#Wag maging Loyal

55 6 0
                                    

Copyright 2020

GRACE'S POV

"Sa panahon ngayon bibihira na ang mga loyal."

Yan ang sabi ng isa sa mga bago naming officemate. Bago... kasi one week palang siya. Bata pa fresh graduate daw. At fresh din ang pagiging bitter dahil niloko daw siya ng jowawish niya. At kahit bago palang siya ang lakas niya maka f na f. Feeling close talaga.

E bakit ako loyal na loyal naman kay Untouchable! 🤗

"Alam mo bitter ka lang kasi", ang hindi ko namang napigilang sabi.
"Alam mo Ms. Grace, totoo lang ang sinasabi ko. Minsan ka nalang makakatagpo ng loyal na lalaki ano. Kaya nga mabenta ngayon ang mga palabas na may third party kasi ang daming nakakarelate"
"Alam mo Cheska. Hindi lang talaga siya yung tamang tao para sayo kaya ganon"
"Ano ba kasi para sayo ang loyal?" Ang tanong bigla ni Irene.
"Yung ikaw lang sapat na"

Magaling tong si Cheska sumagot a. Parang nakarelate ako ron a. Si Ivan lang sapat na. Loyal pala ako no Papsi.
🤗

"Kaso mukhang hindi ako makakahanap ng ganon",ang dagdag ni Cheska.

Mapapanguso ako, "Alam mo Cheska may mga tao pang ganon. Ipagpray mo lang. Hindi kasi yan basta basta hinahanap."
"Ms.Grace, si Sir.Gavin ba nanliligaw sayo?"

Waaaaatttt??? Mapapatingin ako kay chesca at manlalaki ang mata. Anong sinasabi netong si Cheska. Out of nowhere biglang nagtanong ng ganon. Loyalty pinag-uusapan natin a. Bakit biglang naging si Sir.Gavin?

"Bakit mo naman naitanong Cheska?", Ang tanong ni Irene.
"E kasi kapag nag me meeting tayo ang lagkit ng tingin saiyo ni Sir. Gavin feeling ko bet ka niya Ms.Grace"

Matatawa ako. Hindi ba pwedeng nagagandahan lang sa akin. Isang beses palang naman siya nakasama sa meeting. Pinag-initan nga ako non e tapos magkakagusto sa akin. Lakas ng trip netong bago naming kasama sa opisina.

"Alam mo Chesca may nagmamay-ari ng puso niyang si Grace. Kaya kahit manligaw si Sir. Gavin, hindi papasa"
"O'talaga. Sino Ms.Grace? Kilala ko ba? Sayang naman si Sir.Gavin, siguradong buhay reyna ka sa kanya"

Mapapatingin ako kay Cheska.

Papsi pigilan mo nga ako. Medyo naaalibadbaran na ako sa bibig netong officamate ko e.

"Alam mo Cheska kung gusto mong maging reyna ni Sir. Gavin sige ikaw nalang"

"E kaso nga Ms.Grace ikaw ang gusto"

"Alam mo mabuti pa magtrabaho na tayo"

Loyal nga ako kay Ivan no. BV na ako after ng lunch dahil kay Cheska. Nakakaloka. Hindi na ako nakapagtrabaho ng maayos. Mabuti nalang wala si Ivan sa lunch namin.

Bakit kaya may mga taong nakakaalibadbad no. Yung tipong wala naman siyang ginagawa pero naalibadbaran ka sa prisensya niya. Kailangan ko ng maraming fruit of the Holy spirit. Dapat makapagtanim ng tama.

Natapos ang work sa buong maghapon. As usual kapah busy ang lahat. Tahimik ang buong opisina. Mabuti nalang marami pa rin akong natapos. Papauwi na kami at naghahanda ng umalis.

"Okay, uwian na", mapapansin kong.busy pa si Ivan.

"So ano, Ivan, OT?"
"Oo e,", ang sambit niya na hindi manlang ako tinignan.

Untouchable nakalipstick na kaya ako tumingin ka naman. Hahak.. landi.

"Hay naku,", ang sambit ko naman.

# Scandal of GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon