24 - Hearts Break

862 10 1
                                    

// Please...henge pong comments if you like the chaps. hihi. salamat po! ^__^

Chapter 24

Hearts Break

Nagising ako sa alarm ng phone ko. 7am. Since makalimutan ko ang 1st monthsary namin, feeling ko napaka-unthoughtful kong boyfriend kaya lahat inaasa ko sa alarm. Madali lang naman ako masanay. Mga ilang buwan lang siguro hindi ko na makakalimutan ang mga bagay-bagay.

Good morning love.” Kahit nakapikit at inaantok pa, ramdam kong umangat ng bahagya ang aking mga labi nang marinig ko ang boses niyang bumati sa akin. “I love you Cee.

Dalawang mensahe ang pinagpapalitan naming dalawa tuwing umaga. Pagkatapos kong marinig ang tugon niya, binaba ko na. Alam na niya ‘yun. Gusto kong boses niya ang unang maririnig ko bago magsimula ang panibagong araw ng buhay ko.

9:30 na pala, nakatulog ulit ako after ng morning call ko kay Cee. Kinuha ko ang phone ko katabi ng puting night lamp na nakapatong sa isang side table na gawa sa kahoy.

1 New Message from Mike

911. Dad wants me to accompany him tonight. I can’t come. May meeting ako eh. Please cover for me?

From: Mike           Received: 7:58am

No ‘xx’ nor ‘ily,’ walang bahid ng kalandian means he’s serious. Tsk. Kainis naman. May date kami mamaya ni Caroline eh! Kainis. Alam ko namanng ayaw niya lang talaga sumasama kay dad. Pasalamat siya at nakikiride ako sa kalokohan niya. Wala naman akong magagawa dahil malaki rin ang utang na loob ko sa kanya.

Matapos kong mag-reply sa kanya, I had to re-arrange my—our sched.

Pre, mukhang effective ‘yung naisip mong pakulo.” Kasalukuyang nag-cucurl ups ako nang lumabas si Matt ng banyo. “Thanks nga pala sa ipapahiram mong motor ha.

Sa totoo lang, ideya niya ‘yun kaunti lang ang naitulong ko. Ayaw niya lang kunin ang credit dahil gusto niya pa atang panindigan na siya ang hari ng katorpehan. Ang sarap kutusan.

Anyway, pinakiusapan kasi namin ‘yung British guy sa kabilang room na kunin ‘yung IM  ni Kate. Ang buong akala ni Kate, she’s chatting with that guy pero si Matt talaga ang ka-chat niya. “What if you do it tonight? Bigla kasing nag-text si kuya, he needs me raw. May dinner reservation kami ni Caroline, you can have it for tonight.

Wow! Pre, isn’t it too much?

Just don’t ask questions.” Sabi ko tutulungan ko siya pero he shall not ask me questions like saan ko nakuha ang motor at mamaya, malalaman niyang sa isang mamahaling restaurant sila kakain. “Consider it as a gift. Sigurado naman akong ‘yes’ ang makukuha mong sagot mamaya.

Salamat! Sana nga.” Sabagay, mukhang naka-move on na rin naman na si Kate kay Daryl. Matagal-tagal na rin naman kasi ‘yun at lagi namang magkasama sa gala ‘tong si Matt at Kate. Confident din akong they’ll be a good couple.

Matapos kong kumain ng cereal cookies for breakfast, pumunta ako agad dito sa room nila Cee. I’m hugging her from her side while she’s using her laptop. Mabilis kong binigyan siya ng tatlong halik mula sa balikat patungo sa kanyang tenga. Her scent is addicting.

Nakikiliti ako…sira ka talaga.” She giggles at inilayo niya ang mukha ko sa kanya.

I kiss her shoulder again. “Bawal bang maglambing sa love ko?

Hearts UnlockedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon