26 - Masquerade

742 15 3
                                    

Chapter 26

Masquerade

My first meeting with Andrew didn’t go well. Ni hindi ako nakasagot sa mga huling sinabi niya matapos niya akong bitawan at pumasok ng appartment. Nakaramdam ako ng takot na baka mapanindigan niya ‘yung banta niya sa akin—na aagawin niya si Cee. Kailangan kong magtiwala kay Caroline. Alam kong mahal niya rin ako. Kailangan ko lang ayusin ang gusot na ginawa ko.

Para bang may gerang magaganap sa pagitan naming dalawa. Ngunit hindi ko siya kinukunsiderang kakumpitensiya sa puso ni Caroline. Kapag inisip ko iyon, parang sinabi ko na ring isang premyo lang si Caroline and she’s way more than that.

Naisip kong kailangan din ni Caroline na mag-isip kaya hindi muna ako bumalik sa hotel o kaya nama’y hanapin siya. Pati na rin ang pagpapakita sa PF, iniwasan ko rin.

Masyadong madrama at intense ang mga pangyayari kahapon kaya pinayuhan ako ni kuya na magpalamig muna ng ulo bago ko kausapin si Caroline. Mahirap nga namang pairalin ko ang emosyon ko sa harap niya at baka may masabi pa akong mali. Sa tuwing pangungunahan ako ng emosyon, karaniwan pangit ang naidudulot. Katulad na lamang noong bigla kong nasuntok si kuya Dan dahil lang kino-comfort siya ni Cee.

At nang dahil sa payo niyang iyon, napilit niya akong samahan siya sa masquerade ball na hinost ng S’VEN Corporation. Sinabi rin ni kuya na may ipapakilala siya sa akin. Ang taong nagtulak sa kanyang magkaroon ng interest sa business.

Haaayy…kung anong elegante ng moderen ball na ito ay siya namang kay hirap ng nararamdaman ko sa tuwing iisipin ko si Caroline. Mahal na mahal ko siya at paniguradong mawawalan ng kulay ang mundo ko sa oras na tuluyan siyang mawala sa akin.

Bro, don’t think too much. Baka pati ‘yung baso mo matunaw.” Umupo sa tabi ko si kuya at umorder ng brandy sa bartender dito sa maliit na bar ng venue. Nakatitig lang ako sa isang old fashioned glass. Whiskey on the rocks anf inorder ko kanina pero wala ng mga yelo sa baso ko. Nawala na iyon marahil sa ilang minutong pagkakahawak ko dito. Mga dalawang beses lang ako uminom ngunit ngayon parang hindi nabawasan. Kulay dilaw na ngayon ang kulay ng likidong nasa baso, kanina lang ay medium shade of brown. Malamang dahil iyon sa natunaw na yelo.

Come on.” Niyaya niya akong maglakad-lakad na akala mo sanay siya sa mga ganitong okasyon. He looks sharp in a Brioni Tux with a silk narrow necktie and a red mask. Masaya siyang nagsusuot ng ganung kamahal na tuxedo kapag may events. Muntik na nga niya akong pabilihin sa brand na ‘yun pero tama na itong Calvin Klein Tux sa akin.

My not so distant future partner has arrive.” Sinundan ko naman ang direksyon ng kanyang mga mata. Ngumuso pa siya para siguraduhing iyon ngang tinutukoy niya ang nakikita ko. Isang matipunong lalaki na nakaitim na maskara. “Gideon Jimenez, CEO of Autohub Company.

Sa postura at taas ng kasama niyang babae, hula ko model iyon. Nakasukbit ang braso nung babae sa sinasabing Gideon ni kuya, siguro girlfriend niya. Hayyss, Caroline.

Smile bro. You wouldn’t like me to lose this deal, right?” Binigyan ko siya ng pekeng ngiti at pilit tinanggal ang malamyang emosyon sa aking mukha.

Itinaas naman ni kuya ang kanyang kamay para senyasan sila. Agad naman siyang nakita at habang papalapit sila ipinaliwanag ni kuya na nakilala niya si Gideon sa isang car racing event sa Pinas. Kagulat-gulat na si kuya pa ang nakiusap kay dad na magkaroon ng partnership between Autohub Company’s second branch dito sa London. Kapalit nun, si kuya ang naatasang makipag-close ng deal.

Hearts UnlockedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon