22 - Brother's Gift

823 15 8
                                    

Chapter 22

Brother’s Gift

Ang ngiti niya, sobrang effortless. Ramdam kong masaya siya ngayon and I’m very glad that she is. Ang gusto ko lang naman talagang mangyari ay maging masaya siya for her birthday. Mabuti na lang talaga at on time ang gift sa akin ni mom. Thanks mom!

Masyado ng nagpapapansin si kuya sa may gilild. Fine, I will introduce you. “Guys, my big brother, Michael.”

“But you can call me Mike. Kaibigan ko na rin ang mga kaibigan ng kapatid ko.” He flashes a smile.

“Wow! Lahi ata kayo ng mga gwapo Nick. Palahi naman kuya!” Hala siya.

Okay, okay. Ayan na ang babaero smile ni kuya. Halos lahat ng nginitian niya ng ganyan nahuhumaling sa kanya. Kate is smart, she won’t fall for that. “Kuyaaaa! PA-PICTURE NAMAAAAN PLEEEASSSE??” Tsk. Kasasabi ko lang eh.

“Sure, ms. Beautiful.” Na-sesense kong malapit na sumabog ang iris ni Matt. Yeah, right, I can see his eyes on fire. Kulang na lang mag-super saiyan siya ngayon sabay kame hame wave sa mukha ng kuya ko.

Successful naman ang pagpapa-picture ni Kate sa kanya. Successful din ang pagkulo ng dugo ni Matt kaya sinabi niyang may kukunin lang siya sa kotse. “Samahan na kita Matt.”

Nang makalayo na kami ng onti sa villa, “chill pre!”

“Tsk! Paanong chill? Kumukulo na nga dugo ko eh, pwede na ngang magluto ng noodles dito sa ulo ko! Kainis.” Pasigaw niyang sabi.

“Hindi naman niya kilala si kuya. Alam mo naman si Kate kapag kinikilig…panandaliang kilig lang ‘yun. Huwag ka masyadong seloso.”

“Will I be too selfish kung ayaw ko siyang pinapakilig ng ibang lalaki?” tanong niya habang ibinababa ang mga bag galing sa trunk ng kotse.

“Natural lang ‘yan, I feel the same way kay Cee. Bakit ba kasi hindi ka pa magtapat sa kanya?” Matagal bago siya nakasagot.

“I’m not sure if she already moved on completely. I respect her, you know that. Kaya kong maghintay gaano pa man katagal.” A true martyr eh?

“Paano mo  nga malalaman kung hindi mo naman siya tinatanong?” Hindi siya makasagot. Siya na ata ang pinakatorpeng lalaking kilala ko. “Eh ‘di daanin mo sa biro, doon ka naman magaling eh. Wala namang mawawala ‘di ba?”

“Iyun nga eh!” Binagsak niya ‘yung hawak niyang dalawang bag sa magkabilang kamay niya. Ano ba kasalanan  nung bag? “I’m afraid of what her answer would be.”

“Kaya naman pala. Pre, I can assure you have 90% chance. I can see it in Kate’s eyes. Napapansin kong masaya siya palagi kapag nangungulit ka o nagpapatawa.”

“Sure?”

“Jesus Christ, Matt! Just ask her, period.” Nakabalik na rin kami sa villa.

Matapos naming maghapunan, inubos namin ang oras sa kwentuhan at kulitan hanggang sa nagkayayaang mag-movie marathon. Dalawa rin ang napanood namin, White Chicks at The Hobbit.

Super laugh trip namin sa White Chicks habang nakatulugan ng mga girls ‘yung The Hobbit. Maganda naman ‘yung movie, napagod siguro sa biyahe. Binuhat ko si Caroline habang si Matt naman kay Kate at inihiga na rin namin sila sa kama.

Nakakatuwa dahil madaling naging palagay ang loob nilang lahat kay kuya Mike. Unang sumuko si kuya Dan pero ilang saglit pa at sumunod na rin sa Matt. Magkasundo naman sila ni kuya, ang totoo niyan sinabi pa niya na tanungin lang siya kung kailangan niya na ng da moves.

Hearts UnlockedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon