Elysian Tale: Flare of Frost

150K 3K 879
                                    

Ang Elysian Empire o ang Emperio ng Elysiano ay nahahati sa apat na kontinente. Ang mga ito ay ang mga sumusunod;

Fire Continent/ Fire Tribe (Blaze City)

Water Continent/ Water Tribe (Snowlake City)

Air Continent/ Air Tribe (Sky City)

Gravil Continent/ Gravil Tribe (Gravil City)

Kung nais mong malaman kung saang angkan ka nabibilang, maari mong bigyan ng pansin ang mga susunod;

Fire kinds- Ang mga kasapi ng angkan na ito'y hindi basta-basta nagpapaapi. Sila ay mga palaban at hinding-hindi umuurong sa ano mang hamon at kasunduan. Kung sa sagutan at pilosopohan, wala kang laban. Ang mga ito'y tuso at mapaglaro sa mga salita, at ang mga ito'y kailan man hindi tumatanggap ng pagkatalo sa ano mang bagay.

Water kinds- Sa lahat ng mga angkan, ito ay ang mayroong pinakakalmadong personalidad. Kung ang iba'y hindi na magkanda-ugaga sa pagkaabala, ang mga ito nama'y parang wala lang nangyayari sa paligid nila. Sila ang tipo na hindi makikipag-usap kung hindi ka kilala, ayaw rin nila ng dinidistorbo sila sa ginagawa.

Air kinds- Tulad ng pangalan ng angkan nila, kadalasan ay mahahangin ang mga ito. Lahat na lang ng bagay na maari nilang ipagyabang ay ipagyayabang nila kahit walang katuturan. Hanggang kaya nilang tumulong ay aakuin nila ang isang responsibilidad kesa ipasa ito sa iba. Sila ang may isang salita't isang malaking kasalanan sa kanila ang pumako ng isang kasunduan.

Gravil kinds- Higit sa lahat, sila ang pala-kaibigan sa lahat ng nabanggit na angkan. Hindi natatakot ang mga itong makipag-usap sa kahit na sino man. Kadalasan sa kanila ay palatawa't animo'y walang problema dahil sa pagkamasayahin. Walang pakialam ang mga ito kahit magmukhang tanga sa publiko basta't wala silang inaagrabyado.

Ngayon, alam mo na. Saang angkan ka nabibilang?

DISCLAIMER:
This is a work of fiction. Names, characters, business, places, events, and incidents are either the products of the writer's imaginations or only used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events and such is purely coincidental.

All Rights Reserved © 2018

Elysian Tale: Flare of FrostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon