#Matino Siyang Lalaki

2.1K 33 5
                                    

Copyright © Grace Lang, 2014

GRACE’S POV

Bago ako mapunta sa kumpanyang to four months ago, wala sa diksyunaryo ko ang matinong lalaki.

 

Dahil para sa akin lahat ng lalaki hindi matino. Period.

(Kung may kontra pumunta sa Brgy. Bayad trenta. Angal.)

 

Para mapatunayan ko nag survey pa ako sa mga schoolmate ko noon, akala nila biro-biro lang sa akin.

Matapos akong lokohin ng hinayupak kong jowa. Seryoso ako no!

“Para saiyo pano mo masasabing matino ang isang lalaki?”, tanong ko sa bawat makakasalubong ko.

Ikinahihiya ako ng mga kaibigan ko habang ginagawa ko to. Muntanga daw ako.

Yung totoo?  Ganyan ako ka desididong mapatunayang tama ako.

Heto ang sagot nila:

Guwapo (Anak ng... kapag gwapo matino agad? Well :-))

Hindi nagpapaiyak ng babae (So dapat nagpapatawa, clown ganon’?)

Gentleman (Kapag ba dinadala ang bag ng GF gentleman na agad?)

Mahal ang magulang (Kapag mama’s boy, matino na?)

Nag-e-excel sa school (Nurd ba yan? Shemai!)

Stick to one (stalker lang ganon’? o kaya under)

Not taking for granted (Me ga'non... awtsu boring...)

Mas mahal si God kaysa kahit kanino (Whaaaaat the f***?)

(Kung inaakala niyong Christian ang sumagot nito, TAMA Kayo! Out of 10, isa lang naman siyang sumagot neto.)

Walang ganon, (Haha... kakampi ko tong mga sumagot neto at almost 80% silang sumagot. Tagumpay ako.)

Dahil nagtagumpay ako nagcelebrate ako, at dahil don’ naka move on na ako.

 At ayon sa aking pagtataya at pananaliksik napatunayan ko na wala ngang matinong lalaki, dahil lahat ng mga naunang sagot nila natalbugan ng huli.

At dahil diyan narealized ko, babae ang talagang tanga, babae ang hindi matino. Teorya ko lang naman ito, nag papaka-mala Charles Darwin lang ang peg.

(Alam kong may kokontra dito. Peace sa mga Feminista, teorya lang naman di ba.)

Numero uno sa listahan ng tangang babae

Pangalanan po nating...
Grace Lang.

Pero, 

 

Ang tunay na salarin: Ang matinong lalaki ay Guwapo.

Dahil guwapo ang lalaki, okay lang kahit nagpapaiyak

okay lang kahit hindi gentleman,

okay lang kahit sinusuway ang magulang,

okay lang  kahit ilang beses ng umulit ng high School,

okay lang kahit na may kahating iba,

okay lang kahit pineperahan ka,

okay lang kahit ikaw ang kasama, sa iba nakatingin,

okay lang kahit na hindi mahal ang Diyos,

okay lang kahit masakit, basta ikaw ang GF.

Yung totoo nasa hitsura ba ang basehan ng pagmamahal at hindi ang katinuan? 

# Scandal of GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon