8 - Hang Out, Hung Up

1.1K 22 1
                                    

Chapter 8

Hang Out, Hung Up

Bagay na bagay sa kanya ang suot niyang white long sleeves slim shirt na may black lines sa gilid na parang border mismo nung damit. Itinaas niya ang manggas kaya nagmukhang three fourths ang suot niya. Ang simple lang ng pagterno niya ng upper garment niya sa black maong pants na medyo may pagka-skinny jeans. Ansaveh ng leather shoes niya, may binyag ba?

Eh ako? Haggard na haggard sa suot kong teal blue na three fourths blouse at brown skinny jeans with my blue doll shoes. Ikaw ba naman manggaling sa school maghapon at bumyahe ng malayo? Eh siya...ang fresh-fresh ng mukha at pananamit niya. Parang siya pa nga 'yung nanggaling sa abroad...oo nga pala, ano nga ulit? Nag-aaral kuya niya sa abroad??

Gusto ko na sana siya tanungin pero mukhang hindi pa right time.

Andito na kami sa pizza hut.

“Table for two, please.”

“This way sir.” Dito kami malapit sa bintana itinuro nung waitress.

Inatras pa talaga ni Nick ‘yung upuan at tsaka niya ako pinaupo. How sweet. Wop! Huwag ganyan Cee. Kailangan niya pa munang magpaliwanag, don't forget that!

Inabot na sa amin ang menu...blah blah blah, ang daming sinabi ni ate. In fairness, napaka-friendly ng approach niya. Two thumbs up!

“Two orders of cream of chicken.”

“Uhm, miss, make the other order cream of mushroom.” Tinitignan ko ng medyo pang-asar na face si Nick. Paramdam ba. Naiinip na ako sa paliwanag niya.

“Okay, akala ko ba fav–“

“Maiba naman, iyon na lang lagi kong inoorder dito. I just love your restaurant.” Nginitian ko si ate sabay simangot ko kay Nick. Matakot ka…awooo!

“Okay, and lasagna classico.”

“And fettucine a la king.” Dali Cee, ngiting pangkontrabida! Sorry ate. Hindi na niya ata alam kung ano isusulat niya.

“Drinks, sir? Ma’am?” Nakatingin sa akin si Nick na parang hinihintay akong magsalita. Ang bad na siguro ng dating ko? Napapahiya na siya but he’s still smiling kay ate.

“Two glasses of iced tea.” Ako na lang sumagot, at ayaw ko na rin namang barahin pa siya.

Umalis na si ateng maganda at sa wakas, maririnig ko na ang paliwanag niya. Paglihiman ba raw ang PF? ‘How dare you Mr. Alcantara!’ Sa tono ni sir Garcia…

Ehh? Bakit ayaw niya pang magsalita…? Hindi ko alam saan ako titingin. Hawak sa baso, inom konti, tingin sa may bintana, hindi ko na alam. Break the silence Cee!

“I had to do that.” Gusto ko ng mag-sorry, ni hindi siya makatingin sa akin.

“I understand.” Hinawakan niya lang ‘yung table knife at binaba. Whew! Akala ko naman…chos! Dumating na ‘yung soup namin.

“Pinaplano ko naman na talagang sabihin sa'yo kaso...” hala! Pinagpapawisan siya, ano ba kasing meron?

“Kaso?” Paiwas kong tingin na tinanong sa kanya.

“Ang totoo, hindi ko inaasahang dadating ngayon si kuya. Nabigla rin ako. Ang alam ko next week pa uwi niya. Kaya ang pinakabalak ko is I’ll invite PF sa Fairview to meet him, and finally for me to show you a little more about me.”

“Eh bakit kinailangan mo pang isekreto sa amin na may kapatid ka? Any big deal?” Wait, ang taklesa ko ata. “I mean, is there any problem?”

Isang malutong na “yes” ang sinagot niya sa akin. Lalo ata akong kinabahan.

Hearts UnlockedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon