Prologue

106K 2.9K 474
                                    

“Pakawalan niyo ako, mga lapastangang kutong lupa!” Pabalya nilang tinulak ang paslit kaya napahiga ito sa lupa

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

“Pakawalan niyo ako, mga lapastangang kutong lupa!” Pabalya nilang tinulak ang paslit kaya napahiga ito sa lupa.

“Tumahimik ka! Nakikita mo ba ‘tong hawak ko?” Itinaas ni Goro ang hawak niyang isang mahabang patalim.

“Malamang nakikita ko! Ano tingin mo sa akin, bulag ha?” Napahagikgik ang katabi ko kaya pinandilatan ko siya ng mata. Marahil ay natatawa ito dahil sa pamimilosopo ng paslit kay Goro.

“Aba’t—“

“Kung sasaktan niyo ako, malalagot kayo sa Water Tribe!” matapang na pagputol nito sa ano mang sasabihin ni Goro.

“Nasa kontinente ka namin, uhuging paslit. Isa kang tupa na pumasok sa balwarte ng mg buwaya,” Napataas ang kilay ko. Siya, buwaya? Mas malala pa siya sa buwaya.

“Saka hindi ka naman makakapagsumbong, lalo na kung papatayin ka namin dito ngayon. Hindi ba mga kasama?” dag-dag pa nito. Napansin kong nakakaramdam ng takot ang paslit, ngunit hindi niya ito pinapahalata’t nagtatapang-tapangan ito.

“T-teka… Bakit parang pamilyar sa akin ang mukha ng batang ‘yan?” Naibaling ko ang tingin ko sa katabi ko. Pamilyar sa kaniya?

“Aya!” Impit niyang tinakpan ang bibig niya’t nanlalaki matang tumingin sa akin at sa paslit na kasalukuyang tinututukan ni Goro ng patalim. Para bang may bagay siyang nalaman na talagang ikinagulat niya nang husto.

“S-siya si Ice Yves Alcastrair! Pangalawang prinsipe ng Water Tribe! P-paanong napunta siya rito?” Naguguluhan niyang tanong sa sarili. Tumingin ako sa gawi ng paslit. Isa siyang prinsipe? Kaya pala sinabi niyang malalagot sila sa Water Tribe.

“Hindi ba natin siya tutulungan, Flare?” Umiling ako. Kaagad na nangunot ang noo niya’t tumitig sa akin na para bang sinusubukan niyang alamin kung seryoso ba ako sa sinabi ko o hindi.

“Kung mamamatay siya, hindi na natin problema ‘yon. Kasalanan iyon ng mga palpak na tagabantay ng batang ‘yon.” Sinandal ko na lang ang ulo ko sa puno’t pinikit na lang ang mga mata ko. Tumahimik na rin siya kaya buong akala ko sumang-ayon siya sa gusto ko.

“Hoy! Bitawan niyo siya! Huwag niyong inaapi ang batang walang laban sa inyo!” Mabilis kong naimulat ang mata ko nang marinig ang matinis na boses na ‘yon. Agad kong sinilip kung ano ang nangyayari.

Anak ng balasubas…

“Kung sinuswerte ka nga naman, may isang dilag na nagawi rito.” wika ng isa sa mga kasamahan ni Goro habang tinitingnan ito nang malagkit.

“Maganda, makinis, at maputi, puwedeng-puwede na.” Naigulong ko na lang ang mga mata ko. Naalala kong nasipa ko sa pagitan ng hita ang isang ‘to, ang alam ko nga’y namaga ito’t ilang lingo siyang hindi nakalakad. Sana pala tinuluyan ko na, ano?

“Huwag niyo siyang idamay rito! Ikaw! Pakialamera ka! Umalis ka! Hindi ko kailangan ng tulong ng isang babae!” Aba’t ang kapal rin pala talaga ng pagmumukha ng batang ‘to. Siya na nga ang tinulungan, siya pa ang may ganang magalit.

Elysian Tale: Flare of FrostWhere stories live. Discover now