30 - Mutual Feelings

609 9 1
                                    

Chapter 30

Mutual Feelings

 

 

Mahigit isang oras din akong umiyak matapos lumabas ng kwarto ko sila mama at papa. Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para pahintuin ang tuloy-tuloy na pag-agos ng mga luha ko sa aking mga pisngi. Kung anu-ano na lamang ang inisip ko hanggang sa nahulma kong maging bato ang puso ko.

Wala na ngang boyfriend, wala pang ama. Anong plano Mo, Lord? Hindi Kita maintindihan. Pero kahit ganito, hinding-hindi ako bibitaw sa’Yo sa pagsubok na ito.

Habang naghahapunan kaming tatlo, sinubukan kong magkwento tungkol sa mga nangyari sa amin sa London para lang mabasag ang katahimikan. Pero napahinto ako nang banggitin ko ang pangalan niya…ni Dominick.

Anak?” tanong ni mama.

Hindi ko alam kung para saan ang patak ng luha ko, para sa nawalay kong boyfriend o para sa taong tinawag akong ‘aksidente’?

We’re in a not so good situation, ma. Tsaka na lang po ako magkukwento kapag okay na ako. Please give me some time. I’m still absorbing everything that happened in our last day there. Please understand me.” Tumango naman silang dalawa sa sinabi ko.

Whenever you’re ready, princess.” Yes, pa, ikaw pa rin ang hari ng buhay ko kahit pa…kahit pa…

Another tear fell at that thought. Ang sakit. Ang sakit.

Kate, I need you now.

Iniligpit ko lang ang pinagkainan ko at bumalik na muli sa kwarto. Knowing Kate is having a great family bonding right now, h umiga na lamang ako at tumulala sa kisame. Ayaw kong masira ‘yun dahil sa drama ng buhay ko ngayon.

 

Nasa kalagitnaan ako ng masaya kong panaginip nang may biglang may narinig akong kumakatok sa aking bintana. Gusto ko pa sanang ipagpatuloy ang panaginip ko dahil doo’y magkasama na kaming muli ni Nick pero kailangan kong itatak sa isip ko na tiisin at tanggapin na lamang ang katotohanan.

Binuksan ko ang ilaw at dahan-dahan kong hinawi ang kurtina ng binta ko. Buong pagtataka ko sa aking nakita. “Matt??

Napalingon tuloy ako sa wall clock ko, pasado alas dos na ng madaling araw. Dali-dali kong binuksan ang bintana dahil halatang nanginginig na siya. Basang-basa siya ng ulan, maroon na tuloy ang kulay ng pulang buhok niya. At mukhang kanina pa siya kumakatok sa bintana ko’t natuyuan na.

Pasensya ka na Cee.“ nanginginig na binulong ni Matt sa akin nang yapusin niya ako.

Anong ginagawa mo dito? Alas dos na, saan ka ba galing? Hindi ka ba hahanapin sa inyo?” Hindi ako maaaring magkamali, alcohol ang naaamoy kong umaalingasaw sa basang polo niya.

Sa amin?! Ha-ha-ha,” pabiro niyang tawa na naka-monotone. May mali e, ngayon ko lang siya  nakitanag ganito…ganito kawasak.

Shh, tulog na sila. Ano bang problema?” pabulong kong sinabi.

Wala naman akong kakilala sa mundong ‘to. Alam mo ba ‘yun?” Gulong-gulo na ako sa mga sinasabi niya.

Gusto ko sanang magbiro ngunit ang higpit ng yakap niya sa akin at mukhang seryoso ang pinupunto niya.

Kumalas siya sa akin at matalim niyang sinabing, “For seventeen years of my life living sa bahay na ‘yun, ngayon ko pa malalaman? Eh tang na juice pala sila eh!

Hearts UnlockedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon