Kabanata 28

38.6K 2.1K 445
                                    

Kabanata 28.

Flare

Nagising na lang ako dahil sa tama ng sikat ng araw sa mukha ko. When I opened my eyes, my world spinned in 360 degrees. Napahawak ako sa ulo ko habang inaalala kung ano ang nangyari kagabi nang malasing ako.

Memories started gushing through my mind like a vivid picture. Naalala ko lahat ng kabalastugang ginawa ko. Dahan-dahan akong bumangon sa higaan ko't saka ko lang napansin na narito pa rin pala ako sa munting kubo na tinitirhan ko noon.

After what Leri told me last night, I passed out. Sabihin na nating tinamaan na talaga ako ng alak ng panahong 'yon at sumuko na ang katawan ko. Naalala ko na naman ang sinabi niya pero iniling ko na lang ang ulo ko.

That was so absurd.

Tumayo ako mula sa higaan ko't inikot ang tingin ko. She's not here. Maybe she went back to the Institute, or in the palace. Panigurado naman kasi na hindi 'yon matutulog dito. She's a princess, and she's way too fancy all right.

Lumabas ako ng pinto't nag-unat. Kamot-kamot ko ang leeg ko habang patungo sa balon kung saan kadalasang pinagkukuhanan ng tubig ng mga tao rito. Pagkatapos kong makakuha ng tubig ay pinanghilamos ko ito't pinangmumumog bago maglakad patungong gubat.

I'm not in the mood to go back to the Institute just yet. Siguro'y dadalawin ko muna si Yael. Lalo na't sinabi sa akin ni Head Master Dan parang nitong mga nakaraang araw  ay wala ito sa kaniyang sarili.

Habang naglalakad ako ay hindi ko maiwasang isipin ang sinabi sa akin ni Leri. No matter how hard I'll try to ignore it and shake it off, it just wouldn't. It's true that I had it since I was young, that's what my foster mother told me. It was the only key to know who I am and what I am.

"This is a Fire Opal, Flare. The gem that symbolizes you are a member of a royal family."

I laughed. Being a royalty is the least thing I wish I would be. Kontento na naman ako kung ano ang mayroon ako at kung ano ang katayuan ko sa buhay.

Pagkatapos ng ilang minutong paglalakad ay narating ko ang Green Lake. Looks like he's not here. Nagkibit-balikat na lang ako. Maybe he's in the cave, sleeping or resting or whatever he's doing.

I was about to take off my upper clothing when I heard someone clearing his throat. Awtomatikong napalingon ako sa pinanggalingan no'n at nakita ko siyang namumula ang tainga habang nag-iiwas ng tingin sa akin. Bahagya akong natawa sa isip ko.

"I told you look around first before taking your clothes off." Hindi ko na naituloy ang paghubad ng pang-itaas kong kasuotan at nilapitan na lang siya habang may mapanuksong ngiti sa labi.

"Are you blushing?" Mabilis itong umiling-iling kaya natawa na talaga ako. When he heard me laugh he stilled as he look at me.

"What?"

"You look more radiant when you laugh." Sinuntok ko siya sa sikmura kaya napaubo siya. Nalakasan ko yata.

"Why you-" Umakto akong nagulat.

"Oh, I'm sorry, Your Highness." I slightly bowed my head. Nahuli ko ang pagtaas ng sulok ng labi niya't ang marahan niyang pag-iling.

"No harm done, my princess." Natigilan ako sa sinabi niya.

"This is a Fire Opal, Flare. The gem that symbolizes you are a member of a royal family."

"Princess, huh." Naglakad ako patungo sa lawa. Umupo ako sa isang tabi't nilaro-laro ang paa ko sa malamig nitong tubig. Naramdaman kong umupo rin siya sa tabi ko't ginaya ang ginagawa ko.

Elysian Tale: Flare of FrostWhere stories live. Discover now