39 - Hearts Unlocked

607 7 2
                                    

Chapter 39

Hearts Unlocked

Matapos ang tanghaling ‘yun ay hindi ko na muling nakita ang taong pinakamamahal ko. Ang hiningi niyang space sa akin ay naging destinasyon ng katinuan ko. Tuluyan na akong naligaw sa kalawakan ng kirot.

‘His presence is my gravity, and now that he’s gone, I’m floating in space going in a direction God knows where.’ I started writing in my diary. ‘The thing that taught me how to trust, the thing that made me hold on to hope, love…it’s gone, Dominick Alcantara Salvador is gone.’

Loving can hurt, loving can hurt sometimes

But it's the only thing that I know

Ang galing ko talaga mag-English kapag may pinaghuhugutan. Sana lang ay tama ang grammar ko. Baka pagtawanan ko na lang ‘to kapag nag-back read na ako. ‘It was a joy swimming in your passionate love. But with just one ‘don’t’, you killed real quick.’

Noong una’y hakbang at tampisaw lamang ang ginawa ko sa dalampasigan. Natuwa ako at nalibang kaya ipinagpatuloy ko ang pagsugod. Masyado na atang malalim ang narating ng aking puso. Hindi ko na namalayang malalim na pala ang kinalulugaran ko ngayon. It would be better if I’m enjoying this ocean of love with you. Pero hindi e, wala ng ‘tayo’, wala ka na.

Don’t’, isang salita pero paulit-ulit ko itong naririnig. Isang linggo ng walang hinto ang pagbulong mo nito sa akin. Masyado mo ba akong pinipigilan? Bakit ayaw mo akong lumaban? Kaya kong maghintay kahit ilang taon pa, ang gusto ko lang naman ay malamang may hinihintay ako.

I can’t let you wait for—maybe—nothing’, ang hirap—masyadong mahirap—ang umasa sa wala. Pero binigyan mo ako ng ‘maybe’ at iyon ang salitang pinagmumulan ng pag-asa sa aking puso.

Katangahan man ang ginagawa ko ngunit batid ko sa sarili ko na ikaw lamang ang kayang ibigin ng aking puso. Ayaw ko pang sumuko, gusto kong paniwalaang may makikita akong rainbow matapos ang bagyong ito.

Went to Batangas, still nothing. Sorry. :(

From: Kuya            Sent: 10:17pm

Sa sobrang pagsisisi ni kuya Mike ay siya ngayon ang sumusuyod sa mga pwedeng puntahan ni Nick.

I stayed here sa bahay nila. Naabisuhan naman ni bes sina mapa regarding what happened. Tumawag lang sila sa akin kanina dahil medyo awkward kung pati silang tatlo ay mag-reunion ngayong araw. Baka hindi ko na kayanin ang isa pang drama.

It’s as if the clock is ticking half its speed. I’m losing sea of tears every hour.

Nak, kumain ka na.” tapik sa akin ni dad.

I’m fine, dad.” pagsisinungaling ko sa kanya.

No, you’re not.

Of course, I’m not. Are you?

I’m not.

Quick exhange of phrases, nothing is fine in this house without the man we love.

Nasaan ka ba, Nick?

Isang matinding while loop ang laman ng program na inilagay niya sa aking utak. Paulit-ulit kong inilalagay ang mga paa ko sa kanyang sapatos. Ramdam ko namang malaking sugat ang natanggap niya sa mga rebelasyong aming narinig.

Hearts UnlockedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon