BlueRigel's Message

783 13 3
                                    

About the Ending

I have planned a different ending. 'Yung nabasa niyo pong ending ay nag-pop na lang bigla sa utak ko noong isinusulat ko na 'yang huling chapter. Happy ending 'yung nasa outline ko and I already know what shall happen, paano babalik si Nick and all. But I believe God has led me to this ending dahil may gusto Siyang iparating sa mga magbabasa ng Hearts Unlocked. Ito pong talent na ibinigay sa akin ni Lord ay gusto ko lang po i-share sa inyo through writing. Hindi naman siguro biglang bibisita 'yung panibagong plot ng ending sa isip ko kung walang purpose si God doon. I, myself, find this tragic ending inspiring. 'Yung tipong basag na basag ka na nga, signal number 8 na 'yung bagyo pero babangon at babangon ka pa rin dahil mas gugustuhin mong ipagpatuloy ang buhay kaysa manatili sa bagyong 'yun. Malungkot man pero sana na-inspire po kayo. :")

About the Title

This book didn't have a catchy title. Natanong ko na rin sa sarili ko, "Bakit ba hindi something appealing sa readers 'yung ipinangalan ko sa book?" I wasn't looking for fame, I wanted the title to be very meaningful sa story. "Hearts Unlocked" because as the story goes on, unti-unting nabubuksan 'yung bawat story ng characters, sina Dan, Kate, Matt. I wanted to expand the story, hindi lang puso ng NickLine ang mabubuksan. At 'yung tipong may makuha sana na lesson in life 'yung makakabasa nito. It doesn't matter if this book stops at 20k reads, I don't care about the number of reads -- I care about the readers. Super happy na ako doon sa kung ilan man ang nakabasa nito at na-inspire sa story nila Caroline, Nick, at ang buong PF. Though I will try to spread the word sa social network para naman may makabasa pa but I won't expect too much. Hayaan ko na lang si God mag-lead ng mga tao sa story na ito. :D

--

Maraming-maraming salamat po sa pagbabasa ng Hearts Unlocked! Kahit hindi pa revised 'yung bandang una, pinagtyagaan niyo pa rin basahin hanggang dulo. Kahit pa inabot ng dalawang taon bago ko matapos, hinintay niyo pa rin. XD Thank you po talaga. Sana kinilig, naiyak, o napangiti po kayo ng HU. <3

--

All glory to God! <3 :D

Hearts UnlockedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon