#Secret Place

332 21 3
                                    

Copyright G.L. 2015

IRENE'S POV

Sa kabila ng lahat ng mga nangyari. Nang mga narinig ko at nalaman ko; mga reaksyon ko at mga nagawa ko, parang nananaginip pa rin ako.

Kahit sinabi ko pang tanggap ko na lahat. Parang hindi pa rin ako makapaniwala.

May anak si Mike sa ibang babae. Oo meron nga at ilang taon niya itong tinago sa amin ni Justin.
Ang kawawang anak ko walang kamalay~malay.

Habang tumatagal pala, kapag alam mong totoo pala saka mo lang mararamdaman na masakit pala talaga.

Nalaman ko pa kasi na matagal na rin palang alam ng biyenan ko ang tungkol sa anak ni Mike. Matagal na pala kaming mukhang tanga ng anak ko. At kung hindi pa ako nanaginip, hindi ko pa malalaman.

Sinabi ko naman na okay na ako pero yung puso ko, para akong aatakihin sa galit.

Nag~usap kami ni Mike na sasabihin ko kay Justin ang lahat. Ayaw niya nung una, pero nung sinabi ko na ayokong gawin sa anak ko ang ginawa sa niya sa akin, ang sabi niya ako raw ang bahala. Mabuti nalang hindi na siya tumanggi.

Hindi ko pagmumukhaing tanga ang anak ko. May tiwala ako sa pagkilos ng Diyos.

Hindi ako pumasok. Kaya pagkagaling ni Justin sa eskuwelahan, kinausap ko na siya nang sarilinan.

"Anak may sasabihin ako sa'yo, gusto ko makinig ka ha" ang simula ko.

Nasa kuwarto kaming dalawa nang sandaling 'yon.

"Hindi ba ang sabi mo gusto mong magkaro'n ng kapatid?"
"Opo ma, bakit po ma? Buntis ka na po ba? Magkakaro'n napo ako ng kapatid?", ang masaya namang sabi ni Justin.

"Hindi anak, hindi ako buntis, pero may kapatid ka na" ang napipilitan kong sabi.
"E pano po 'yon?"
"Anak siya ng Papa mo anak, pero hindi galing sa akin."

Hindi na ako nag~explain, nakuha na ni Justin ang ibig kong sabihin. Maya~maya lang umiiyak na siya.

"Si Papa po may ibang mahal?" ang kawawang sabi ng anak ko.

Parang nadudurog naman ang puso ko na makitang umiiyak ang anak ko pero ayokong ipakita sa kanya na mahina ako.
Binuksan ko ang computer at ipinakita ang larawan ng kapatid niya.

"Anak, siya ang kapatid mo" ang sabi ko.
"Siguro mas mahal siya ni Papa. Ang saya~saya nila mama o." ang humihikbi pa niyang sabi.

Iiling ako, "Hindi totoo yan anak. Mahal kayo pareho ng papa mo. Kung tutuusin anak, mas mapalad ka kaysa sa kanya"

"Bakit naman po?"
"Alam mo ba na hindi niya laging kasama ang mama niya kasi nasa ibang bansa. Kahit ang papa mo, hindi niya laging nakikita. Ikaw kasama mo kami parati. Sabay pa kayong mag bisekleta ng papa mo kapag Sabado. Siya hindi niya 'yon nararanasan"

"Kawawa naman pala siya mama" ang biglang sambit ni Justin.

Nalungkot ito at maya~maya ay nagsalita.
"Mama, puwede ko po bang ibigay ang mga lumang toys ko sa kanya?"

Pilit akong ngingiti.
"Oo naman anak bakit hindi?"
"Yehey"

Maaliwalas ang mukha ni Justin. Bata pa nga siya. Gano'n kadali niya lang natanggap ang lahat.
Pinagmasdan ko lang siya habang inaayos ang mga laruang gusto niyang ibigay sa kapatid niya hanggang sa makatulog na siya.

Pinagmamasdan ko nalang si Justin habang hinahagod ang ulo niya.

I feel like I want to ask the Lord why these things happened? Pero, alam ko rin naman ang sagot.

# Scandal of GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon