4 - Awkward

2K 29 8
                                    

Chapter 4

Awkward

Masasabi ko nga bang panaginip lang ito? Kinurot ko pa nang patago ang hita kaliwang hita ko. Totoo ito, nasisiguro ko.

Ang banayad na pagkaluskos ng mga dahon sa mga puno rito, ang tahimik at mabagal na pag-agos ng ilog, ang mayuming pag-ihip ng hangin, lahat iyon ay naglaho sa aking pandinig. Wala man sa paligid, pero parang may construction site na malapit sa amin, patuloy kong naririnig na may nag-didrill ng semento. Ganoon na lamang ang dinig ko sa mabilis na pagtibok ng aking puso.

Maging ang pulso sa aking ulunan ay nararamdaman ko gawa ng pagkakasandal ng ulo ko sa damuhan. Daglian kong iniangat ang aking likuran para makaupo. “Uh, uwi na ako…medyo late na rin.

Nagsilbing tungkod ang kaliwang kamay ko para matulungan ang bigat ko sa pagtayo. Nakatiklop na ang binti ko nang maalala kong hawak nga pala niya ang kabilang kamay ko. Dahan-dahan siyang bumitaw sa aking kamay na para bang nawalan na ng bisa ang pandikit na pumapalibot sa aming mga palad.

Agad-agad?” Nagpahayag naman ng malungkot na tono ang kanina lamang ay punong-puno ng mga Ingles na notang sabik sa aking sagot. Nanahimik na lang ako at maghihintay na lamang sa susunod niyang sasabihin. “Hatid na kita best.

BEST? Bakit ‘best’? Akala ko ba manliligaw ko na siya ngayon? Naman eh. Sariwa at sampung kilong tuna na nga, naging delata agad?

Tumayo na rin siya at humarap sa akin. Gusto kong umiwas ng tingin pero sadyang natunaw na ako sa sandaling nagtagpo ang aming mga mata. “Best pa rin kita. Best friends tayo at gagawin ko ang lahat para maging best couple tayo someday.” Wala na akong magagawa. Inanod na ng ilog ang susi sa kulungang ito. Kailangan ko na lamang mag-evaporate upang makalipad na at makatakas sa sangkatutak na kilig na dulot ni Romeo.

Lumunok muna ako bago tumango nang nakayuko sa kanya. Nagsiatrasan lahat ng salita kaya wala ni isang pantig ang nautal ng aking bibig.

Hintayin mo naman ako!” Kanina pa ata siya sumisigaw na hintayin ko pero napabilis ako ng paglalakad. Nasa ibabaw na ata na ako ng ulap at tuluyang nag-evaporate na. Nanigas na ang aking mga balikat at pilit na pinipigilan na huwag tumalon-talon habang naglalakad palayo sa kanya.

Ngiting-ngiti ako habang nakatutok ang mga mata ko sa malayo. Pati ang puso ko naglilibang na sa playground, hindi alam kung mag-islide ba ng pahiga o padapa o kaya naman ay maupo sa kabilang dulo ng seesaw dahil ganoon na lamang ang pagtaas at pagbaba na nararamdaman nito ngayon.

Hinablot niya ang aking siko at narinig ko ang kaunting paghabol niya sa kanyang hininga. “Caroline! Magsalita ka naman.” Teka lang kasi! Kinikilig pa ako! Kailangan ko na atang bumalik sa grade one para mabasa ko ang naghalu-halong salita sa isipan ko.

Langit, panaginip, oras, kilig, romantic, sweet, prinsipe, manliligaw, dream come true, gwapo, baliw, siraulo, ano bang dapat kong sabihin? Positive ba dapat o negative? Sasabihin ko bang huwag na lang niya ako ihatid dahil may mga paa naman ako at baka manlumo lang ang mga tuhod ko sa kilig kapag hinatid niya pa ako.

HUY!?

Wait nga eh! Kinikilig pa!” Napahampas ang dalawang kamay ko sa aking bibig. Hala naman eh. Bakit ko sinabi ‘yun?? Sobra naman kasi siya kung makapanggulat, may kasamang padyak at palakpak pa sa mukha ko.

Ha?” Ngiting-ngiti naman ang loko. Wss. Nadulas lang ako eh. Hays. Nakakahiya, tumatawa na siya. “Kinikilig ka sa’kin?

Sumigaw ako ng pagtanggi, “HINDI AH!” Lagot. Kitang-kita kong tumalsik ang laway ko sa pisngi niya. Ay grabe, nakakahiya! Parang gusto ko ng mahimatay sa kahihiyan. Ang epic fail naman oh! “Sorry.

Hearts UnlockedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon