#It's Finished

379 18 7
                                    

Copyright G.L 2015

GRACE'S POV

"Hindi pa tapos ang araw kaya may maganda pang puwedeng mangyari" ang sabi ni Untouchable habang nag~aabang kami ng inorder naming pagkain.

Dinala niya kasi ako sa isang kainan matapos niya akong hilahin at sumakay sa isang taxi.

Napansin niya sigurong bagsak pa rin ang mukha ko nang sandaling 'yon.

Pa'anong hindi e' sobrang ganda ng nangyari sa buong araw ko diba. Ang awkward kasi si Ivan pa ang kasama ko.

Nakakahiya kayang mapahiya sa harap ng ultimate crush mo.

"Pa'no mo naman nasabi yan? E' simula palang ng araw ko di na maganda. Ano pa bang maganda ang puwedeng mangyari?" ang sabi ko sabay nguso at salong~baba.

"Hindi ibig sabihin na pangit nagsimula, pangit na rin magtatapos" ang sabi naman niya.

"Wow, hugot ba 'yon?" ang sabi ko sabay napabuntong~hininga.

Mapapatingin ako sa paligid.

Magugulat ako. Teka bakit ngayon ko lang napansin. Dinala pala ako ni Untouchable sa isang overlooking na kainan.

Mapapalitan ng pagkamangha ang nararamdaman ko. Ang sarap tignan ng mga ilaw sa paligid. Tanaw na tanaw ang mga buildings.

Ang ganda!!!

"Wow, bakit hindi ko nalaman na may ganitong kainan pala rito?" ang sabi ko.

"Nagustuhan mo ba?" ang sabi ni Ivan.

"Ang ganda, hindi ko alam kahit weird ka ang romantic mo pala" ang nakangiti kong sabi saka titignan ko siya na nang~aasar.

May gana pa talaga akong mang~asar neto.

Kaso bigla ko namang maaalala yung girl na yumakap sa kanya nang minsang makita ko siya after ng work, at mapapanguso naman ako at titingin ako sa kanya.

"Teka, pang ilan na ba ako sa mga babaeng dinala mo rito ha?"
ang sabi ko sabay nguso.

"Hmm... ilan na nga ba? Ang totoo, ikaw palang" ang sabi naman niya sabay ngiti.

"Huwag mo nga akong lokohin. Huwag ka ng magsinungaling okay lang naman saki'n." ang sabi ko.

"Hindi ko rin talaga alam na ganito kaganda rito, ngayon lang din naman ako nakapunta rito. Nakita ko lang sa fb kaya naisipan kong subukan" ang sabi niya.

Mapapanguso ako.

Weh, di nga? Seriously?
Ibig sabihin ako talaga ang una? Ayih!!!!

"Hindi ko talaga kasi alam kung sa'n tayo pupunta kanina. Ang balak ko sana ihahatid lang kita sa inyo. Kaso nung umiyak ka na naisip ko samahan muna kita. Nakita ko lang ang kainan na'to kaya naisip ko mukhang relaxing, tamang~tama para maging okay ka"ang sabi pa ni Ivan nang nakangiti.

Kapag na~u~upset kaya si Gracelyn ganito rin kaya ang ginagawa ni Ivan sa kanya Papsi? Haist!!! F na F ko po kasi ang pagiging espesyal ko e. Ayih!!!  Mag~a~asume na ba talaga ako?

"E' di wow! Salamat sa concern a", ang sabi ko. Kunwari di ako kinikilig.

Maya~maya lang  habang nag se~selfie selfie ako, dumating na ang waiter at saka inihain na ang pagkain namin.

Nagpost muna ako sa FB. Gusto kong ipamukha sa mundo na kahit ampanget ng nangyari sa akin... masaya pa rin ako.

"Hindi pa huli maging masaya ang araw ko!"-feeling happy with someone."

# Scandal of GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon