#"Flappy Bird"

971 19 0
                                    

GRACE’S POV

“Ay pu**!”

Anak ng tinapa naman tong flappy bird na’to. Ang sarap ibato ng cellphone dahil hindi ako makaalis-alis sa five. Peste! Sino bang baliw ang gumawa netong larong to’ pati ako nababaliw na tuloy.

Nakakainis laruin pero hindi mo titigilang laruin sa inis mo. Ang sakit sa heart lang.

“Hoy Grace napapamura ka sa sarap dyan a”, ang biglang sambit ni Jonas na napatingin sa akin matapos akong mapamura ng malakas dahil sa pesteng Flappy Bird na’to.  Nasa pantry kami nang sandaling yon’.

Naging aware tuloy ako na ang lakas pala ng boses ko. Doon ko lang narealize na hindi ko na pala dapat sinasabi iyon. Bad mouth!

Mabuti nalang kaming tatlo pa lang nina Jonas at Irene ang nasa loob.  At mabuti na lang wala pa si Ivan kundi patay ako. Ekis ako kapag nagkataon.

“Pasensiya na! Nakakainis kasi tong’ Flappy Bird e! Hindi ako makaalis-alis sa five. Muntanga na ako dito kakapindot at paulit-ulit, kainis lang!”

“Flappy bird pa rin? Sa twitter Flappy bird, sa FB Flappy bird, sa instagram flappy bird, yung totoo? Adik lang...”Jonas.

“Yung totoo, nakakaadik talaga sa inis.” Irene.

“Naku  ang totoo niyan frend pingamumukha ka talagang tanga niyan”. Ang sabi ni Jonas.

“Sus! Akala mo naman siya hindi naglalaro! Trending e” Ako.

“Hindi nga, nung una lang no’ kaso tinigil ko na. Ayoko ng stress te’ nakakapangit. Hindi pa ba sapat ang mga papers sa trabaho natin para mastress? Hay naku! hindi ko na kailangan ng pampadagdag no”.

“A’ ganon’”

Kunsabagay may point tong baklang to sa sinabi niya kaya nanahimik na lang ako. Bahala siya, maglalaro pa rin ako.

Ma at Pa e' sa nag~e~enjoy ako e.

0___________0

Maya-maya ay dumating si Ivan.

 “Good Morning!” ang bati niya sa amin.

Huh??? Anong nakain ng untouchable na ito at parang ang aliwalas ng mukha niya at napakasaya niyang batiin kami. Oo kami, kung ako lang mas okay sana. Hmf!

“Wow Ivan mukhang Good Vibes ka ngayon a”. Ang sabi bigla ni Jonas.

Ako dapat ang magsasabi non eksena naman tong baklang to. Naningkit ang mata ko.

Bv ka talaga Jonas.

“Wala naman, masaya lang akong makita kayo today!”

Huh????? Yung totoo talaga! Weird talaga neto.          

IVAN’S POV

Excited akong pumasok dahil alam ko unti-unti ng magbabago ang ambiance ng office mula nung nagkaroon kami ng evangelistic sa church. Alam kong naweirduhan sa akin ang mga ka-officemate ko dahil hindi naman ako ganito dati.

Gusto ko lang i-express ang joy na nararamdaman ko.

Dahil masaya ako, niyaya ko silang mag-lunch out, treat ko. Mula kasi nung na win sila, parang naka-breakthrough ako. Akala ko kasi hindi ko kayang magshare at mag-win ng souls. Hindi ko kayang mag-invite. Tahimik lang naman kasi ako.

Pero nothing is impossible talaga kay God. Walang introvert o extrovert sa Kanya, kahit sino pwede Niyang gamitin.

Gano’n pala talaga kapag ipinaubaya mo ang lahat kay God. May gagawin talaga siya.

# Scandal of GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon