#Struggle Issue

926 25 5
                                    

Copyright © Grace Lang, 2014

GRACE'S POV

“Grace, I’m struggling Please pray for me”

Ito ang bungad sa akin ni Jonas pagpasok na pagpasok ko sa opisina isang araw ng Lunes.

Ewan ko ba kung anong meron ngayong Lunes. Nag-alarm naman ako, hindi ako nagising in short, late ako. Pagdating ko sa highway hindi ko alam kung may strike ba ang mga jeep at fx dahil wala akong masakyan o sadyang nang-aasar lang si taning.

Matapos kong hingin kay Papsi God na makasakay na ako, nakasakay naman ako. Okay na rin kahit na sa bangkito lang ako nakaupo sa gitna ng dyip at least nakasakay na ako, hindi naman specific ang prayer ko e, sana makaabot on time, hindi na ako nakapag-almusal, hindi na ako masiyadong nakapag-ayos, kasi nagmamadali ako, in short, hindi ko gusto ang hitsura ko.

Uneasy sa pakiramdam maging feeling na ampangit ko ngayong araw na ito.

>___________<

 At nadagdagan pa siya ng panlalagkit ko sa loob ng siksikang dyip dahil sa sobrang init at quote and qoute “TRAFFIC”, takte, may strike nga ata talaga.

Hindi naman laging ganito kahit Lunes.

Pagdating ko sa building as usual elevator stress naman ang kinaharap ko, bakit kaya kung kailan ka nagmamadali, tsaka talaga bumabagal ang lahat, grrr... kaines ang tagal ng elevator, ang sarap ... naku!!!!

At matapos kong maupo sa desk ko, with matching tumutulo tulo pang pawis, eto ang sabak sa akin ni Jonas,

“Grace, I’m struggling please pray for me”

Gusto ko sanang sabihing, “Hey Jonas, can’t you see I’m struggling too”, kaso nung nakita ko ang hitsura niya lumambot naman ang puso ko agad. Seryoso ang bakla.

“Huh? Bakit? Anong problema?”, ang napaayos kong upo. Nawala lahat ng pinagdaanan kong personal emotional struggles bago ako pumasok.

I’ts time to carry another’s burden ang peg ko kaya nakinig ako.

“Hindi ko kasi mapigilan, wis ko yata talaga kaya magbago”

“Huh? Ano bang ibig mong sabihin?”, ang nagtataka kong tanong.

“Tungkol ba yan sa deadline natin? Huwag mo masiyadong intindihin ‘yon matatapos din ‘yon deadline nga e”

“Witit ‘yon friend, ako, ako ang problema, hindi ko kayang magbago, anong gagawin ko?”

With that na gets ko na ang ibig sabihin ni Jonas. Siguro may i-di-ni-date na naman siyang guy, o kaya may nanlalandi na naman sa kanya.

Mula kasi nang mapunta kami sa church at ma-win kami through untouchable, nakita ko rin ang changes kay Jonas, though andon pa rin ang soft sides niya in actions and words, but I’m sure binabago siya ni God.

The fact that his struggling binabago talaga siya ni God.

And speaking of struggle, guilty din ako diyan. Ewan ko ba dito kay Jonas kung bakit sa akin pa nag-ask ng prayer. Pwede namang kay Untouchable nalang.

“Hindi ko to ma –open kay Ivan baka kasi ma-disappoint siya sabi ko kasi na overcome ko na e”, ang sabi pa ni Jonas na tila nahihiya.

Okay sinagot na niya ang tanong ko. No doubt na kung bakit sa akin siya lumapit.

“Friend, bakit kung kailan alam mo na ang totoo, alam mo na ang dapat mong gawin bakit hindi mo magawa, bakit wala kang lakas, bakit mas nanghihina ka? Bakit mas nagkakasala ka? I can’t help it na friend e, bibigay na akes,”

# Scandal of GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon