang bakas ng fruit of the Holy Spirit sa buhay mo.

Kaunting fellowship lang o gathering pababayaan mo na lang sila. E' kasi walang ibang laman ang puso mo kundi ang salitang tinatamad ako, ayoko na, bahala na sila, pagod na ako. Lagi naman silang ganon.

At dahil dyan sa attitude na yan... nagce-celebrate ang kaaway. Nagpapahanda ng maraming negative thoughts si satan. Kawawa naman ang mga sumalo. Mas lalong kawawa yung kristyanong walang ginawa kundi saluhin lahat ng binabato ni satan.

Tsk... pansinin mo yung mga taong laging galit, at laging kontrabida, wala ng nakitang tama kundi negative... yon sila yong mga iyon. (siguro nag-iisip ka kung sino sa church niyo ung gano'n ano... Sana naman hindi ikaw to... O kung isa ka man sa.mga ito... Magbago na tayo... Hihi... :))

Bakit hugot na hugot ako ngayon?

Mag-flash back tayo kagabi...
Venue... sa church.
Cast... mga youth liders.
Eksena... naghihimutok sila sa presidente nila.
Reasons... marami. Sindami ng basura sa ilog pasig.

"Nakakatamad na Ate, ayaw ko na talaga e, bahala na siya", ang sabi ni Ric. May padabog dabog effect pa ang batang to.

"Ano bang problema?" ang nagtatakang sabi ko.

# Scandal of GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon