Kabanata 39

36.3K 1.7K 551
                                    


Phairro

My eyes gaped looking at the huge wall of the Gravil Continent gates. Tila ba wala iyong katupusan at hanggang kalangitan iyon kung titingnan. The walls are made of sedimentary rocks, and there areola vines crawling on its walls. Those vines are not just what it is, they are full of poisonous thorns that no one knows what would happen if it pricked you.

"So any plans?" Napakamot ako ng batok sa naging tanong ni West.

"How are we gonna break through this shit?" Asik ni East. He seemed irritated. Napalingon ako sa mga kasamahan kong halatang nag-iisip din kung paano kami makakapasok dahil sa nagtataasang harang.

The walls are thick, and we can try to freeze it and break through it, but I'm not so sure if it will work out. "Let's try to freeze the wall, and break it." Nagsitanguan naman ang mga ito. They began lining up in front of the wall. Sabay-sabay naming inangat ang aming mga kamay at kinumpas ito.

Kulay asul na liwanag ang lumabas sa aming mga kamay habang nakatutok ito sa harang na gawa sa bato. As soon as our blue energy hit the walls, ice started to crawl up, covering it. Tumatagal nang tumatagal ay lumalawak nang lumalawak ang parte ng harang na binabalot ng yelo.

Naikurap ko ang mga mata ko nang makaramdam ako ng pagyanig ng kalupaan. Even the huge walls are trembling. Nagkatinginan kaming siyam. They are looking at me, asking what to do. Kung ipagpapatuloy ba namin ang ginagawa o ang umatras muna upang makapaghanda sa maaring mangyari.

Sabay kaming napaatras at napatigil na rin sa ginagawa nang maguho ang nagtataasang harang na gawa sa pinakamatibay na bato. Nagkabitak ang kalupaang aming kinatatayuan kaya tumakbo na rin kami papalayo room bago pa kami mabagsakan ng mga batong paniguradong dudurog sa amin.

This is so unlikely for the Gravil Kinds to be this way.

"Protect yourself!" I shouted. Tumigil sa pagyanig ang lupa, and massive rocks started raining from the sky. Inangat ko ang magkabilang kamay ko't gumawa ng ice shield. Both of my hands are emmiting blue energies to support my shield. Kung hindi sapat ang pagsuporta rito ay maari itong matibag.

"Phairro!" Napalingon ako kay West. Nanlaki ang mata ko nang makita kung ano ang nangyayari sa kanila. Seconds later, it happened to me too.

Mula sa bitak na lupang kinatatayuan ko, may naramdaman akong kung anong bagay na pumulupot sa binti ko, at napapiksi ako nang makaramdam ng sakit na tila ba may bumaon doong maliit na matulis na bagay. When I look down, I saw my blood flowing down my knee to the ground.

I tried to freeze it, but it's not working. I bit my lower lip when I remembered this plant. This is a Viscero plant. Maliban sa nagtutulisan nitong mga tinik na naglalalaman ng pangmanhid na lason, tanging apoy lamang ang nakakapatay nito. Freezing it, nor shredding it to pieces won't work. Babalik at babalik pa rin ito sa tunay nitong anyo.

"Looks like Vexus changed tactics this time. He's fond of traps and playing safe, but now he's directly attacking." Tama ang sinabi ni East. Bagay na hindi namin inaasahan. Kung noon ay malaya kaming nakakapasok sa loob ng Gravil Continent, ngayon ay hindi na.

Inalis ko ang kanang kamay kong nakasuporta sa shield. Gumagapang na ito papunta sa bewang ko. Gumawa ako ng matulis na sandatang gawa sa yelo upang subukan itong tibagin at sirain mula sa pagkakagapos sa katawan ko. However, the more I tried to struggle from it, the tighter it gets, the more it hurts and pains me.

"Stop struggling to move if you want less pain!" Sumunod ang mga ito sa sinasabi ko, at napamura ako nang kamuntikan na masira ang ice shield na gawa ko. Binitawan ko ang matulis na bagay na hawak ko't tinuon na lamang ang pansin sa nag-uulanang bato.

Elysian Tale: Flare of FrostWhere stories live. Discover now