#Visitation

296 19 1
                                    

"Haist"

Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko.
Kaynis, kanina pa kasi ako nagsusulat kung ano ang qualities na gusto ko sa isang guy. Yung guy na gusto kong hingin kay Papsi.

Bakit kaya ganon? Kung kelan isusulat ko na saka naman hindi ko na alam kung ano talaga ang gusto ko. Patawa lang.

1. Deep Christian (gaya gaya lang kay Donna)
....
....
....

Grr...
lulukutin ko na naman ang ginawa ko... nakakailang lamukos na yata ako ng bond paper, hindi ko pa rin natatapos ang ginagawa ko. Yung totoo, isang ream ba ang kailangan kong maubos bago ako makatapos.  Busy ako sa pagnguso~nguso habang nag~iisip.

Not knowing na nakatingin na pala sa akin si Untouchable. Hindi ko alam kung ga'ano na sya katagal na nakatingin sa akin pero nagulat ako nung nagsalita sya.

"Grace,"ang sabi niya.

Dahil kilala ko ang boses nya. Hindi ako agad nakalingon. Sa halip ay unti-unti akong napatingin sa kanya sabay ngiwi. Narinig ko kasi ang boses nya. Yung pagkslo~mo ko wagas.

"A' bakit?", ang parang inosente kong sabi.
"Okay ka lang ba?, ang tanong naman nya.

Hindi! Hindi ako okay, mukha ba akong okay e' nahihirapan ako kung ano ang isusulat ko. Puwede bang pangalan mo nalang ang isulat ko ha mula number 2 hanggang number 10? tutal ikaw lang naman ang gusto ko e. Wala ng traits na iba. Ikaw lang yung gusto ko, alam mo ba iyon? Kaya hindi ako okay.

Eto ang sigaw ng utak ko na unfortunately hindi ko nasabi.

"Masama ba ang pakiramdam mo? Tsaka ano yang mga lukot na papel na 'yan?"

Akmang titignan sana ni Ivan yung papel ngunit agad akong humarang daan kaya ayun nagkabunggo kame. Nagkauntugan kaming dalawa. Hay dyahe. Megas,... naamoy ko na naman ng bonggang bongga ang katawan nya. Mapapatingin ako sa kanya.

"A~sorry, okay ka lang?" ang sabi nya.
"Okay lang ako, wag mo na akong intindihin personal 'tong ginagawa ko... hehe" ang bigla ko namang sabi sabay ligpit ng kalat ko. Bakit ba kasi nawala sa isip kong katabi ko si Untouchable. Boset ang lakas na naman ng kabog ng dibdib ko.

"Sigurado ka ba?" ang nag~aalala naman nyang sabi.

Uy concern. Untouchable msyado kang pa~fall. Nakakainis ka talaga.
Puwede ba maniwala ka na. Hindi na nga ako mapakali dito kasi katabi at kausap na naman kita e. Kapag sinabi ko bang di ako okay ano namang magagawa mo?

Tatango nalang ako. Speechles ang beauty ko sa pagka~concern netong katabi ko e.

Nagulat naman ako sa bigla nyang ginawa. Nakatingin lang kasi ako sa kanya at hindi nagsasalita. Hinawakan nya kasi ang noo ko sabay tinignan kung may lagnat ba ako. YUNG TOTOO?!

0________0

Nanlaki yung mata ko sa pagtingin sa kanya nung ginawa n'yang 'yon.
Grabe, pakiramdam ko yung pamumula ng mukha ko superdupermegaover na. Bigla akong napalayo sa kanya nagulat kasi ako e. Baka kasi mamaya kapag di ako nakapagpigil mayakap ko nato e.

"Sorry ginulat ba kita, I'm just worried"

Ay hindi mo ako ginulat. You shock me lang. Haist!

"Alam mo okay lang talaga ako."

Titingin sya sa akin, yung tingin na naniniguro.

"Puwede ba? Okay lang talaga ako", ang sabi ko naman naco~conscious na kasi ako e.
"Okay, sinabi mo e"

# Scandal of GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon