"Hindi kami"

327 16 3
                                    

Copyright 2016

IVAN'S POV

Kasalukuyan akong nasa harap ng study table ko. Katatapos ko lang mag devotion at ngayon hawak ko ang cellphone ko.

Walang pasok at iniisip ko if i'll txt Grace para yayain na siyang mamasyal. Grabe, katatapos ko lang magdevotion pero si Grace ang naiisip ko. Healthy pa ba to God? But you say yes naman hindi ba.

Nakailang type at retype na ako sa message box ko...

Hi Grace Ivan here, mag date na tayo ngayon.. 

ERASE ...

Grace, are you free today? Date na tayo...

ERASE...

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Paano ba magyaya ng date? Parang ang pathetic ko naman na hindi ko alam kung paano.

... si Grace kasi yon e.

Ang ending sumama nalang tuloy ako mag basketball kina Matt. I felt very frustrated sa sarili ko.

Nagyaya ang tropa dahil may mga sariling lakad daw ang mga asawa at girlfriend nila.

Nagpapahinga na kami sa bench matapos ang isang game nang bigla akong tanungin ni Matt tungkol sa love life ko. Siyempre ako lang ang walang lovelife sa kanila kaya expected ko ng aasarin nila ako.

Hindi ako prepared. May kanya kanya kasi silang kwento tungkol sa mga  prinsesa nila sa buhay. Kesyo mapalad sila dahil binigyan sila ng tamang babae.

Ako lang ang bukod tanging walang masabi. Tagapakinig lang. Kaya nga ako ang binu-bully nila. Kulang nalang sabihin nilang may identity crisis ako.

"Alam mo Ivan, maghanap ka na ng mapapangasawa. Baka nakakalimutan mo, hindi ka bumabata, tumatanda ka. Kailan mo balak mag settle down? Kapag uugod ugod ka na", ang sabi ni Matt. Nananakot ata ang kaibigan kong to. Akala mo naman napaka expert.
Palibhasa naghihintay nalang sila ni Donna nang pagbubuntis  nito.

"Oo nga brad. Bakit kasi hindi mo pa ligawan si Gracelyn. Bagay na bagay kayo. Pareho kayong weird." ang sabi naman ni Pat sabay akbay sa akin. Muntik na tuloy akong masamid sa iniinom kong tubig. Weird talaga?

Palibhasa busy sa trabaho tong si Pat hindi tuloy siya updated sa tunay na nararamdaman ko. Ngingiti nalang ako.

"Ano ka ba Pat, huli ka naman sa balita, hindi si Gracelyn ang gusto nitong kaibigan natin. Akala ko nga rin siya e, hindi pala.", ang sabi naman ni Jolo.

Magugulat naman si Pat at mapapatingin sa akin.

"Ha? E sino pala? ", ang sabi niya na may halong pagtataka.

"Si Grace... ", ang sambit naman ni Matt sabay akbay sa akin.

"Ahh,  si Grace. Grabe, huli na talaga ako sa balita. O e bakit hindi mo pa ligawan? Mukha namang type ka ni Grace e. Sa tipo ni Grace madali lang mapasagot yon."

"Wala e, mahina talaga tong manok natin", ang sabi naman ni Kiko.

"Hindi naman sa ganon. Naghihintay lang ako ng right time. Saka hindi magandang isiping madali lang siya mapasagot. Prinsesa pa rin siya ng Diyos kaya dapat pinaghahandaan."

"Walang mangyayari kung puro ka paghahanda. Akina nga, pahiram nga ng cellphone mo",  ang sabi ni Pat sabay kuha sa hawak kong cellphone.

Magugulat ako dahil bigla siyang nag type sa message box at laking gulat ko pa nang kay  Grace niya pala ito ise-send.

# Scandal of GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon